Author: IamTrinie
Critic: charmdiatz
Genre: Romance
A. OPENING
Quite intriguing 'yong umpisa. May mga katanungang nabubuo sa isip ko habang binabasa 'yong Chapter 1. May kakaiba kasi sa ikinikilos ni Nicole at nako-convey din 'yon sa dialogue niya. Parang may bahid hiwaga rin 'yong sabay-sabay na pagtunog ng mga orasan. Akala ko tuloy, may pagka-fantasy 'yong story at may mangyayaring di-pangkaraniwan no'ng tumunog iyon.
Kung may pupunahin ako, 'yong sa pacing lang. Nabilisan ako. Kung baga sa pagkain, ngumunguya pa lang ako, may isinusubo kaagad sa aking ibang putahe. Ang bilis magpalit ng setting, 'yong time and place. Feeling ko tuloy may word count 'tong sinusunod kaya parang minadali 'yong pagna-narrate.
B. CONFLICT
Present 'yong internal and external conflict. Na-feel ko 'yong hirap ng loob ng tatlong pangunahing tauhan. May kaniya-kaniya silang gusto pero mahirap matupad dahil sa karamdaman ni Andrea. Maganda rin 'yong pagkakakuwento kung ano at paano nila sosolusyunan 'yong problema.
C. PLOT
It's a love story about a young man, Aldrei, who fell in love with Andrea whom he never meet in person, sa picture niya lang ito nakita. Unfortunately, Andrea is afflicted with anterograde amnesia when he finally met her. She can recall her past, but she's unable to retain new memories. Every one hour, her memory reset. Makakalimutan niya 'yong nangyari sa isang oras na 'yon at ang alam niya, iyon ang araw ng birthday ng pinsan niya. Iyan 'yong event na pupuntahan nila no'ng nangyari 'yong aksidente.
Medyo nahihirapan akong paniwalaan 'yong konsepto nito. Para kasing lumalabas na synchronized 'yong brain ni Andrea sa orasan. Na eksaktong pagpatak ng isang segundo matapos ang isang oras, burado na lahat sa isip ni Andrea 'yong lahat ng nangyari sa isang oras na iyon. P'wede pa siguro kung sabihin na 'yon 'yong average time na nari-retain 'yong memory sa isip niya.
Isa pa, sabihin na natin na one hour lang na capable siyang i-store 'yong new memory sa isip niya, hindi ba dapat naalala pa rin ni Andrea si Aldrei habang kasama niya ito? Halimbawa, magkasama at nag-uusap sila sa loob ng sixty one minutes, ang makakalimutan niya lang, 'yong naunang isang minuto. Pero 'yong natitirang sixty minutes sariwa pa sa isip niya iyon. Pasok pa rin kasi iyon sa one hour memory retention. Kung umabot sa sixty two minutes ang pag-uusap nila, 'yong naunang dalawang minuto lang ang makakalimutan niya. And so on, and so forth. I just hope you get what I mean.
Parang nakasalalay kasi sa orasan 'yong memory ni Andrea. Na kapag tumunog iyon (exactly one hour), zap! Limot niya na ang lahat kahit 'yong taong kasalukuyang kinakausap niya.
D. SETTING
Malinaw naman pero mas prefer ko kung naging parte siya ng narration kaysa sa estilo na ginamit dito (sample shown below). Dito kasi lalabas 'yong pagiging artistic ng writer sa pagsusulat. Saka, may mental image na mabubuo sa isip ng reader kapag na-describe nang mabuti 'yong setting.
E. CHARACTERIZATIONMaikli kasi 'yong kuwento kaya nabilisan lang ako. Napapantastikuhan din ako sa character ni Aldrei. I mean, sino ba naman 'yong mai-inlove for six years ng dahil lang sa picture? Anyway, mahirap question-in ang love. Iba-iba kasi pananaw natin. Bukod d'yan, maayos 'yong pagkaka-portray ng roles ng mga character.
F. DIALOGUE
No issue. Madaling basahin. I can also feel the characters' emotion/ tension through their dialogue.
G. POINT OF VIEW
Third-person omniscient. Tama ba? The readers are privy to the thoughts and feeling of all the characters. Hindi siya nagja-jump from one character to another. Kung kaninong viewpoint character, 'yon din ang thoughts and feelings na sinasabi ni narrator.
Para sa akin, mas prefer ko na hindi ganito (shown below) 'yong pag-identify kung kaninong perspective 'yong sinasabi ng narrator. Mas smooth kasi 'yong flow kapag part siya ng narration.
H. SHOW VS TELL
Na-utilize mabuti. Sa setting lang kinulang.
I. FORMAT OF THE TEXT
Magulo 'yong spacing lalo na sa umpisa. Akala ko may ibig sabihin 'yong malalaking spaces between paragraphs. Transition mark lang pala 'yon. Di kasi consistent pagkakagamit. Iyong iba, mas malalaki 'yong spaces. Iyong iba, hindi.
J. GRAMMAR AND SPELLING
Typo lang ang napansin ko pero ilan lang 'yon. Saka 'yong spelling ng kundi. Di ba dapat kung 'di iyon?
Maayos din 'yong grammar in both languages, English and Filipino. Ito lang ang napansin ko.
1) With widened eyes, she lingered her look at the place. Tama ba 'yan? O, mas okay 'to:
Her gaze lingered at(on) the place. (Not sure kung anong preposition ang dapat gamitin.)
2) ... after some pondering, she threw it a pillow.
... after some pondering, she threw a pillow at it.
OVERALL IMPRESSION:
It's an entertaining story. Kaya siguro gano'n ang ending kasi nakakapagod nga naman na every hour ipapakilala mo 'yong sarili sa taong mahal mo. LOL. Buti sana kung kilala na ni Andrea si Aldrei bago nangyari 'yong aksidente. At least, magkakilala na sila at 'yong sasabihin lang ni Aldrei kay Andrea, mag-asawa/ magnobyo na tayo, 'di mo lang matandaan kasi may amnesia ka.
On a more serious note, ang hirap ng kaso ni Andrea dito. Mahabang pasensya ang kailangan dito ni Aldrei. Talagang mahal niya si Andrea kaya handa siyang magsakripisyo. Mahirap nang makakita ng ganitong klaseng tao. 😂😂
Naiklian lang ako sa story. Sana habaan pa.
Cheers!
charmdiatz