(Sorry for a long time no update. Start na po kasi ng second sem. Hehehe. Anyways near ending of the story be ready hold your tears for the next chapters after this.😉
-Feeling Koryanang Author)Zyruz Thunder POV
Ilang araw na ang nakalipas simula ng magkabati kami muli ng bunch ko. Ang hirap kaya ng ginawa ko sinakripisyo ko ang pangungulila ko sa kanya para lang maisagawa ang plano ko. Dalawang linggo ako nun umakting na maging cold dahilan para layuan nya ako at magalit sya sakin. Hindi naman ganun ang gusto ko mangyari pero dahil sa magaling kong kuya na nagsuggest sakin para gawin iyon at masurprise ang taong mahal ko sa araw ng Valentines.
Nagtalo pa kami ng magaling kong kuya pero laking pasasalamat ko pa rin sa kanya. Masaya ako dahil bumalik na kami sa dati lahat naging ayos na samin kay papa, kay mama at sa kanya. Tunay na pamilya na muli ang meron ako at isang taong mamahalin ko sa hanggang huli iyon ay ang tampuhing mahal ko.
"Araaay..."
"Nakikinig ka ba sakin o hindi?"
Napahawak ako sa ulo ko batukan daw ba ako pasalamat sya at mahal ko sya. Haha corni.
Tinignan ko lang sya sabay ngiting alanganin. Nakatulala lang kasi ako sa harap nya habang sya nagbabasa. Nagkapalit na nga ata kami ng mga gawain tuwing nasa school kami eh ako sya lang ang nasa harap ko okay na ako sya naman ngayon ang palaging hawak ay libro at ballpen.
"Nakareview ka na ba mokong? Finals na next week pinapaalala ko lang lipad kasi iyang utak mo."
"Manghuhula ka na din ngayon ah."
"Naman halata naman kasi palagi kang nakatulala sakin. Alam ko gwapo ako pero mamaya mo na ako pagpantasyahan dyan magreview ka muna."
Binigay nya sakin ang librong hawak nya saka sya tumayo na sa kinauupuan nya.
"Saan ka pupunta?"
Humarang ako sa harap nya. Ayaw ko iwan nya ako dito noh ayoko umalis sya sa tabi ko. Tsss. Matapos ba naman nya magalit sakin na akala ko talaga noon hindi nya na ako mpapatawad ayoko na mangyari iyon at takot na ako mahiwalay sya sakin.
Hinawakan ko ang kamay nya at pinaglock ko ang bawat daliri ko sa mga daliri nya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget over sa ginawa ko eh miss na moss na miss ko sya ng sobra.
"Bibili lang ako ng pagkain natin sa canteen."
"Sama ako."
Tch. Para akong bata ngayon na ayaw maihiwalay sa palda ng nanay. Hahaha. Nagpout pa ako para paawa effect talaga.
"Hindi mo ako madadala dyan mokong."
"Eh ayoko maiwan dito noh ayoko iwan mo ako."
"Tulad ng ginawa mong trip sakin nun?"
"Uyy hindi iyon trip sabi eh. Plano ko iyon sorry na bunch naman eh..."
"Tsss. Napaka siraulo ng planong iyon halos magpakamatay na kaya ako sa pakikipaghiwalay mo sakin."
"Sabi naman kasing hindi iyon totoo eh. Bago ako makipaghiwalay sayo sisiguraduhin ko munang patay na ako noh para--- Mmmphhh..."
Tinakpan nya ang bibig ko saka ako sinimangutan. Nagbibiro lang naman eh ang sungit na naman ng lalaking ito pasalamat talaga sya at mahal ko sya.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Novela JuvenilRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...