VB Training

3.3K 114 5
                                    

Kinaumagahan ay agad akong pumunta ng gym para mag training ng Volleyball. Pagdating ko ay nakita ko ang isang lalaki na parang namimigay ng damit.

"Excuse me, Uniform ba ito ng mga players?"tanong ko.

"Ah, yes. Would you like to take?" tanong niya.

"Yes, how much?" tanong ko.

"Top and bottom it costs 500." sabi niya.

Agad kong kinuha ang pera ko sa bag tsaka kumuha ng isang pares.

--

Nag start na ang training ng volleyball at nag start narin kaming naglaro para sa try-outs.

--

Someone's POV

Nakita ko agad si Marty na naglalaro ng volleyball, narinig ko rin kasi ngayon ang try-outs nila.

"Pre diba si Marty yun?" sabi ng kausap ko.

"Yes. Bagay sakanya ang damit." sabi ko.

"Well, Agree ako."sabi ng kausap ko.

"Uhmm, manuod tayo dun sa gilid."sabi ko tsaka umalis kami sa aming kina tatayuan.

--

Marty's POV

Sabi ng Coach ay Libero nalang ako kaya nag start na ako ng training. Taga salo doon at dito ako ngayon. Nung nag spike ang spiker ng team na sinalihan ko ay hindi ko na receive agad kaya tumilapon sa malayo. 

"excuse me, pwede mo bang ipasa yung bola?" tanong ko sa lalaking nanonood na parang pamilyar din ang mukha.

"Ah, heto"sabi niya sabay hagis ng bola sa akin. 

Bumalik na ako ng training. Napaisip agad ako kung saan ko nakita ang lalaking yun kasi parang pamilyar.

--

After ng training ay pumunta ako ng Cafeteria para bumili ng makakain. Nag-order ako ng pagkain tsaka umupo sa isang bench sa labas ng Cafeteria para mag pahangin kasi masyadong mainit sa gym kanina nung nag tetraining kami.

Habang akoý nakaupo ay may nagsalita.

"Marty, kamusta ang training?" sabi ng lalaki.

"Ah. okay lang mainit kasi eh kaya umupo ako dito."sabi ko at tsaka nilingon ang lalaki. Ang lalaking bumungad sa akin ay ang lalaking nakita ko kanina sa gym.

"Parang nakita na kita."sabi ko sa lalaki.

"Ah, yes. Remember nung kumain kayo ni Matt at Arn sa labas? Ako yung friend ni Arn na pinakilala niya sayo." sabi ng lalaki.

"Ahh. Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko.

"Andrew Olayvar."sabi niya.

"Ahh."sabi ko.

Narinig ko ang pagpito ni Coach kaya agad akong bumalik ng gym para mag continue ng training.

"Ahh, andrew mauna na ako ha. May training pa kami."sabi ko.

"Ok. ingat!"sabi niya.

--

Matt's POV

Nandito ako ngayon sa Council room kasama si Arn inaayos lang naman niya ang mga files nung bawat team. Isa kasi itio sa mga parusa niya dahil hindi siya umattend ng meeting nung financial meeting kaya ito ang sanction niya para maibawi yung documents nila.

"Arn, pagkatapos mo dyan ay patayin mo ang ilaw tsaka lumabas na rin. Manood tayo ng training ni Marty, diba ngayon yun?"sabi ko.

"Oo" sabi niya.

"Sige, sumunod ka ha. Don't you dare mangialam dyan. May mga CCTV sa paligid."sabi ko.

"Alam ko, at hindi ako tulad ng iniisip mo."sabi niya.

Umalis narin ako kasi ayaw kong makipagtalo dun kay Arn. Pumunta nalang ako ng gym para manuod ng training.

Pagkarating ko ay agad akong umupo sa isang bench. Habang akoý nakaupo ay narinig ko ang usapan ng dalawang lalaki sa gilid ko.

"Naiinlove talaga ako."sabi ng lalaki.

"What? Bakla siguro tong dalawang to ha? Bakit ba kasi tinetolerate ang mga bakla dito sa school sanda finefilter naman ng mga taga admin para malaman nila--- di ko natapos kasi dumating agad si Arn.

"Matt. parang matatpos na ang training nila Marty ahh."sabi ni Arn.

"Ahh. oo nga noh. Yayain ko kaya siyang kumain sa labas para maibsan naman ang pagod niya."sabi ko nung nakita ko si Marty na nag-aayos ng mga gamit nya.

"Sabay ako sainyo."sabi ni Arn.

"Oh sige."sabi ko.

"Marty!"sigaw ko habang gumagawa ng gestures na kumkain.

"Sige."sigaw niya.

--

Marty's POV

Heto na naman kaming tatlo. Lumabas kami para sabay na kumain. Nagulat nga ako sa dalawang to kung bakit parang ang gaan ng aura nila at hindi na sila masyadong nag-aaway.

"Mag-order na kayo doon. Order nyo nlanag ako ng kahit ano."sabi ko.

"Wala namang "kahit ano" doon ah?" sabi ni Matt sakin.

"Corny. Sige na."sabi ko.

Agad namang umalis ang dalawa para mag order. Ako naman ay pumunta muna ng CR para magpalit ng damit kasi parang mabaho na ako at tsaka  lalabhan ko pa ito mamaya sa dorm.

--

Narrator:

Readers, kung hinihinala nyong si Andrew ang may balak kay Marty ay nagkakamali kayo. Subayabayan nyo ang bawat twist ng storyang ito. 

--

Marty's POV

After kong magpalit ay lumabas na ako para kumain. Pagdating ko sa table ay saktong dumating narin ang aming pagkain. Nag-enjoy talaga ako kasi puro kami tawanan habang kumakain. Masaya rin naman pala kasama ang dalawang ito pag di sila nag-aaway.

Natapos na ang aming pagkain tsaka nagsalita si Arn.

"Marty, 6:30 pa naman ngayon. Pwede mo ba akong samahang pumunta ng mall may bibilhin lang ako babalik rin tayo."sabi ni Arn sa akin.

"Oh, si--- hindi ko natapos kasi nagsalita rin si Matt.

"Arn, magpapasama sana ako kay Marty ehh."sabi ni Matt.

"Ako kasi unang nag yaya sakanya Matt kaya. Next time ka nlang."sabi ni Arn kay Matt.

"I know, pero may importante kasi akong pupuntahan ehh."sabi ni Matt.

"Sayo lang pala importante bakit mo pa dadalhin si Marty?"sabi ni Arn kay Matt.

"Bakit hindi ba pwe--- nagsalita ako.

"Mag-aaway na naman kayo?"sabi ko habang tumatayo.

Tumayo ang dalawa sabay hawak sa magkabilang kamay ko. Nagulat ako kasi hindi ko alam kung saan ba patungo ito . Kung sino ako sasama.


--


madam <3


My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon