Chapter 38 - Tupa

20.3K 410 1
                                    

(POV Elijah)

Naputol ang usapan namin nang dumating si lolo. Binanggit ko na buntis si Sierra at tuwang tuwa naman ang matanda. Nag-iisang anak lang kasi si mommy kaya masayang masaya siya na marami siya apo.

"Tama talaga ang decision ko na maging katulong ni Harvey si Sierra noon. I have a feeling na bagay talaga silang dalawa."

"Yeah, I remember. You demanded Sierra to stay with him. Alam mo naman na babaero si Harvey. Parang tupa si Sierra na pinatira mo sa bahay ng lion."

"Si Sierra isang tupa? Tupa na may pangil siguro at carnivorous din. It all ends well. Harvey is so much in love with my baby girl Sierra."

"Lolo, I have been meaning to ask you something. The twins have accidentally mentioned their mother today. They are excited that they will meet her. May alam ka ba sa sinasabi nila?" tanong ko kay lolo nang makabalik na si Sierra sa table nila ni Harvey. Si Cass naman ay busy pa din sa mga bisita.

"Oh yes, would you be excited as well if you were in their shoes?"

Ano na naman sinasabi nitong matandang to? Nakalimutan na ba niya na patay na si Kim? May Alzheimers na ata si lolo.

"Lolo, alam ko birthday mo. But the kids are pretty much confident that they will meet their mother today."

"Ano naman problema mo dun apo? Di ka ba masaya kung mangyayari yun?"

"Ako naman ang pahihirapan mo na mag-explain ng complicated na bagay sa dalawang inquisitive na toddlers."

"Relax, Elijah. The kids will surely enjoy this night. Enjoy your night with Cass as this may be your last night together as a couple."

"Lolo, hindi magandang joke yan..."

"Let me rephrase that. Enjoy your night with Cass as this will be your last night together," sabi niya with confirmation.

He emphasized the word last as if he is certain that Cass and I will break up tonight.

I Ruined My Best Friend's Wedding [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon