Chapter 48 - Bathtub

21.9K 377 1
                                    

(POV Kim)

Mag-iinarte pa ba ko kung ang love of my life ay mahal din pala ako?

Elijah knows how to play his cards well. Alam na alam niya na once he kissed me, all of my worries will vanish. Within seconds, I am already in his arms. Bawat sandali na magkasama sa gabing yun, parang unti unti ko naaalala ang nakaraan, ang aming nakaraan na dalawa.

"Kimmy, wake up," bulong ni Elijah sa akin.

"Hmmmm? Bakit anong oras na ba? Antok pa ko."

"It is already past eight in the morning," malambing na sabi ni Elijah sabay halik sa pisngi ko.

"Eight na? Shit, shit, shit! Baka dumating yung mga bata at madatnan tayo na walang damit!" natataranta kong sagot ko sa kanya. Mabilis ako nagbihis pero si Elijah naman, enjoy na enjoy sa pagpapanic ko.

"May lakad ka ba teh? Bakit ka nagmamadali?" natatawa niyang tanong.

"Eh paano kung pumasok yung mga bata dito? Sabi ko sa kanila, andito pa din ako hanggang ngayon."

"Inuwi na sila ni lolo kagabi sa bahay niya, kasama ang mommy at daddy. Tayo lang ang naiwan dito sa hotel."

"Akala ko dito sila din nagstay sa hotel. Pwede ko ba sila puntahan?"

"Pupuntahan natin sila mamaya. Pero paano naman ako? Mahigit tatlong taon ka nawala sa akin Kimmy. Ako lang nag-alaga sa mga kambal. Alam mo ba na mahirap ang mag-alaga ng dalawang bata at the same time?" nakakaloko niyang tanong.

"Pasensya na po ah? Nasa coma po kasi ako eh. Wala naman ako kamalay malay na may twins na ako. Akala ko, anak mo kay Monica si Vienne at Voltaire," sabi ko habang nagbibihis ng dress ko.

"What I am trying to say is, wala ba ko sort of compensation sa paghihirap ko?" tanong niya habang unti unti lumalapit sa akin. Wala man lang pakialam kahit walang kahit anong takip ang katawan niya.

"Anong compensation ba gusto mo? Hay nako, Elijah, wag mo ko akitin ng hubad mong katawan. Marupok ako!"

"Pansin ko nga!" sabay yakap niya sa akin at bigla niya ko binuhat papunta sa bathroom tub. Sayang effort ko sa pagbibihis dahil tinanggal lang din niya uli ang mga damit ko.

"So ano balak mo? Dito lang tayo buong maghapon?" tanong ko sa kanya habang pareho kami nakalubog sa bubble bath.

"Gusto ko man mag stay dito hanggang gabi kasama ka, hahanapin tayo malamang ng mga bata. Pagkatapos natin maligo, pupunta tayo sa bahay ni lolo..."

Hindi na natapos ni Elijah ang sasabihin dahil biglang tumunog ang phone niya. It is probably an emergency dahil mabilis na tumayo si Elijah sa bath tub at lumabas ng bathroom.

I Ruined My Best Friend's Wedding [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon