Asteria de Arcana - 2

261 15 21
                                    

Author: chainedheart101

Critic: charmdiatz

Genre: Fantasy

Target Reader: 17-year-old and above

Target Reader: 17-year-old and above

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A. OPENING

Malalim at malawak ang mga salitang ginamit. Iyon ang unang positibong nakita ko. But to be blunt, the first few sentences failed to grab my attention. Sa katunayan, nagkabuhol-buhol ang dila ko sa pagbabasa. Ang masama, nasa kalagitnaan pa lang ako ng unang kabanata, gusto ko nang bitiwan ito. Sayang dahil malaki pa naman ang potential nito.

Hihimay-himayin ko kung ano-ano ang mga napuna ko. Sana makatulong ito, dahil sabi nga sa author's note, this is due for editing.

Unang talata - Maraming nakapaloob na diwa o paksa na kailangang paghiwa-hiwalayin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Unang talata - Maraming nakapaloob na diwa o paksa na kailangang paghiwa-hiwalayin. Mas madaling maintindihan kung gagawing simple ang pagkakasulat nito. Halimbawa:

Napabangon ako sa kama nang maramdamang tila nasusunog ang balat ko mula sa tama ng sinag ng araw. (full stop)

Iyong katagang kuwarto at pariralang basag na bintana ay mas magandang i-expound. Create a mood. Nadi-depress ba siya tuwing nakikita 'yong basag na bintana? Nagpapaalala ba 'yon ng kahirapan nila sa buhay? Puwede ring ihambing ang basag na bintana sa relasyon ni Ali sa magulang niya.

2 in 1 Book CritiqueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon