Part 18: Birthday Party (1)

875 22 0
                                    

Kahit si nerdy boy nagtataka sakin dahil napapadalas na ang pagtambay ko sa library naman mageexam na gusto ko pa rin naman makapasok ako sa dean's list. Sa tulong na din ng libro ni mokong este ni Tan eh malaking tulong ang mga references ng diacussions namin sa libro nya.

Hindi ko muna sya trip tawaging mokong ngayon dahil mabait naman sya at hindi pa naman ako minamalas na kasama ko sya.

"Hindi ko alam na may tinatago kang genius bro."

Sabay lapit sakin ni nerdy boy at kinuha ang makapal na librong hawak ko.

"Bro ang hirap intindihan nito."

"Tuturuan kita ngayon ko lang din nagets iyan dahil sa librong ito."

Napatingin naman ako kay Tan na umupo sa tabi namin.

"Kamusta review?"

"Sino ba ang mas genius sa inyo para alam ko kung kanino ako magpapaturo?"

Hinawakan pa ni nerdy boy ang salamin nya at inayos nya iyon. Para bang sinusuri nya kami ng tingin.

"Kung ayaw mo magpaturo sakin edi sa kanya na. Sya naman ang mas magaling sakin alam kong iyan nasa isip mo. Go on nerdy boy."

"Tampo agad. Oh sya sayo na lang ako magpapaturo pero siguraduhin mo ah?"

"Wala kang tiwala sakin? Grabe ka naman."

Natawa pa kami. Ngayon ko lang ata narealize na masaya din naman mag aral lalo na kung mayroon kang mga kaibigang nagtutulungan kayo. Noong highschool kasi ako lang inasahan ng mga tropa kong baliw pagdating sa exam.

"Bigla kayong naging close ni Thunder ah. Anong nangyari?"

"Ewan ko sana nga magtuloy tuloy na para hindi ko na kakaiinisan ang katabi ko sa upuan ang hirap makinig sa prof ng ganun nun."

Hindi ko din talaga alam kung anong nangyari at biglang nawala ang init ng dugo ko sa lalaking iyon. Parang dati kinaiinisan ko sya na halos patayin ko na sya sa isip ko ngayon eh parang wala na lang. Parang bagong pasukan ulit na ngayon lang kami nagkakilala.

Sya ang unang nagiging mabait na sakin eh hindi ko na sya nakikitaan ng kayabangan except na lang kapag ako ang unang nagyabang eh magyayabang din ang loko.

"Omo birthday pala ni TanTan oppa sa friday?"

Akala ko kung ano ang sinisigaw sigaw ng kapatid kong ito. Dikit na dikit ang mukha nya sa ipod.

"Kuya kachat ko si kuya Tan he invited us sa bahay nya sa birthday nya."

"Friends kayo sa facebook?"

"Naman... Nagfriend request ako sa kanya noong una ko syang nameet nung nag away lang naman kayo sa kalsada."

Sa facebook nya din pala nalaman na birthday ni Tan. Pagbukas ko din ng facebook account ko nag friend request itong si Tan sakin.

Online ang loko ah. Nagpop ang messenger ko. Aba hinahamon nya ako ng larong Everwing hah.

Naglaro din ako nun at nalagpasan ko ang score nyang 3,450. Kala nya hah.

Zyruz Thunder: 4,678

Kyle Winston: 5,355

Napapatawa ako sa labanan namin halos magkakadikit lang ang lamang ng mga scores namin.

Zyruz Thunder: Auko na suko nko knina pko nglalaro eh nlamangan dn ako ng kpatid mo.

Naglaban na din pala sila ni Nate sa scores. Ako din naman nagsawa na bigla sakit na din ng mata ko na nakatutok sa phone ko simula kaninang habang kumakain ako.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon