Author: Meaxmea
Critic: aftermat
Genre: Fantasy/ Romance
Target Reader: 18-year-old and above
Yet again, I am going to make this quick and painless. ^^
Very rare na nakakabasa ako ng Fantasy Story na may halong Sensual Fantasy and Myth Fantasy(demon to be specific). Mostly kasi kung Sensual Fantasy lang, puro sensual lang talaga yun takbo ng buong story, minsan nga wala nang story, puro description lang kung paano nagme-make love.
Review:
Kung grammar, dialogues, spelling, pacing, plotting, characters etc ang pag-uusapan para sa story na ito. Yes, meron mga minors errors akong nadaanan but hindi ko na napoint out lahat. Ang kaso kasi(ito na yun catch ng review ko), during the whole review, kapag nasimulan ko nang enjoyin yun story, or may nakakuha na ng attention ko at tuloy-tuloy ko na syang binasa. Ibig sabihin, mas nakatuon na yun buong attention ko sa mismong story, may madadaanang mga error, pero mas na-hook ako sa susunod na mangyayari, not because may mga sensual parts yun storypero dahil interesting yun mga characters at yun mismong story, lalo nun nakita ko na yun lalim ng story. Yun mismong sense ng story. Kung tutuusin bonus na nga lang yun sensual parts eh, obvious na pinaglalaruan lang ni yun part na yun, since magaling na syang magkwento.
Strength:
Tama yun build up ng characters, since kakaunti lang sila at nakafocus lang ito mostly kina Liliana at Alexiel, mas madaling sundan yun kwento, Yun nabuild-up na character ni Alex ay exact opposite sa character ni Liliana, pero may given situation na kailangan nila magsama, yun mga eksena na nagtatalo sila sa beliefs nila ay isa sa mga hooking parts ng story. Then eventually kailangan nang mag-give in yun isa(or nilang dalawa) at kailangan na nilang magsama or gawin yun isang mutual na kaganapan. Magandang setup yun at mag-iiwan siya ng malaking expectation sa reader.
Hindi ako fan ng K-Pop, pero sana ioffer mo rin yun story mo sa non-K-Pop readers, maganda yun story, kaso nalilimit yun market nya. (sana di kita naoffend dito kung diehard fan ka)I will be reading more of this kasi hinihintay ko pa yun mga susunod na mangyayari kila Liliana at Alexiel.
Good luck and more reads pa sa story mo.
aftermat