Maaga akong bumangon sa aking kinahihigaan. Nakasanayan ko na ring bumangon ng maaga kasi nung nasa probinsya pa ako ay lagi kaming maagang nagsisigising tsaka mag ayos at maghanda ng pagkain.
"Tita. Ako na po diyan! " sabi ko kay tita kasi siya ang naghahanda ng almusal.
By the way, magpapakilala na ako. Well, I'm Marty Saavedra. 17 at isa akong volleyball player kaya ako nakakuha ng scholarship sa paaralang pinag enrollan ko. Oh okay na kayo?
"Hay, ako na! Ikaw talaga di kapa nasanay kay tita mong masipag! " sabi pa ni tita.
"Eh kasi naman tita eh. Nakikituloy na ako dito wala pa kong ginagawa. Unfair nun diba? " sabi ko.
"Hay! Andami mong nalalaman. Kumain kana kaya? Tsaka mag aral ka ng mabuti para maging proud naman si mama mo sayo. Ah! Matagal na yung proud sayo. Haha. Ikaw pa mabuti at maalaga kang pamangkin at anak! " sabi ni tita sa akin.
"Hays. Ah! Tita. Pupunta pala akong mall bibili ako ng gamit para sa pasukan." Sabi ko.
"Ah. Sige. " sabi ni tita sabay abot ng 500 sa kamay ko.
"Wag na po tita. Meron pa... " di ko na natapos ang sasabihin ko .( lagi nalang).
"Aysh! Kunin mona! Alam kong madami kang arte dyan sa katawan mo. Kakailanganin mo yan! " sabi ni tita.
"Pero... "- ako.
"Wag na! Alis kana sige na! " sabi ni tita.
"Ahhh! Thank you tita. " sabay yakap sa kanya.
---
Si tita Angie kapatid ni Mama. Seaman ang asawa kaya masagana. Swerte ko dito kay tita kasi hindi siya tulad sa iba na nanonomboy. Nag iisa lang kasi ang anak kaya parang okay lang lahat.
--
Umakyat ako ng kwarto tsaka nag ayos na. Naligo, nagbihis at nagpaganda. Char lang!
Paalis na ako nung nakita ko ang picture ni mama sa study table ko.
"Ma, para sayo lahat ng sakripisyo ko. Hayaan mo makakabangon din tayo. " sabi ko.
---
"Tita! Aalis na po ako." Sabi ko.
"Oh sya sige. Mag ingat ka ha. Umuwi kana agad pagkatapos. " sabi ni tita.
"Ok po ." Sabi ko.
---
Sa Mall.
-
Pumunta muna ako ng national bookstore para bumili ng mga librong ni require sa amin."Philosophy .... Saan naba yun?" Tanong ko habang hawak ang listahan.
"Ah!" Pagkakita ko ng libro.
------
Natapos na ako sa bilihin tsaka lumabas na. Napatingin ako sa mga sapatos sa isang UK na side.
(UK as in ukay ukay)
Papunta na ako ng nahagilap ko ang pamilyar na lalaki.
"Parang nakita ko na ito ha. Somewhere down the rainbow sea? " tanong ko.
--- 6 mins. Na pag iisip.---- djowk.
"Walangya! Siya yung bastos na tumulak sa akin sa pool. Huh! Humanda talaga siya. Ibabaon ko siya sa lupa at nang paglalamayan siya ng mga langaw! " sabi ko.
Tatakbo na sana ako nung marinig ko na ..
"Baby, don't do this to me please?! I'm begging. You know how much I love you?! " sabi niya sa telepono.
Kaya ako umalis.
"Pasalamat kang tyonggo ka. Bad mood ka tsaka good mood ako ayokong mahaluan ng masamang vibes ngayon at ayokong naiiyak ka habang namamatay." sabi ko lang tsaka umalis na rin.
Mr. Swimmer's POV
Nakipag break yung gf ko ngayong araw nato dahil na late lang ako ng 5 minutes sa pakikipag meet sa kanya kahapon. Kasalanan to lahat ng lalaking nakita ko sa pool. Pero ayokong manisi ng iba kasi pag mahal nya ako kahit ilang oras pa ako ma late tatanggapin niya kasi nga mahal niya ako.
"Pero makikita rin ng lalaking yun! Magkakagift ng sandosenang suntok sa bunganga yun. Ang ingay tapos walang modo!"sabi ko tsaka umalis na.
Oh! isa pa. I'll introdiuce myself muna. I'm Anthon Salazar, swimmer sa school namin tsaka Heart throb ng school. Well, sinong hindi mag kakagusto sa isang swimmer?, maputi, red lips tsaka nasakin na ang lahat. wala sa mayabangan yun ha.
Marty's POV
Nakauwi na nga ako tsaka di na ako kumain na ng hapunan kasi nabusog na rin naman ako ang kailangan ko lng siguro ngayon ay ang pahinga kasi sa sobrang lakwatsa ko kanina sa kakahanap ng mga libro't kakaisip kung saan mabibili ang mga kakailanganin dun na ata naubos at nabuhos ang lakas ko.
Kaya. see me sa next chapter mga bess. Labyu..
_Madam.
I hope na suportahan nyo ang story kong ito guys <3 LoveLots.
BINABASA MO ANG
My Mr. Swimmer
RomanceHindi lahat ng mga gay ngayon ay nagkakalove life yung iba nahuhulog lang at naiiwan. Ang bida dito ay hindi halatang virginia at napadpad sa isang school for the boys na eskwelahan paano kaya nya ma kekeri ang sangkatutak na mga boys at paano nga b...