--------------

1.6K 57 2
                                    

ARN's POV

Pupuntuhan ko muna ngayon si Marty para kamustahin kasama ko si Matt dahil tutulungan niya ako para maibalik ang ala-ala ni Marty.

"Matt? Salamat ha." sabi ko.

"Arn, magiging matapat ako sayo. Gusto ko noon si Marty. Minsan nga napapaisip ako kung bakit ikaw pa ang minahal niya eh lagi naman akong nandiyan kahit nga nung unang araw na nagkita kami ay napaka cute niya. Nabasa at nahulog pa nga sya nun sa pool kasi may tumulak sakanya." sabi ni Matt.

"Ako yung tumulak sa kanya. Oh tapos?" sabi ko.

"Nung nag away kayo. Ako ang nag comfort sakanya. Pero wag mong isisping nag seslos ako sayo ha. Gusto ko lng na dito mo simulan ang lahat para maibalik ang ala ala ni Marty. Pero masaya na rin ako kasi napapasaya mo siya nung naging kayo na. Lagi kayong magkasama na hindi na kayo mahihiwalay pa." sabi ni Matt.

"May punto ka. Siguro ibabalik ko sa una ang lahat para hindi na maguluhan si Marty at tsaka maalala na niya ako at ang mga pinagdaanan naming dalawa." sabi ko.

"Ayos ba?" tanong ni MAtt.

"Salamat!" sabi ko lng.

--

Agad na kaming pumasok sa ospital kung nasaan si Marty. Pero bago kami makapasok ay nagtanong muna ako sa kuya at sa tita ni Marty kung pwede ko ba siyang kamustahin at pwede ko ba siyang kausapin nang sa ganun ay makapgsimula na ako, kahit konting effort lang para maibalik lang ang memorya ni Marty.

"Pwede po ba kuya?" tanong ko agad.

"Sige, pero wag mo munang bigalin si Marty kasi baka ano na namang mangyari." sabi ng kuya niya.

"Makakaasa ka po." sabi ko tsak apumasok na.

--

"Marty?" sabi ko ng mahina. Nakita ko siya na nagbabasa ng libro na paborito niya.

"Pagkain oh. Gusto mo?" tanong ko agad.

"Sino kaba?" tanong niya.

"Hmmmm? Ka... ibig.. Kaibigan tayo tsaka magkaklase. Dinalaw lang kita kasi namimiss kana ng classmates natin." sabi ko pa.

"Ahh. Salamat ha. Lagay mo lng diyan ang pagkain." sabi niya.

Agad ko namang nilagay ang dala ko para makapag-usap na kami...

"Marty, may ibibigay ako sayo." sabi ko.

"Ano yun? Dami mo namang dinala?" sabi niya.

"Heheh. Wala lang." sabi ko.

Tsaka iniabot ko sakanya ang picture ng pool sa school tsaka yung student's guide na hawak hawak niya nung una kaming magkita.

"Ano to?" tanong niya.

"Tignan mo tapos pag may naalala ka sa lugar na yan sabihin mo sa akin." sabi ko.

"Hmmm? Tekaa..." sabi niya.

Binuklat niya ang guide tsaka tinignan ang mga lugar. Pati yung picture ng pool.

"Ahhh!" sabi niya.

"May masakit ba?" tanong ko.

"Pamilyar ang lugar na ito. Parang nakapunta na ako dito ahh?" sabi niya na kinatuwa ko.

"May nakikita kaba o pangyayaring naaalala mo?" tanong ko.

"Oo. Parang naka....... naka... langoy? lumangoy? Ahhhh! Nahulog ako dito pero....... di ko na alam ehh. bakit ba?" sabi ni Marty.

Ngumiti lang ako tapos sabi ko " Yang lugar na yan ang unang pagkikita natin. Nahulog ka diyan nung nagmamadali akong tumakbo tapos nabunggo kita." 

"Ahhhh? okay. Ikaw si....... Sumasakit ang ulo ko. Parang gusto ko munang matulog. Pasensya kana ha. Bukas nalang ulit tayo mag-usap kasi masakit ang ulo ko." sabi ni Marty.

"Sige, magpahinga ka. Bukas babalik ulit ako dito para kamustahin ka. Uminom ka ng gamot mo tapos kainin mo ang pagkain na dinala ko masasayang yan. Nag effort pa ako diyan." sabi ko tsaka lumabas na.

Tumango lang si Marty tsaka natulog na...

--

"Kuya, okay napo." sabi ko.

"Kamusta?" tanong niya.

"Mukhang malapit na niyang maalala ang lahat pero sumakit ang ulo niya kaya natulog na muna siya kasi gusto na niyang magpahinga." sabi ko.

"Okay. Mabuti rin na dinalaw mo siya." sabi ng kuya niya.

"Sige mauna na kami ni Matt." sabi ko tsaka umalis na kami.

--

"Ang bilis naman nun?" sabi ni Matt.

"Oo, alam ko." sabi ko lng.

"Babalik ka bukas?" tanong ni Matt.

"Oo, gagawin ko lahat para maibalik lang ang memorya ni Marty. Hindi ako susuko sa kanya. Lahat gagwin ko." sabi ko.

"Okay. Sasamahan kita pag di ako busy." sabi ni Matt.

"Sige." sabi ko lang.

--

Pauwi na ako ng bahay ng biglang may nag text.

"Naaalala mo pa ba ako?" text niya.

"Sino kaba?"  reply ko

"Gabing may nangyari sa atin?" reply niya

"Pakialam ko?" reply ko

"Panagutan mo ako." reply niya

"Wag mo akong takutin! Scammer ka!"  reply ko

"Sayo ang dinadala ko." reply niya

"Sa dinami dami na ng mga lalaking nakatikim sayo bakit ako ang ama. Kung desente ka wag mong ituro sa iba ang kasalanan na hindi naman nila ginawa. Ako pa talaga. DI AKO PUMAPATOL SA KATULAD MO, kung wala kang mapang gastos manghingi ka sa mga lalake mo!"  reply ko.

Pagkatapos ma seng ng message ay agad kong binura ang number tsaka binlock ito. kasi sa pagkakaalala ko wala akong pinatulan na ganyan. Oo, lasing ako pero alam kong hindi ko magagawa yun kasi nasa isip ko pa si Marty. Wag niya akong subukan kasi hindi uubra yang ganyan.

--

Matutulog na ako ng biglang nag ring ang cellphone ko na hindi mo naman kilala ang number.

Sinawalang bahal ko na ito, pinatay tsaka natulog na kasi bukas maaga pa akong bibisita kay Marty para pagpatuloy ang pagpapagaling sa kanya.

--

Madam <3

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon