Dormitory

3.6K 143 2
                                        

Umuwi ako ng bahay tsaka kumain na.

"Oh.  Marty,  mabuti naman at nakauwi kana.  Kamusta ang first day? " sabi ni tita sa akin pagka kita nya sa akin sa kusina.

"Ay Tita! Heto mabuti naman medyo pagod sa byahe. " sabi ko.

"Ay kawawa ka naman. Ay teka!  Sa pagkakaalam ko may mga dormitory ang paaralang yan ah.  Ba't di ka kumuha? " sabi ni tita sa akin.

"Ayoko na po.  Dagdag gastos lang yun tita. " sabi ko.

"Bakit?  Walang discount pag scholar? Parang meron yun ah." Sabi ni tita.

"Opo.  Mga 1,900 sguro lahat pag scholar pero 5,000 ang actual prize nya." Sabi ko kay tita.

"Hay.  Subukan mo kasi. 1,900 lang naman yun diba every month lang naman. Kesa sa mapagod ka sa byahe ay doon kana. " sabi ni tita.

"Sobra sobra na po yun tita. Okay lang sakin ang byahe tita. Tsaka pano kita matutulubgan sa mga gawaing bahay? " sabi ko.

"Wag ka nang mamroblema pa dun . Kumuha na ako ng katulong nung last week pa at dito na yun mga ilang araw. " sabi ni tita.

"Pero ti.... -ako

"Ay nako.  Napaka tigas mo talaga. Kumuha kana doon at wag ka nang mamroblema. Ha" sqbi ni tita.

"Ok po tita.  Salamat talaga! " sabi ko.

--

Pagkatapos namin mag usap ni tita ay agad akong pumasok ng kwarto tsaka nag empake ng gamit. Para bukas dadalhin ko nlang sa dorm.

--

Kinaumagahan ay pumunta agad ako ng admin tsaka kumuha ng dorm. Hinatid ako ng isang staff ng nag oorganize ng mga dorm.

Umakyatkami ng 3rd floor tsaka binigay sakin ang susi.

DMN 144 - Dorm Number ko.

"Heto ang susi mo tsaka may kasama ka dyan.  Usually 3 kayo sa isang room pero hindi pa na fufull kaya okay lang na ang gamit mo ay nasa isang bed. " sabi ng staff

"Thank you po. " sabi ko lang.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang basurahang kwarto na kung titignan mo ay parang hayop ang nakatira at hindi tao.

"Ano bang klaseng hayol ang nakatira dito? " sabi ko.

Inayos ko ang mga gamit tsaka nag arrange. Napaka kalat kasi ng kwarto at medyo maamoy.

May nakita akong isang magazine ng mga babe sa isang kabinet. Natawa ako sa mga magazine kasi parang kakaiba. Inayos ko na rin ang kabinet pati ang higaan at ang CR ay ilinisan ko.

After ko mag linis ay humiga ako ng kama tsaka pumikit ng mata.

--

Anthon's POV

Paakyat ako ng dorm ko kasi sabi ng staff may bagong dorm mate ako at kakarating lang niya.

Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako sa nakita ko kasi napaka linis ng kwarto tsaka nakaayos ang lahat at parang malinis talaga yung dorm mate ko.

Sa kabilang kama ay nakita ko ang lalaking pamilyar.  Nakahiga siya at parang napagod sa kakalinis ng kwarto. Lumapit ako at tinignan ang mukha.

Nagulat ako nung dumilat siya kasi....

"IKAW! " sabay naming sigaw.

Siya lang naman ang chix nung MR. Lim na nag insulto sakin tsaka pinahiya ako.

"Bakit?! "Sabay ulit naming sigaw.


Madam <3

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon