Part 32: The Kiss

785 18 0
                                    

"Gusto ko lang muna sana ng makakakwentuhan. Lalaki sa lalaki kaya hwag ka munang umalis."

Hindi ko alam pero napabalik na lang din ako sa kinauupuan ko kanina. Mukhang wala naman syang kakaibang ibig sabihin sa sinabi nya. Sabagay sinong hindi mababagot at mag isa nya lang sa bahay nya nang walang makausap man lang.

"Ang swerte nyo ng kapatid mo."

Unang bungad nya pero nakatingin lang sya sa tv.

"May kapatid ka may makakashare ka ng mga bagay na gusto mo ibahagi dahil may kapatid ka. May makakausap ka. Kakulitan. Unlike me. May kapatid nga never naman naging katulad nyo ng kapatid mo ang turingan namin. We're like strangers and no blood relations. Magkapatid lang kami kapag may kailangan sa isa't isa."

Napatingin ako sa mga mata nya. Pansin na pansin ko ang paglungkot nya. Pansin ko ang tinatago nyang hinanakit sa loob loob nya. At dahil lalaki sya mahirap sa kanya iexpress ang nararamdaman dahil ganyan naman ang mga lalaki eh mahirap ilabas ang true feelings dahil parang nakakababa ng self reflection dahil ang lalaki kilala bilang matibay at walang inuurungan pero sa totoo lang may mga kanya kanya din iyang tinatagong sakit.

At iyon ang nakikita ko sa kanya na tinatago nya lang ang nararamdaman nya.

"Swerte mo din dahil may mga magulang na kahit malayo sa inyo nandyan naman para gabayan pa rin kayo."

"Nagdadrama ka ba? Kalalaking tao daig pa si Charo Santos."

Pagbibiro ko lang sa kanya. Napakaseryoso kasi nya eh hindi ako sanay sa mga kakilala ko at kabarkada kong mga lalaki na magdrama sila ng buhay nila sa harap ko. Pero naiintindihan ko naman sila awkward lang sa feeling na kalalaking tao daig pa babae kung magdrama.

"Pucha kaya nga kita pinag stay muna dito para may mapag lalabasan ako ng hinanakit ko. You know you're the first one guy that I allow in my house to stay with me para makakwentuhan lang."

Grabe nagulat ako sa pagsabi nya ng word na 'pucha'  parang hindi kasi ako sanay sa kanya ang pagmumura in his vocabulary. Kagulat gulat talaga inis nga sya pag nagmumura ako eh pero sya? Kagulat gulat talaga matching with his fierce look at me.

"Sorry hindi kasi ako sanay na may nagdadrama sa harap ko. Gusto lang din naman kita mapatawa kahit konti para hindu masyadong madrama. Hehe."

Ganun parin ang mga mata nya sakin na kagulat gulat na mga tingin. Seryoso nga ang lolo nya baka bigla ako nitong saksakin ng mga tingin pa lang nya.

"Kung ganito ang buhay ko hiniling ko nalang sana na hindi na lang ako nabuhay sa mundo."

Napakaseryoso nya na malungkot. Bigla tuloy lumambot ang puso ko sa nararamdaman nya para sa buhay nyang para sa kanya eh walang kwenta.

"Lahat ng tao nabubuhay dahil may saysay sila sa mundo. Kahit gaano kapait ang nangyayari sa buhay nila may saysay iyan kaya ka parin nasa mundong ibabaw ngayon."

"May saysay kung alam mo lang kung gano kawalang saysay ang buhay ko ngayon."

Biglang napalitan ng galit at poot ang kanyang mga emosyon. Pansin ko din ang panlilisik ng mga mata nya sa galit na nararamdaman. Hindi ko alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ny pero tingin ko sa mga mata nya na napakahirap para sa kanya ang ganitong buhay meron sya.

"Brad may canned beer ka?"

Bigla syang napatingin sakin ng nagtataka. Haha. Ayoko kasi ng nagkukwentuhan ng walang maiinom eh. Mas nakakagana kapag may iniinom kang alak.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon