Chapter 2 - The Christmas Party

40.3K 573 18
                                    

(POV Kim)


I met Elijah Torres when I was seven years old.


Oo, bata pa lang ako, malandi na ko. Ano magagawa ko? Na-love at first sight ata ako kay Elijah.


Sobrang fresh pa ng mga pangyayari na parang kahapon lang. Yung parang magical yung pagtatagpo namin at nagsabwatan ang universe at mga stars para lang magkita kami.


Flashback - Noong unang panahon...


Ang aking ama na si Daniel Everton ay isang empleyado ng Zamora Group of Companies. Isa siya sa mga piling empleyado na invited sa grand Christmas party sa Zamora ancestral house na nasa tabing dagat. Gagawaran siya ng award dahil sa kanyang dedication sa company.

Pero ang alam ko, invited si daddy kasi close friend niya ang mga big boss na si Luke Torres at Chloe Zamora Torres, ang parents ni Elijah.

Ang lolo ni Elijah na si Don Demetrius Zamora ay kilala bilang isang pharmaceutical magnate. Pero nag expand ang business ni Don Demetrius at madami na sila pag-aari na companies na related sa hotels and restaurants, mining business, pharmaceutical laboratories at food manufacturing.

Pero ang mga Zamora at Torres ay kilala din bilang humble na pamilya. They took care of their workers and their employees love them back.

Unang pasok ko pa lang sa Zamora ancestral house, excited na agad ako. Sobrang laki ng mansion, parang castle ng Disneyland. Ginanap ang party sa garden ng mga Zamora. Tulo laway ko ng makita ko ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Parang nagsparkle ang mga food sa sobrang sarap.

Dahil bata pa ko, di ko mapigilan ang gumala sa loob ng mansion. Nilibot ko din ang buong garden. Daming flowers, sobrang colorful, parang fairy tale.


"Hoy panget! Bawal unggoy dito!"


Isang nakakainis na boses ang narinig ko habang pinagmamasdan ko ang mga koi fishes sa di kalayuang pond. I turned around at isang hideous orcish looking boy ang nakita ko.


Bakit may monster dito? Akala ko nasa fairy tale ako? At panget ba talaga ko?


"Stop it, Aaron. She's not fugly!" sabi ng isang magandang batang babae na medyo matanda lang sa akin ng bahagya. She is wearing a pink dress na parang isang prinsesa.

"Anong name mo fugly girl?" tanong uli ng matabang bata sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, Aaron ang name niya.


Tinawag niya kong fugly? Fucking ugly? Ganto ba ka rude ang mga bata noong panahon ko?


"Magagalit si Lolo Demmy kapag pinaiyak mo siya. Isusumbong kita! You are such a bully Aaron!" sabi ng isa pang magandang batang babae na naka pants at boots. Magkamukha sila, kambal siguro.

"Pero gusto ko ng polar bear stuffed toy niya! Give me that, you ugly girl!"


Ang matabang batang baboy na mukhang monster ay biglang inagaw sa polar bear stuffed toy ko in a not so nice way. Bigay pa naman sa akin yun kanina ni Sir Luke Torres bilang Christmas gift.


"Aaron ano ba! Ibigay mo sa kanya yan! Di naman sayo yan!" sigaw ng batang babae na naka boots sabay kuha ng stuffed toy ko.

"This is mine now!" sabi ni fat monster Aaron na kinuha uli yung polar bear stuffed toy ko.


Ang kulit ng potang panget na bata na to ah? Sapukin ko kaya sa mukha to!


Ang isa sa mga kambal at si Aaron are now like playing tug of war, hilahan to the max at ang poor polar bear stuffed toy ko ang biktima.


Ano ba meron dito sa stuffed toy na to? Yung totoo? Bakit may hilahan galore na nagaganap?


"Aaron!"


A cold chilling voice suddenly filled my ears. It came from another young kid. Mas matanda ng kaunti sa amin. Matangkad at payat. Maamo ang kanyang mukha, pero walang traces ng emotions. His eyes are beautifully darkened by his long eyelashes. I am sure, pwedeng pede siyang mag-artista sa bata niyang edad.

My heart suddenly beats faster. Yung parang gustong kumawala ng puso ko sa kinalalagyan.


Anong nangyayari? Bakit parang kinakabahan ako habang papalapit siya sa amin?


Kasama niya ang isang kambal na babae na naka dress. Malamang sinumbong niya si Aaron. Mabilis niyang kinuha ang stuffed toy ko kay Aaron at binalik sa akin.


"Here you go. Please forgive my cousin Aaron. He is not used in meeting pretty girls like you."


Pretty daw ako? Who is this guy? Siya ba prinsipe sa fairy tale na to?


Before I can say my thank you, the young boy turned his back at me and left me in awe.


Nga nga... Tulala... Starstruck... Dumbfounded... Speechless...


Parang nagstop ang world ko nang binalik niya sa akin ang stuffed toy ko. Siya na ba si Mister Right? Siya na ba ang maglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake ko?


He is dragging Aaron away from me. A small smile broke on my face when I saw him pinching the ears of Aaron like a good big brother.


"Are you okay? I am Vienna and this is my twin sister Sierra," sabi ng isang kambal at nakipagkamay sila sa akin. Sila ang kambal na apo ni Don Demetrius Zamora.

"I am Kim. Sino yung lalakeng yun?" tanong ko sa kanila.

"Kuya namin, si Elijah," sabi ni Sierra.

"Ahh siya pala si Elijah. Sierra, Vienna, salamat ah? Pasabi na rin kay Kuya Elijah niyo na salamat din."

"Pasensiya ka na din sa pinsan namin na si Aaron, maldito talaga yun. Iwan ka na namin Kim, baka hinahanap na kami ni daddy. Nice meeting you!" malambing na sabi ni Vienna.


Sinubukan ko hanapin si Elijah kaso di ko siya makita sa dami ng tao. I looked everywhere, but I can no longer see any traces of my prince charming.

Since then, my heart only belongs to him. My knight in shining armor, my hero!

I Ruined My Best Friend's Wedding [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon