Chapter 16 - University

18.4K 410 22
                                    

(POV Kim)

College na ako at si Elijah naman ay nagtatapos ng masterals sa ibang bansa. Malayo man kami sa isa't isa, palagi kami nagkikita dahil almost every month, umuuwi dito sa Elijah sa bansa. Siyempre, gamit niya ang private plane ng lolo niya.

Oh di ba, siya na ang super rich!

Nagtratrabaho din siya part time sa company ng lolo niya dahil eventually, mapupunta din naman ito sa kanya. Mas lalo ko siyang hinangaan dahil sa dedication niya sa work.

Tapos na ang klase ko nang mapansin ko ang ilang mga kababaihan na estudyante sa corridor. May sinisilip sila sa ground floor at todo ang kanilang bulungan.

Anong meron? Huli na naman ba ako sa balita?

Since chismosa ka, sinubukan ko din sumilip. Pagkatingin ko sa ground floor, andoon si Elijah. Naka shades at naka sandal sa kanyang expensive sports car.

Anak ng tokwa! Sabi ko wag siyang pupunta sa school ever dahil pagkakaguluhan siya eh! Gusto ko sa akin lang siya.

Sinumulan kong isuot ang jacket ko at naglagay ng hoodie. Naglagay din ako ng shades para walang maka pansin sa akin at mabilis akong bumaba para puntahan si Elijah.

"Anong klaseng outfit yan? Balot na balot ka para kang ninja na suman," inis na tanong niya sa akin.

"Elijah, andito ka ba para sa akin?"

"Nope, assuming ka masyado. Akala mo ikaw pinupuntahan ko? May chicks ako dito sa school niyo."

"Ah ganun ba? Sige, iwan na kita..."

Aalis sana ako pero pinigilan ni Elijah ang braso ko at hinatak papalapit sa kanya.

"Joke lang! Napaka seryoso mo! May problema ba?"

"Di ba sabi ko wag ka pupunta dito sa university? Madami nakakakilala sayo dahil nagmomodel ka. Tumingin ka nga sa school building namin at bilangin mo kung ilang tao ang nakatingin sa atin sa mga oras na ito?"

Tumingin si Elijah at kumaway sa mga girls students. Nagtilian naman sila na parang mga kinikilig na bibe na ginigilitan ng leeg.

"It has been months since huli tayo nagkita, tapos ganyan ka pa?"

Kikiligin sana ako sa gestures niya, pero kakasabi niya lang sa akin sa phone a few days ago na may bago siyang girlfriend ngayon, classmate niya. At hindi mapigilan ng sugatan kong puso ang mag drama.

Tapos andito siya ngayon na parang isang poging boyfriend?

Hay naku Elijah. Ang puso ko, ang puso ko, saluhin mo!

"Ayoko lang na pinagkakaguluhan ka ng mga babae dito sa school. Nagmumukha akong PA mo."

"Very possessive, that's my bestfriend!" sabi ni Elijah sabay akbay sa akin. Binuksan niya ang kotse at pinapasok ako sa loob.


I Ruined My Best Friend's Wedding [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon