"Sweetie you have your visitor here."
Napatayo agad ako sa kama sabay bukas ng pinto palabas ng kwarto. O wait nakapajamas lang ako and fitted white sando. Is it appropriate para sa professional looking na lalaking iyon? Baka isipin nyang hindi ako maayos magdamit pag may bisita. Errr. Bakit ko ba kasi iniintindi pa iyon?
Pagbaba ko ng kwarto nakita ko si Harry na nakaupo sa sofa habang magkausap sila ni mommy.
"Hey Lucky..."
Nakasunod pala sakin si Lucky. Binuhat sya ni mommy at hinaplos haplos ang mga balahibo nito.
"Ahm mom its Harry the doctor I told you about."
"Yeah he introduce his self already. Can I borrow Lucky for a while? Nasa kusina lang naman ako gagawan ko kayo ng meryenda."
"Tita hindi na po sandali lang naman po ako."
"Its okay I insist."
Tumayo na si mommy habang buhat si Lucky papuntang kusina.
Umupo naman din ako paharap kay Harry sa sofa at inabot nya sakin ang lunch box.
"No wonder ang ganda ng kapatid mo at ang gwapo mo napakaganda pala ng mommy nyo."
"Walang bolahan. Hahaha."
"Totoo naman eh. Haha. By the way ang bait ng mom mo ibibigay ko lang sana iyang lunch box mo sandali eh naginsist pa sya magluto."
"Ganyan talaga si mommy kapag may mga bisita kami. Baka may pupuntahan ka pa? Nagmamadali ka ba?"
"No. Its okay ako pa ang dapat mahiya kung tatanggi ako."
Matapos kumain sa dami ng napag usapan namin na kung ano ano tungkol sa buhay kung paano nya nakayanan ang buhay estudyante noon at ang buhay bilang doctor ng mga hayop ngayon. Tungkol din sa mga pamilya kaya feeling ko ang nakagaanan nya na din ako ng loob na kaya nyang ishare ang lahat tungkol sa kanya sakin.
Iniwan na ni mommy samin si Lucky. Umakyat na sya sa kwarto nila ni daddy maaga pa kasi sila bukas aalis at inaasikaso na nila ang visa nila paalis ng bansa.
"Business man pala ang parents mo. So susunod ka din sa yapak nila."
"Kung ako lang masusunod hindi iyon ang gusto ko. Gusto ko ang maging successful in my risk na hindi sa gusto ng magulang kung hindi dahil sa gusto ko."
"You're right kaya sinunod ko din ang gusto ko and now I'm happy in doing in my life."
"Napaka positive mo din na tao noh. Kanina pa tayo nagkukwentuhan dito total tulog naman na ang mga tao dito lets take some shots. Umiinom ka ba?"
"I don't resist."
Kumuha ako ng San Miguel can sa ref at nilapag ko saesa namin. Gumawa pa si mommy kanina ng pancakes she loves baking kaya ito ang kinakain namin habang mag iinom.
"May girlfriend ka na ba?"
Napatigil ako sa biglang tanong nya out of the topic we had discussed. Tuloy tuloy ang paglango nya sa can beer buti at hindi agad naapektuhan ang utak nya sa alak.
"I don't have. Ganyan naman ang mga babae eh mamahalin nila tayo tapos hindi sila makukuntento tapos iiwan din nila tayo."
Hindi ko alam kung bakit iyon din ang naisagot ko sa kanya. Medyo nakakaramdam na kasi ako ng tipsy.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...