Part 85: The Truth Behind the Curse

483 11 0
                                    

Kahit hindi kami masyadong show off ni mokong dahil nasa labas kami parang magbestfriends lnag ulit kami. Nagkukulitan, kwentuhan at kung ano ano.

Nang makalabas ako sa bahay nawala ang pag iisip ko sa problema ko kina dad. Parang ayoko na nga umuwi ng bahay pag ganito eh.

Kumain kami sa Japanese restaurant pagkatapos nag ikot ikot, namili ng kung ano ano na halos lahat sya ang gumagastos. Naiwan ko kasi ang wallet ko at hindi nya na pinakuha pa sa akin kanina bago man lang kami umalis.

"Ngayon ko lang napagtanto na ang dami mo ng bitbit na paper bags."

"Halos sayo lang lahat ito eh."

"Hindi ah iyong iba dyan sayo din eh. Papilit ka din kasi kahit ayoko bilhan mo ako ng pantalon bibilhin mo pa rin. Naiwan ko kasi ang wallet ko kaslaanan ko pa na maubusan ka dyan ng pera bahala ka."

"May credit card pa ako dito hwag ka mag alala."

"Dami mong pera ah. Sobrang yaman ba ng tatay mo?"

"Ewan ko dun kung saan nya nakukuha ang mga pera nya. Siguro doon din sa mayamang babae pinagpalit nya kay mama."

Napansin ko ang pag iba ng mood nya. Habang naglalakad kami palabas ng mall. Tahimik lang sya at parang walang gana. Kung ako din naman na nasa posisyon nya sa pamilya masasaktan din ako para sa sarili ko.

"Seryoso tayo ah. Okay ka lang bunch?"

"Yeah I'm okay."

Matapos nya ilagay sa back seat ang mga dala nya kanina. Inistart nya na ang sasakyan at tahimik lang kami hanggang makarating sa bahay nya.

Ngayon ko lang talaga narealize na sobrang lungkot pala dito sa bahay nya na mag isa lang sya. Kaya hindi ko magtataka na bago palang maging kami lagi nya ako iniistorbo sa kwarto ko. Ni hindi ko nga alam kung paano sya nakakaakyat mula sa vernda ko at mula sa gate na inaakyat nya lang para makapasok sa loob ng walang ingay at hindi man lang sya nasisita ng mga guards sa subdivision.

"Fit na fit ang tshirt na ito sayo. Suotin mo nga ulit."

"Wala ako sa mood bigla bunch. Mamaya na lang."

Binitawan ko ang tshirt na hawak ko at binalik ko sa paper bag. Wala nga sa mood ang mokong na ito. Nagluto na lang ako ng maluluto sa kusina habang nasa sala sya. Pagkaluto ko inihanda ko din sa sala.

"Greean beans?"

"Masarap iyan pag natikman mo."

"Ayoko ng sitaw."

"Pag natikman mo ito hahanap hanapin mo ang gulay na sitaw."

"Pakainin mo na ako lahat ng gulay hwag lang ampalaya, talong at sitaw."

"Eh bakit may sitaw ka sa tef mo?"

"Ah eh... Aba malay ko baka matagal na iyan doon."

"Hay naku kaartehan lang iyan oh kainin mo ito."

Nilagyan ko ang plato nya ng kanin at ng niluto kong gulay.

"Bunch ayoko nga talaga ng sitaw eh."

"Isa masarap nga ito promise. Lemony green beans with walnuts and thyme."

"Pwedeng iyong walnut na lang kainin ko?"

Ang daming kaartehan talaga ng taong ito eh. Sinubuan ko na lang sya at buti naman at hindi umiwas ang mokong.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon