Pagkatapos namin nagtalo ng magaling kong kapatid sa nag iisang kama sa kwartong binigay samin ni Tan para matulog inaya naman nya ako sa may palaisdaan malapit sa likod ng kanilang kubo para kausapin.
"So anong first move natin?"
Tanong ko sa kanya saka ako naupo sa isang malaking bato at kumuha ng maliit na bato para paglaruan iyon sa mga palad ko.
"Kahit matanda na si lola malakas parin ang memory gap nya. Hindi mo pa sya mauuto hindi katulad ng mga nasa edad na talagang matatanda na madali ng mauto ng iba dahil sa naguulyanin na."
Nakahanap sya ng isang malaking bato din at saka sya umupo doon. Medyo malayo nga lang ang agwat namin pero dahil tahimik ang paligid at tanging huni ng mga ibon lang ang naririnig ay nagkakarinigan pa naman din kami.
"Kailangan talaga natin syang mapaniwala kaya plano kong magpakilala tayo sa kanya mamayang gabi as a couple."
Medyo ako nailang sa sinabi nyang iyon. Kaya napaiwas din ako ng tingin sa kanya at umayos ako ng pagkakaupo ko na nakaharap sa palaisadaan at hindi sa kanya.
"Oh tapos?"
"Pati din si mama kailangan nating mapaniwala dahil silang dalawa ni lola ang nagkakasundo kaya siguradong may alam din si mama patungkol sa huling habilin sakin noon ni lolo."
"Sabihin mo nga sakin ano ba ang huling sinabi sayo noon ng lolo mo para sa misyon mo na ito?"
Saka ako muli napaharap sa kanya dahil sa curiousity ko talagang malaman kung para saan ang misyon nya na ito.
"Kapag nakahanap na daw ako ng makakatulong sakin ay kailangan ko daw mahanap ang pinaka importanteng bagay na ipapamana sakin ni lolo. I don't if it is a sentimental thing or a money pero iyon ang tutuklasin natin."
"Baka naman kayamanan. Kung kayamanan man iyan baka naman mabahagian mo ako dyan kahit papaano ah."
"Oo naman. Dahil hindi ko rin naman mapapasa akin iyon kung wala ang tulong mo."
"Bakit sa dinami dami ng tao ako ang inatasan mo para makatulong sayo? Bakit hindi ibang tao o kaya kapatid mo kaibigan mo o kaya si Yana?"
Napansin ko naman ang pag iwas nya sakin ng tingin at pumulot sya ng maliit na bato at inihagis iyon sa palaisdaan.
"Ang sabi sakin ni lolo lalaki din ang kailangang makatulong sakin. Si kuya as I said hindi kami close ayaw nya na din mainvolve samin dahil may sarili na syang pamilya galit sya sa both parents namin. Kaibigan?"
Tumingin sya sakin at napangisi.
"Ikaw lang ang tinuring kong kaibigan simula pa noon."
"Tsss... Kaibigan hindi mo nga tinupad ang pangako mo."
Sinamaan ko sya ng tingin at ang hawak kong maliit din na bato inihagis ko din sa palaisdaan.
"Ang totoo nyan... Ang dahilan ko noon ay hindi ko alam kung paano ako makakagalaw sa sarili ko dahil sa nangyari kina mama at papa. Naging rebelde ako noong highschool ako gusto ko man bumalik sa Maynila noon kung saan nandun ang bestfriend ko na kailangan ko din noong panahon na iyon na wala na akong matatakbuhan hindi ko magawa."
Bumakas muli ang lungkot sa kanyang mga mukha.
"Ang tanging nasandalan ko lang noon si Yana. Kaya nagpapasalamat ako ng husto dahil nandyan pa rin sya para sakin. Rebelde ako noon kaya sorry kung hindi ko natupad ang pangako ko dahil kahit ako hindi ko alam ang gagawin ko."
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...