Broken or not?

1.9K 82 1
                                    

Marty's POV

Sinamahan ako ni Matt na bumalik ng dorm. Gusto ko munang magpakalayo-layo. Walang imik lang ako sa daan habang kasama ko si Matt. Pagkarating ko ng dorm ay agad akong nag ayos tsaka kumuha ng damit na gagamitin ko. Habang paalis ako ay hindi ko sinadyang mabasag ang pot ng cactus na binigay ni Arn sa akin, nakita ko naman ito pero di ko pinulot kasi gusto ko rin namang mabasag yun. Lahat ng sakit ng loob ko ay gusto kong ibuhos tsaka ipagbaling.

"Tara na? Okay naba mga damit mo jan? wag kang umiyak papangit ka"si Matt.

"Pangit naman talaga, hahanap paba si Arn ng iba kung sapat na ako?"sabi ko.

"Ashushsushsusu dami kang sinasabi. Hinuhugotan moko." sabi nya.

"totoo naman."sabi ko lng.

"Tara na nga." sabi niya. Tsaka umalis na rin kami agad.

Pumunta kami sa dorm ni Matt kasi siya lang mag-isa sa dorm niya. Tsaka meron pa namang bakanteng tulugan doon. 

Nakarating kami sa dorm. Umupo muna ako sa kama habang si Matt ay inayos ang mga gamit ko.

" Okay lang ba yang tulugan mo?" tanong ni Matt sa akin.

" Okay nato. Pagtyagaan ko nalang. Sanay na ko." sabi ko.

" Hay.. Wag ka ngang ganyan. Nawawala rin yung energy ko ehh." sabi ni Matt.

" Ba't ba kasi ako nasasaktan. In the first place ... teka alam mo ba?" tanong ko.

"Oo, noon pa pero di lang ako nagpapahalata. Lagi ko kayong nakikita na magkasama." sabi ni Matt.

" Hay, Alam ko namang babae pa rin hanap ng lalaki kahit pa sabihin nilang mahal nila kaming mga bakal. sa huli bababe pa rin ang kahahantngan nila." sabi ko.

" Wag mong sabihin yan. Alam mo namang hindi siya...- pinutol ko agad. " Hindi Matt. Madali lang para sayo yan. Parang mamamatay na ako!" sigaw ko. Napaiyak na naman ako kasi naaalala ko ang kababuyan na ginawa ni Arn sa akin. Hindi ko akalain na magagawa niya kasi yun sa akin.

Niyakap ako ni Matt tsaka doon sakanya ko ibinuhos ang luha ko na kanina pang gustong lumabas.

Arn's POV 

Tumakbo ako ng mabilis hanggang sa kaya ko kasi gusto kong mag explain kay Marty, hindi ko kasi kayang nakikita siyang nasasaktan ng dahil sa akin. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa dorm namin tsaka tinignan ko kung nandun siya. Sa baba, nakita ko ang cactus at yung pot na nasa sahidg basag ang pot tsaka yung cactus halos matabunan na ng mga lupa. Kinabahan ako kasi naisip ko yung pinangako namin ni Marty na pag nabasag ang ang pot ng cactus it means break na kami. Kinabahn ako agad. tumakbo ako para hanapin si Marty. Sa kakatakbo ko aya agad kong naalala si Matt, nakita ko kasi siya kanina sa club kaya baka nandun si Marty sa dorm niya.

Dumeretso ako sa dorm ni Matt...

*tok tok tok*

" Matt, nandyan si Marty? Palabasin mona siya oh, gusto ko lang mag explain sakanya!" sigaw ko.

Ilang segundo lang ay lumabas si Matt. 

"Wala si Marty dito. Oo, nandun ako sa club kanina pero di ko alam kung anong nangyari sa inyo. Bakit?" sabi ni matt.

Nakita ko ang paa na ansa ilalim ng kama. Di ko na muna pinahalata pero sinabi ko kay Matt na "Ok, pero pag nakita mo siya sabihin mo na hindi ko sinasadya ang nangyari kanina. Lasing ako nun tsaka hindi ko kinuha ang babaeng yun. Lasing na lasing lang talaga ako. Sabihin mo rin na mahal na mahal ko siya." sabi ko.

" oo, sasabihan ko siya Arn." sabi ni Matt.

Agad akong umalis tsaka bumalik na sa dorm...

Pumasok ako ng dorm pinulot ko ang cactus tsaka nilinis ito..

" Marty, sorry alam mong ikaw lang eh. Mahal na mahal kita marty." sabi ko habang nilagay ang cactus sa isang cup na may tubig para di mamatay. Bibilhan ko nalang bukas ng bagong pot.

Matt's POV

" Lumabas kana dyan." sabi ko.

" Hayy, matulog kana Marty, alam kong pagod na yung isip at puso mo." sabi ko.

Nag-ayos na rin siya para matulog.

"Narinig mo naman kanina ang sinabi ni Arn diba?" tanong ko.

"Oo, pero wala akong pakialam kasi nakita ng dalawa kong mata ang mga pangyayari kaya bahala siya." sabi niya.

" So ganun nalang lahat? Nagiging matigas na yung puso mo dahil nasaktan ka na niya?" sabi ko.

"Di naman sana... Pero,,. buaks nalang Matt. Antok na ako. Gusto ko ng matulog." sabi ni Marty.

" Oh sige, matulog kana dyan." sabi ko lng tsaka binigyan ng kumot si Marty.

Nakita ko na  rin na matutulog na si Marty kaya nag-ayos na ako tsak anatulog na rin.,,

Arn's POV

Matutulog ako ngayon na mag-isa kasi dahil sa ginawa ko nasaktan ko si Marty at parang malabo pa rin ang nagyayari. Hindi ko inakala na makakarating kami sa ganitong sitwasyon.. Hindi ko na inisip pa natulog na ako tsaka bukas mag eexplain ako sa kanya at ipapakita ko na hindi ko ginusto ang nangyari kanina.


Madam<3

--

Sorry kasi nawala ako ng ilang days. Babawi si madam. Love you guys <3

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon