Author: cUaroundDcorner
Critic: charmdiatz
Genre: Mystery/ Thriller
Target Reader: 17 +
A. OPENING
Prologue
First line pa lang, talaga namang nakaka-grab ng attention, lalo na if you're after an erotic sort of story. Pero teka muna, mystery/ thriller nga pala 'to. Napaisip tuloy ako kung saan at paano tatakbo ang kuwento.
Unahin ko na ring sabihin na maganda 'yong paraan ng pagsasalaysay - ang pagbuo ng pangungusap at ang maayos na daloy nito. Epektibo siya para sa akin. Madali siyang intindihin. Pakiramdam ko, nasa loob ako ng kuwento at nasasaksihan ang mga pangyayaring nagaganap.
Nando'n 'yong tensyon sa eksenang ipinakita sa prologue. It also ends on the right note and leaves your reading thinking - bakit na-coma si Bruno at si Adriana ba ang babae sa kaniyang panaginip?
The offside? Iyong umpisa - panaginip at SPG scene. Sa totoo lang, ang dami ko nang nabasa sa Wattpad na ganitong estilo. Hindi na ito kakaiba para sa akin.
I dunno pero nat-turn-off ako 'pag may nababasa akong ganito:
Hindi pa ba sapat 'yong warning sa first page? Saka, mature naman ang rating ng story, so ba't kailangang ulitin ito sa umpisa ng bawat chapter?
Chapter 1
Good start. Balanse 'yong narration at dialogue. Bumabagay rin 'yong action sa dialogue ng character. Tamang-tama 'yong pacing. Interesting din 'yong mga nalaman ko tungkol sa main character na si Bruno.
May mga napansin lang ako na sa Plot at Point of View ko na lang ii-explain.
B. CONFLICT
Present 'yong internal and external conflict. Sa execution lang nagkaroon ng problema. Again, point of view ang dahilan kung bakit hindi siya gaanong naging effective sa akin. Na-lessen din 'yong impact ng conflict because of some information that was intentionally withheld.