Part 5: Canteen

1.4K 37 0
                                    

Hindi ko pinapansin itong mokong na ito. Kahit katabi ko pa sya lumayo ako sa kanya konti ng upuan. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa lalaking ito napakayabang nya tapos sya pala si Thunder? Hindi naman mayabang ang bestfriend ko noon ah? Hays...

"Anong tinitingin tingin mo dyan hah?"

Sinamaan ko sya ng tingin. Nabigla ako ng tumingin sya sakin habang tinitignan ko sya ng masama tapos bigla nyang mapapansin iyon?

"Why are you staring at me?"

"Eh bakit matutunaw ka ba hah? OA kalalaking tao tsk."

"Tatanong ko lang kung may sasabihin ka o wala don't stare again at me like that it annoys me."

"Tsk. Kala mo kung sino ka talaga eh noh? Anong gusto mo suntukan na lang?"

Hindi nya na ako pinansin at binalik nya ulit ang tingin nya sa harap. Kung hindi lang nagkaklase nabasag ko na mukha nito.

Naboboring ako sa klase ginaganahan lang naman ako makinig kapag nasa mood ako at kapag magaling magturo ang prof pero ang dadali kasi ng tinuturo nya o wala pa syang gana magturo dahil umpisa pa lang naman ng klase.

Dahil wala ako sa mood ko at hindi na ata ako magkakaroon ng magandang mood hangga't nakikita ko ang pagmumukha ng mayabang na katabi ko ngayon.

Sinandal ko ang ulo ko sa mesa ko at humarap sa kabilang side na bintana ang tapat.

Napabalik ang tingin ko ng nagsalita itong mayabang na ito. Aba ang active sya magrecite hah pasikat lang ang loko. Tsss...

Buong klase halos sya ang masipag magrecite ng magrecite iyong mga babae naman naming kaklase eh kung makatingin sa kanya kilig na kilig. Lintik maaagawan pa ako ng attention sa mga chix.

Pasikat talaga itong mayabang na ito eh. Pagkatapos ng klase nilapitan ako nitong si nerdy boy na si Pao o Paolo.

"Hanep itong isang ito ah napaka witty."

Ang tinutukoy nya eh itong mayabang na ito habang nag aayos sya ng gamit nya sa bag nya.

"What is witty brad?"

Actually naririnig ko lang iyon pero hindi ko alam exact meaning eh. Hehe.

"It looks a synonyms of intelligent. Having good intellectual capacity."

Napahinto naman ako sa pag aayos din ng bag ko at napatingin ako kay nerdy boy.

"Nah?"

"Ito bro basahin mo."

Lintik akala ko own words nya iyon nagsearch naman pala ang loko.

Tumayo naman na itong mayabang na katabi ko. Tumayo na din ako at lumabas na kami ni nerdy boy.

"Hey TanTan..."

Tawag ko sa kanya na ikinahinto nya sa paglalakad. Ngayon ko na lang sya ulit natawag sa palayaw ko sa kanya. Noong nasa grades school kami ang tawag nya sakin ay WinWin pero hindi ko na prefer iyon dahil ang baduy at tawag ko naman sa kanya ay TanTan for Thunder.

"Ganyan mo ba itreat ang bestfriend mo?"

Nilapitan ko sya at inakbayan. Ako naman ang nakiki feeling close sa kanya kahit ayaw ko. May gusto lang kasi akong malaman sa kanya.

"What do you mean?"

Nakakunot noong tanong nya sakin habang parang hindi pa sya kumportable sa pagkakaakbay ko sa kanya. Arte nito ah sarap sapakin.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon