Is This the Time?

1.6K 47 4
                                        

Arn's POV

Ilang araw na akong pabalik balik tsaka nabibisita ko si Marty. Hindi ako napapagod sa kakabalik dun kasi para naman sa kanya yung lahat ng ito. Tsaka umaasa pa rin ako na sana bumalik na ang memorya niya.

Riiiiiiiiiing............... Riiiiiiiiiiiiinnnggg.... ---

Pinatay ko ang phone kasi last week pang tumatawag ang number na hindi ko kilala. Binabantaan ako sa text tsaka panindigan ko raw ang ginawa ko sakanya pero sa pagkakaalam ko wala akong pinatulan nung mga.....

Flashback..

Nasa bar ako ng gabing yun. Umiinom kasi hindi ko lubos matanggap ang nangyari kay Marty. OO, may babae na lumapit sa akin at uminiom. Nagising ako nung kinaumagahn sa hotel tsaka nandun din siya. Perooo??? May nangyari ba?.... hindi ko talaga..

Matt's POV

"Arn!" sabay tapik ko kay Arn.

"Oh? Ano yun matt?" tanong niya.

"Kanina pa kitra kinakausap parang wala ka sa sarili mo nung pinatay mo yung nag riring jan sa telepono mo." sabi ko sakanya.

"Ah? Wala kasi may iniisip kasi ako. Tsaka yung pinatayan ko ng tawag ay hindi ko naman kilala ang number tsaka last week pato nangungulit ibo-block ko na nga eh." sabi pa niya.

"Oh edi iblock mo baka scam yan pare." sabi ko.

On the way kasi kami ngayon ni Arn sa Ospital para kausapin at bisitahin si Marty.

--

Pagkababa namin ng sasakyan ay may humintong babae sa harapan namin ni Arn.

"Arn!" sigaw ng babae.

Nakita ko ang reaksyion ni Arn na gulat na gulat tsaka di makapag salita.

"Sino siya Arn?" tanong ko.

"Siiiii...

"Ako lang naman ang babaeng hindi niya pinanindigan dahil may nangyari sa amin nung gabing nag inuman kami sa bar." sabi pa ng babae.

"Walang ganung nagyari miss, kahit lasing ako hindi ko yun magagawa kasi alam ko lahat ng kinikilos ko." sabi ni Arn na parang kabang kaba sa nagyayari.

"Miss, teka.... I'm not here para maging sagabal man sa pinaplano mo. But I'm pretty sure that hindi ni Arn magagawa yan kasi I knew him since then." sabi ko pa.

"Wag kang pakialamero, bakit nandun kaba nung nangyare ang lahat?" sabi pa ng babae.

"Hindi pero meron akong alam na mga dirty secrets mo! At kung hindi mo titigilan ang kaibigan ko tatawag ako ng pulis, pakakasuhan kita, mauubos lang ang efforts, pera at tsaka yang dinadala mo ay maghihirap. Kaya kung matino kang babae at resposable umalis kana sa harapan namin bago ko pa isigaw dito kung ano ka, at kung anong bianbalak mo. Oh di kaya itong pera ibili mo kung anong gusto mo, total yan lang ang hanap mo kaya mo ito ginagawa." sabi ko at tsaka natahimik ang babae pati na si Arn.

"Sorry, po sir. Napag utusan lang po talaga ako." sabi ng babae.

"Nino?" tanong ko.

"Ng......" yun lang ang sabi ng babae tsaka tumakbo na palayo sa amin.

"Pare maraming salamat." sabi ni Arn.

"Walang problema yun." sabi ko tsaka pumasok na kami ng ospital.

Arn's POV

Papasok na kami ng ospital at napabilib ako kay Matt kasi ngayon ay titigilan na ako ng babaeng yun. Hindi ko alam kung bakit alam ni Matt ang lahat sa babaeng yun eh hindi naman masyadong pumupunta ng club yun.

Pagkapasok ko ay agad akong nakiusap ulit sa kuya ni Marty na kakausapin ko ulit siya. Pero this time ay hawak ko ang cactus na binigay niya sa akin bago kami maghiwalay noon.

"Alagaan mo siya." sabi ng kuya ni Marty bago ako pumasok.

Tumango nalang ako....

--

Pagkapasok ko ay nakaupo si Marty sa upuan malapit sa nilalagyan ng pagkain.

"Marty?" sabi ko.

"Arn?" sagot niya.

"May dala ako." sabi ko.

"Ano?" tanong niya.

"Heto, cactus. Ito yung binigay mo sa akin nung huli tayong magkita tsaka sabi mo aalagaan mo ito habang magkalayo tayo. Ito ang simbolo ng pag-iibigan natin. Sabi mopa nga pag nabasag ito it means wala na tayo." tumigil ako saglit habang tinitignan ang reaksyon sa mukha ni Marty.

Nakita kong kumunot ang noo niya tsaka nag iisip ng malalim.

"Marty, ang cactus na ito ang naging pag-asa ko nung nalaman kong naaksidente ka. Di ako makakain, malungkot, at walang enerhiya sa araw-araw pero, itong cactus ang nagbigay pag-asa sa akin kaya.....

"Teka" sabi niya.

"Araaay! ahhh! ......" sigaw ni Marty habang hawak ang ulo niya.

"Okay kalang marty? Anong nangyayari?" sigaw ko.

Tatawagin ko pa sana sila Kuya at Tita pero bigalnag hinawakan ni Marty ang kamay ko tsaka niyakap ako.

"Marty? Okay kalang?" tanong ko.

"I love you..." rinig kong sabi niya sa tenga ko.

"Marty, bumalik ka na nga..." sabi ko. At hindi ko napigilang mapaiyak sa saya dahil bumalik na ang memorya ni Marty.

--

Nararamdaman kong pumapatak ang luha ni Marty sabay ang mahigpit na yakap sa akin.

"Na miss kita Arn." sabi niya.

"Salamat dahil nandito ka at hindi ka tumigil para sa akin. Mahal na mahal kita." sabi ni Marty.

"Alam mo naman Marty na lahat gagawin ko mapasaya ka, lahat isusuko ko, ibibigay ko para sayo." sabi ko sakanya.

--

"Arn? Marty?" pumasok pala ang kuya ni Marty, Tita at si Matt.

"Bumalik na si Marty!" sigaw ko habang masayang masaya sila na tumakbo palapit sa amin.

--

"Salamat" sabi sa akin ng kuya ni Marty.

--

MARTY's POV

"I'm baaaack! Salamat sa cactus, Arn, Matt, Kuya at tita dahil hindi dila sumuko sa akin" sabi ko sa isip ko.

Masaya ako dahil kahit masakit ang pinagdaanan ko ay alam kong nandyan si Arn para sa akin na hinding hindi mapapagod na magtiis para maging masaya at maging okay lang ako.

"Matt, salamat." sabi ko kay Matt.

"Walang problema, na miss ka rin kasi namin." sabi pa ni Matt.

"Kuya, salamt rin tsaka sayo tita. Ayoko na pong bumalik dito na lang ako kay Arn. Pwede ba kuya?" tanong ko kay kuya.

"Hmmmmm.... Pero.." nag-iisip pa siya.

"Kuya!" sigaw ko.

"OO na oo na." sabi pa niya.

"Yes." sabi ko tsaka tumakbo kay Arn para i hug siya ng mahigpit.

"Ang swerte ko, ang swerte ko sa boyfriend ko." sabi ko.

"Mas swerte ako." sabi pa niya.

"Oh! Tama na ang swerteng yan. Mag-ayos na tayo para makauwi na at mag cecelebrate pa tayo! Dahil nandito na ulit at nakabalik na ng totoo si Marty!" sigaw ni Tita.

...


--


Madam <3

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon