Jusko naman ayaw ko na madagdagan ang nakakapanindig balahibong kasalanan ko kasama ng lalaking ito. Karma naman bakit hindi ka makisama. Aaaargh!
"Ano itutuloy ko pa o hindi na? Mukha kang nasarapan ah."
Pinalisikan ko sya ng mata sabay tulak ko at lumayo ako sa mokong na ito.
"Nakakadiri ka talaga."
"Gusto mo naman. Hahaha."
Tumalikod na ako sa kanya bago ko pa sya masuntok kung wala lang syang sakit baka magkatotoong gagawin ko sa kanya iyon.
"Kyle..."
Hindi ko na sya pinansin at baka malasin na naman ako sa mokong na iyon.
"Winwin!"
The F*ck! Sa tagal na ng taong lumipas hanggang ngayon hindi nya pa rin limot ang baduy na pangalan na iyon?
"See lumingon ka."
"Masusuntok na talaga kita sinasabi ko sayo."
Tumayo sya sa sofa at lumapit sakin. Bwiset sya iniakma ko ang kamao ko sa kanya tanda na handa akong suntukin ang pagmumukha nya kapag may gagawin pa syang kababalaghan. Sige subukan nya.
"Easy."
Hinawakan nya ang kamao ko at binaba nya iyon. Bumitaw ako sa kanya at binigyan ko pa rin sya ng nanlilisik na mga tingin sa inis sa kanya.
"Pwede ba akong tulungan ng dati kong bestfriend?"
"Tulong? Abusado ka ah. Kanina lang taking advantage ka ngayon sobra sobrang favor pa. Tingin mo sa akin mauuto mo?"
"I'm deadly serious Kyle I need your help."
Ilang linggo pa bago magpasukan at lagi kong hinihiling na sana may pasok na ulit dahil naboboring na talaga ako.
Pagkagising ko tumunog agad ang phone ko. Lintik nasaan nga pala ang phone ko tumutunog na nga bakit hindi ko pa mahanap?
The F! Magpakita kang phone ka. Parang naririnig ko ang tunog nya sa ilalim ng unan ko pero wala. Sa desk, sa veranda, sa cr.
"Lintik ka muntik pa kitang matapakan papahirapan mo pa ako."
At sa lintik na gilid ng kama sa sahig pala nagtatago ang phone ko. Hindi ko iyon siguro namalayang nahulog habang natutulog ako.
As I expected I know who is calling...
"Hey. Hwag mong isipin na iniiwasan kita dahil ayoko iyang napakag*go mong misyon misyon na nalalaman hah."
"So why took so long to answer the phone huh?"
"Hinanap ko pa ang phone ko at hindi ko namalayang nahulog pala sa kama ko. Okay?"
"Okay. Then where are you now? Hwag mong sabihin..."
"Nagbibihis na ako. Letse sige na nga hwag ka na tumawag at ako na lang ang tatawag sayo."
Binaba ko na ang phone ko at dumiretso na ako sa cr para maligo pa lang sa totoo at kakabangon ko lang kasi. Pagbihis ko baba agad ako para kumain konti sabay layas na.
"Hep hep hep. Hooray!"
Anong ispiritu ang sumasapi sa babaeng ito at naghehep hep hooray sa harap ko. Ano ito game show ng Wowowin?
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...