FINALE'

1.9K 53 4
                                    

MARTY's POV

Party....... Masaya...... Lahat nandito..... Siguro ang buhay ko ay isang drama, nobela o kaya isang ordinaryong istorya ng isang bakla na nainlove sa isang lalake na di ko inasahan pero heto siya ngayon sa harap ko, hawak hwak ang kamay ko, nakangiti na parang bata at higit sa lahat mahal na mahal ako.

Habang kaharap ko ang lalaki na minahal ko ng sobra bumabalik sa aking ala-ala ang lahat kung saan kami nagsimula. Napapaluha ako sa sobrang saya kasi nakikita ko ang pamilya ko, sina kuya, tita at ate na masaya na rin para sa aming dalawa ng mahal ko.

"Babe?" sabi ni Arn.

"Yes?" tanong ko.

"Masaya kaba?" tanong niya.

"Oo naman. Masaya na ako sayo, dahil ako ang pinili mo kahit meron namang mga babae diyan na makapagbibigay sayo ng pamilya. Pero babe, sa huli alam ko babae at babae parin ang hahanapin mo. Pasensya kana dahil di kita mabibigyan ng pamilya na hinahangad mo." sabi ko.

"Babe, alam ko. Prepared nako diyan. Alam ko ang kahihinatnan natin. Babe, hindi ko naman hinihingi yang pamilya sayo. Hindi ko rin sinabi na magkaugaga ka sa kakagawa ng anak. Ito lang ang tatandaan mo. Mahal kita, kahit may babae man na naka panty at bumukaka diyan sayo lang titbok ang puso ko." sabi niya.

"Ewan!" sigaw ko.

"Oh bakit?!" tanong niya.

"Niloloko moko." sabi ko.

"Babe, hindi ko man maipapakita sayo yan ngayon pero patutunayan ko na hindi kita niloloko at seryoso ako sa mga sinasabi ko." sabi niya.

--

MATT's POV

Nandito ako kina Marty kasi may party sila tsaka gusto ko rinmakita sila ni Arn na masaya ngayon. Napaka rami na palang nangyari noon bago pa magkaganito.

"Pare." si Arn.

"Oh? Mukhang seryoso ang usapan ninyo ni Marty ah?" sabi ko.

"Oo eh. Wala, masaya lang talaga ako kasi nandito na si Marty at hinding hindi ko na siya pakakawalan at hahayaan na mawala muli sa akin." sabi niya.

"Congrats." sabi ko lang.

"OO, salamat rin sa tulong mo." sabi niya.

"Walang anu man. Magkapatid tayo diba?" sabi ko.

*Tumingin muna si Arn sa akin at niyakap ako....

"Oo, magkapatid tayo." sabi niya.

Nakakagaan sa loob ang pagkakayakap sa akin ni Arn kasi kahit kailan hindi pa niya ako niyakap, yung yakap ng kapatid kahit sa ama lang kami naging ganun. Pero masaya na rin ako dahil sa pagkakataong ito natanggap na niya kao at masaya na rin siya sa buhay na mayroon siya.

--

Arn's POV

Matapos kong kausapin si Matt ay nagpatulong na ako sa higlight ng gabing ito. Sususrpresahin ko kasi si Marty...

"Marty!!" sigaw ko.

Lumapit agad si Marty sa akin.

"Yes?" sabi niya.

Hinila ko siya tsaka dinala sa harap ng pamilya niya.

--

Oo, alam kong simple lang ang gagawin ko pero hindi naman kailangan ng magarbong surpresa para makuha lng ang sagot ng mahal mo. Kundi naroon yun sa kung gaano ka kaseryoso sakanya at maipapakita sa kanya na siya at siya lng ang mamahalin mo habang buhay.

--

"Ano to Arn?" tanong niya.

"Babe? Will you be my wife?" tanong ko.

"Huh?" nalilito niyang reaksyon.

"Mahal kita, Mahal mo ako. Sana tanggapin mo na ako at gawin mo na akong parte ng buhay mo FOREVER." sabi ko.

"Arn...... Babyy....?" sabi niya.

--

Putek kinakabahan ako sa sagot ni Marty sa akin dahil parang alanganin pa siya sa pagsagot. Nakikita ko na rin ang reaksyon ng pamilya niya na parang sabik na rin sa sagot ni Marty.

--

"Biglaan naman ito pero......" sabi ni Marty.

"pero ano? Babe?" tanong ko.

"Hmmmm.... pero ang sagot ko ay OO!" sabi ni Marty.

--

Napahiyaw ang lahat ng bisita na nakasaksi sa amin tsaka sa sagot ni Marty.

--

"Kelan ang kasal?" sigaw ng lalaki.

Natawa ako...

"Kasal agad? Pagkatapos ng kolehiyo. Minemake sure ko lang na hindi na siya mawawala sa akin kasi mahirap na baka may umagaw pa sa mahal ko." sabi ko.

--

MARTY's POV

Sa huling oras ng gabing iyon ang hindi ko malilimutan ay ang mga oras na kung saan nakita ko si Arn na masaya sa sagot ko kahit simplen "OO" lang yun pero I know it means a lot to him. Hindi na importante sa akin ang magarbong surpresa sa pagka't andiyan na si Arn sa buhay ko na minamahal ako at pinapahalagahan ako.

--

Matapos ang gabi ay nandito kaming dalawa sa apat na sulok ng kwarto. Pupunuin namin ito ng pagmamahalan, ang kwarto na sisimula sa magandang kinabukasan at ang kwartong saksi sa gagawin naming KABASTUSAN.

--

Madam <3 

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon