Marty's POV
Maaga pa nag start ang training ng volleyball, sumabay na rin ako kasi naman mamayang hapon ay maglilinis kami ni Matt ng stock room. Hindi rin ako masyadong nagpagod ngayon baka hindi kakayanin ng katawan ko ang pagod.
Papunta na ako ng gym at nakita ko si Arn sa daan..
"Oy, saan ka pupunta?" tanong niya.
"Doon sa gym magpapraktis na."sabi ko.
"Diba mamayang hapon pa ang praktis nyo? Yun ang nasa sched mo ahh?" sabi ni Arn
"Oo, kasi mamaya maglilinis kami ni Matt ng stock room kaya umaga na ako nagpraktis para mamayang hapon free ako tsaka matapos ko na ang sanction."sabi ko.
"Sanction? Para saan?" tanong ni Arn.
"Oo, nung nag absent ako ng ilang days?"sabi ko.
"Eh, dalawa naman tayong nag absent nun ah? Bakit kayo ni Matt ang may sanction?" tanong niya.
"Ewan ko, sabi ng dean ako lang pero gusto akong samahan ni Matt."sabi ko.
Natahimik rin si Arn sa sinabi ko. pero may nakita akong dala niyang nasa plastik parang uniform ng volleyball.
"Oh? Ano yang dala mong uniform ng volleyball? Para kay sino yan?"tanong ko.
"Wala. Sige na magpraktis kana."sabi niya.
Agad din akong umalis tsaka dumeretso na sa gym...
--
Arn's POV
Umalis na ako kakatapos ko lang makausap si Marty, papunta akong dorm ngayon kasi wala naman akong ganang pumasok sa Stat. kong klase.
Nagtataka lang kasi ako kung bakit si Matt tsaka Marty lang ang magkasama tsaka, dalawa naman kami ni Marty ang nag absent nung mga araw na yun ah. Di naman ako pinatawag ng dean.
Pagkarating ko sa dorm ay kinuha ko ang damit ng volleyball, para to sana kay Marty kasi nakita kong isang pares lang ang meron siya kaya binilhan ko. Hindi ko na sinabi kanina na para sakanya to kasi naiinis ako kay Matt, dahil magkasama sila...
--
Marty's POV
Kakatapos lang ng praktis namin sa volleyball pumunta muna ako ng cafeteria para bumili ng makakain tsaka maiinom. pagkatapos kong bumili ay agad na akong pumunta ng stock room. Tinawagan ko si Matt kasi tatanungin ko kung nasaan siya.
--
Someone's POV
Ngayon ko na siguro sasabihin kay Marty ang sikreto ko.
"Pre, samahan moko ha. Batid ko wala si Matt ngayon, ako na muna sasama kay Marty.." - ako.
"Sige.."- kausap ko.
--
Marty's POV
*PHONE RINGS*
~Riiiiiiiinggggg...... Riiiiiinnnggg....... Riiiii --
May sumagot agad.
"Hello?"tinig ng isang lalaking parang may sakit.
"Oy, Matt. Saan ka? Nandito ako sa Stock Room sasamahan mo pa ako?"sabi ko.
"Sorry, *cough* hindi kita masasamahan kasi may sakit ako. *cough*" sabi ni Matt.
"hayy, sige ok lang. Magpahinga ka muna, magpagaling ka muna. Sige, kaya kona to."sabi ko.
"Yung totoo? sasabihan ko yung secretary ko na sasamahan ka."sabi ni Matt.
"Wag na, okay lang sige. Magpahinga kana.. Get well soon."sabi ko tsaka pinatay ko na rin.
BINABASA MO ANG
My Mr. Swimmer
RomansaHindi lahat ng mga gay ngayon ay nagkakalove life yung iba nahuhulog lang at naiiwan. Ang bida dito ay hindi halatang virginia at napadpad sa isang school for the boys na eskwelahan paano kaya nya ma kekeri ang sangkatutak na mga boys at paano nga b...