"Bro kung sino man iyang nasa isip mo please lang sabihin mo kung sino sya para masabihan ko syamg umalis muna sya sandali sa isip mo at nang makapag focus ka sa quiz natin."
Hindi ko pinapansin ang mga sinasabi ni nerdy boy nakapatong lang ang ulo ko sa mesa at nakatingin sa bintana ng room.
"Bro hindi ko alam na may quiz ngayon narinig ko lang kanina at ikaw na lang pag asa ko."
"Uyy Kyle..."
"Bro seryosohin mo nga ako inlababo ka na ba? Kay Myka? Kay Rhea?"
"Baliw. Kay Myka?"
Nakatingin sya kay Myka na nasa pinaka harap na upuan. Si Myka ang isa sa pinaka active samin sa klase. Mabait din sya at napaka glooming ng attitude nya kaya marami din humahanga sa kabaitan at taglay nya pang kagandahan. Isa na dito si nerdy boy na patay na patay sa kanya.
"Eh kung nagkagusto ako sa kanya baka sinuntok mo na ako noon pa?"
"Hehe. Buti alam mo bro."
"Pero uunahan na kita Pao huli ko pa mandin napatumba noon ng highschool ako eh iyong president ng klase namin na mas mataba pa kay Dambo."
"Ikaw naman hindi na mabiro Kyle. Eh kay Rhea?"
Tumingin sya kay Rhea na nasa bandang kaliwang gitna ang upuan malapit samin. Ang tulad nya ay tanging mga malilibog na mga lalaki ang magkakagusto sa kanya. Laman din sya ng mga bar sa tabi tabi dahil sa mga binibingwit nitong mga lalaki nakikita ko sya minsan sa madalas naming puntahan noon ng mga barkada ng highschool. Bukod sa napaka puti ng balat nya eh napakaiksi din ng palda ng uniform nya kaya lagi napapagalitan ng mga babaeng prof naiinsecure sa kanya eh maganda din naman sya kaso ay pagka clumsy ang ugali nya na ayaw na ayaw ko sa isang babae kahit gaano pa kaganda at kasexy. Except na lang kung ako ang sineduce nya baka bumigay ako agad. Hahaha.
"Brad mas good boy pa ito sa anghel masyadong akong mabait para sa katulad nya na puro kakerengkengan lang sa mga lalaki ang alam."
Napabusangot ang mukha ni nerdy boy na humarap sakin. Tinaasan ko lang naman sya ng kilay.
"Eh sino ng babae iyan hah?"
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa nerdy boy na ito ang totoo. Kaso pinag iisipan ko na baka isipin nyang bakla ako o bading na pinakaayaw ko itawag sakin dahhil hindi naman talaga. Pero dahil nagkakagusto ako sa mokong na iyon ma hindi ko maiwasan iyon na ang tawag samin but I don't consider it as we both gays. Errrr! Nangingilabot tuloy ako bigla sa iniisip ko. The f*ck!
"Lakas ng tama nya sayo bro ah. Talagang tinamaan ka din sakanya noh?"
Tumingin ako sa kanya ng mata sa mata walang kurap. Kapag kumurap ako it means na hindi ako naniniwala sa sinabi nya.
"Ano ito eye to eye challange bro? Lakas ng trip mo ah."
"I'm dead."
"Huh?"
Lumabas muna ako ng room sandali para pumunta sa cr at refresh ng tubig ang mukha ko. Pagkahilamos ko pumunta ako sa canteen para bumili ng tubig. Kulang na lang bumili ako ng yelo para kainin hindi ko alam ang nangyayari sakin ngayon.
Pagkatalikod ko ng counter nahulog ang bottle ng tubig na hawak ko. Kung sino man ang bumunggo sakin bwiset sya.
Pupulutin ko sana iyon pero nauna na syang pumulot. Kinuha ko iyon sa kanya saka umalis na ni hindi ko man lang napansin kung sino ang badtrip na bumunggo sakin.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...