Chapter 49 - Lonely Man

22.2K 408 0
                                    

(POV Elijah)

"Where are you apo? Magkasama pa ba kayo ni Kim?"

"Yes, lolo. Naliligo lang siya at uuwi na kami dyan. Kamusta mga bata?"

"Tulog pa, hindi nakatulog kagabi agad dahil hinahanap ang mommy nila. Anyway, bumalik kayo agad dito, may bisita ka."

"Sinong bisita lolo?"

"Your ex-girlfriend. Tinatawagan ka daw niya kagabi pa and I am sure you are quite busy last night. Pumunta ka dito. I don't think she has plans on leaving unless makausap ka niya."

Ayoko muna sabihin kay Kimmy na nasa bahay ni lolo si Cass, but she keeps asking questions kung sino yung tumawag. Unlimited magtanong parang isang federal investigator.

"Alam mo ba na huli ako pumunta dito sa bahay ni Lolo Demmy, nagplaplano kami kung paano ko sisirain yung kasal niyo ni Monica?" tanong ni Kimmy habang palabas ng kotse.

"Nasabi nga ni lolo sa akin. Sana naghubad ka na lang sa harap ko, para di ka na nahirapan pa."

"Tsk! Eh di ba nga manhid ka?"

"Manhid? Nakabuo nga ng kambal eh."

"Asan na nga pala ang mga bata?"

"Tulog pa daw ang mga bata, pero pwede mo sila puntahan sa kwarto."

"Elijah, may bumabagabag ba sayo? You look uneasy and worried," tanong niya sa akin habang papasok kami sa bahay ni Lolo Demmy.

Pero di ko na nasagot si Kimmy dahil nakita ko na lumalapit si Cass sa amin. She looks furious. Sabagay, biglaan ang break-up namin and I can understand why she is so angry early in the morning.

"Elijah, you can't dropped me just like that! I don't deserve that! We need to talk and we need to talk now!"

"Cass, if you want to talk, let's talk," sabi ko sabay hawak sa braso niya. Ayokong mag eskandalo siya sa harap ni Kimmy na mukhang shocked sa pagkikita nila ni Cass.

"At sino siya?" iritableng tanong ni Cass kay Kimmy. She sounds condescending and I know Kimmy feels insecure dahil sa tono ng pananalita ni Cass.

"Cass, this is Kimberley. The mother of my twins."

"What? I thought she's dead..."

"She is very much alive and she's the reason why I broke up with you. I am really sorry."

"Huh? Wow, kaya pala iniwan mo ko basta basta. Walang hiya ka Elijah!" sigaw ni Cass sabay hampas sa dibdib ko.

"Cass, stop! Bakit ka ba nagkakaganito? Malinaw naman sa atin dalawa noon na ang relationship natin is just plain business."

"Elijah, manhid ka ba? Mahal na mahal kita!"

"Mag-usap nga tayo. Kimmy, please excuse us."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Kim at hinila ko si Cass papasok sa study room ni lolo. Nakita ko naman si Kim na pinuntahan ng mga baby sitters ni Vienne at Voltaire.

"Cassandra, you are a smart girl. Bakit kailangan mo mag eskandalo na parang isang babae na walang pinag-aralan?" tanong ko pagkasara ko ng pinto ng study room ni lolo.

"Elijah, you can't leave me! Paano ang business namin? Paano ang business niyo? Kailangan mo ko Elijah!"

"Cass, I still love her. Mahal ko siya noon pa at hanggang ngayon. I can't be with you anymore."

"Please Elijah, don't leave me," nakikiusap na sabi ni Cassandra sabay yakap sa akin.

"Cass, alam mo noon pa na casual lang ang relationship natin, parang isang business agreement. We are not even in love."

"So... you are really decided to leave me..."

"I am really sorry. Sana mapatawad mo ako someday. Alam ko malaki ang advantage ng company niyo sa company namin, but she's the love of my life, Cass. Taon ang nawala sa amin ni Kim. Kailangan ko siya, kailangan siya ng mga anak ko."

"I am really sorry too Elijah. I just can't give you to someone else..." mahinang sabi ni Cass sabay tutok ng baril sa akin.

Biglang napuno ako ng takot. Hindi para sa akin, para kay Kimmy at sa mga anak ko.

"Cass, please don't do this."

"Minahal kita, hindi mo ba nararamdaman yun? Binigay ko sayo ang lahat pero all this time, mas mahal mo pa din yung babae na yun?"

"You are right Cass. Siguro nga minahal mo ko, pero di ko kayang suklian yun dahil kahit alam kong patay na si Kim noon, hindi siya nawala sa puso ko. If you think I deserve this, go ahead Cass. I am not stopping you."

I thought Cass is going to pull the trigger kaya nagulat na lang ako ng binaba niya ang baril. This is the first time that I saw her crying.

"Hey, come here," mahina kong sabi kay Cass sabay yakap sa kanya.

The mighty Cassandra Rineheart is now crying. What a rare scene!

"She's a lucky girl Elijah. But she looks young, I thought you preferred mature woman," natatawa niyang sabi habang pinapahid ang luha niya.

"Akala ko din, but then she caught me heart right from the start."

"You are lonely man Elijah. I hope she can make you happy. Maging sa akin ka man, I bet I can't make you happy. That's why, I will set you free," sabay halik niya sa mga labi ko.

"Mommy, dito ko lang po iniwan yun sa study room ni lolo..."

Napatigil na lang ako nang makita ko si Kim na kasama si Vienne. Nasa mukha niya ang pagka gulat at di niya inaasahan na makikita kami ni Cass sa ganung tagpo sa loob ng study room ni Lolo Demmy.

"Let's go baby. Hanapin na lang natin sa iba pang room yung favorite doll mo," sabi ni Kim kay Vienne sabay labas ng study room.

"I guess kailangan mo ng mahaba habang paliwanag sa magiging asawa mo. Goodbye Elijah," sabay halik niya sa pisngi ko.

I Ruined My Best Friend's Wedding [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon