Weak End

2.6K 98 2
                                    

Nakauwi na rin ako ng bahay ni Tita. Pagkapasok ko ay agad bumungad ang mukha ni Tita sa akin na parang walang buhay at kung maipinta mo man ay kulay itim ang nasa palibot. 

"Tita? Nandito na po ako. Bakit malungkot kayo?"sabi ko.

"Ang Nanay mo..."sabi ni Tita tsaka yumakap sa akin ng mahigpit.

"Bakit? Anong nangyari kay Nanay tita?"sabi ko.

Namingi ako agad. Hindi ko na narinig lahat ng sinasabi ni Tita. Sa sobrang kaba ko ay parang mamamatay na ako anytime.

"Namatay..."huling sinabi ni Tita na narinig ko ng klarong klaro na parang tumagos at tumusok ng puso ko.

Napaupo ako sa galit. Tumulo lang ang luha ko kasi hindi ko magawang magalit sa mga tao na nasa paligid ko kasi choice kong iwan si Nanay sa probinsya, Choice kong unahin ang pag-aaral sa mahal na eskwelahan at choice kong talikuran ang inang nagpalaki sa akin at nagbigay ng ilaw sa buhay ko.

Tumutulo lang ang luha ko pero hindi ako umaangol kasi sa loob ko ay nawawasak na ako ng lubos.

"Kailan?... "tanong ko kay tita habang pinipigilan ang aking mga luha.

"Nung thursday dinala siya sa ospital naging okay naman siya pero kanina sabi ng kuya mo pumanaw na siya."sabi ni Tita.

"Tita? Uuwi na po muna ako."sabi ko.

"pero paano ang pag-aaral mo sa pinasukan mo? Mas pipiliin ng nanay mo na manatili ka dito kesa sa mapariwara ka."sabi ni Tita.

"Tita, pero pag dito lang ako mamamatay rin naman ako sa lungkot. Ma kokonsensya lang ako. Kailangan kong puntahan si nanay."sabi ko.

"Marty, makinig ka sa akin...."sabi ni tita.

"Hindi tita eh...."sabi ko tsaka tumakbo palabas.

"Marty!"sigaw ni tita. Hindi ko lang inintindi kasi nauuna ang sakit at lumbay ko ngayon.

Tumakbo ako hanggang sa kung saan man. Ang unang pumasok sa isip ko ay pupunta ako ng bus na babyahe pauwi sa probinsya namin.

Nakarating ako sa parkingan ng bus papuntang Bulacan. 

Sumakay ako ng bus na may dalang bag. Hinalungkat ko ito at nakita ko ang pera ko 752 lang ang laman ng wallet ko. Hindi ako nag dalwang isip na sumakay.

"Bahala na."sabi ko.

--

Arn's POV

Boring ngayon dito sa Dorm kasi wala si Marty wala akong makausap kaya binuksan ko ang drawer nya. Nakita ko ang contact information na nandun sa drawer.

"Uy. Telepono nila sa bahay nila. Try ko ngang tawagan."sabi ko,.

"Riiiiiiing....... Riiiiinng........ Ringggg--- "Hello?"sabi ng babae sa kabilang linya.

"Hello po, nandiyan po ba si Marty? Pwede pong makausap siya?"sabi ko.

"Wala si Marty dito, kaano ano kaba niya?"sabi ng babae.

"Dorm mate nya po ako gusto ko pong mangamusta sakanya."sabi ko.

"Anak,Tita to ni marty.  Wala siya dito. Hindi ko nga rin alam kung saan siya. Namatay ang nanay niya at nung nalaman niya tumakbo siya palabas hindi ko na siya naabutan kasi parang masakit tlaga sakanya ang pagkawala ng nanay niya."sabi ng babae.

"What? Where did he go?"sabi ko.

"Hindi ko nga rin alam, naka uuwi nun ng probinsya wala pa namang pera yun."sabi ng tita ni Marty.

"Ok tita, I'll find him. Saan ba probinsya nila.?"tanong ko.

"Bulacan"sabi ng Tita ni marty.

"Ok po."sabi ko. Umalis agad ako ng school para pumunta sa terminal ng mga bus kasi medyo malapit rin naman yun sa eskwelahan namin. Dali dali akong tumakbo kasi gusto kong maabutan si Marty.

--

Nakarating ako ng terminal. Bumaba ako ng tricycle tsaka pumunta sa information.

"Ate? Saan po ang Bus papuntang bulacan?"sabi ko.

"Ah, nandiyan pa po sir. 5 minutes nalang at aalis na yun." sabi ng babae.

Tumakbo agad ako hinanap ko ang bus ng Bulacan at nakita ko rin.

Umakyat ako at tumingin tingin sa mga upuan kasi hindi ko natatanaw si Marty.

Pero sa bandang likuran na may natutulog na tao. Nilapitan ko ito at nakita ko si..... Marty. Nakakaawa ang lagay niya ngayon. 

"Marty, umuwi na tayo."sabi ko.

"Arn? Ayoko kailangan kong puntahan si Nanay."sabi niya.

"Bukas nalang kasi delikado ngayon, gabi na."sabi ko.

"Ayoko arn!"sabi ni Marty.

"Wag kanang maging matigas kasi nag-aalala si tita mo sayo!"sabi ko. Sabay hawak sakanya pero hinablot niya nag kamay niya.

"Sabing ayoko eh. Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ng mawalan ng ina!"sigaw niya.

"Marty. Wag mo akong pagsasabihan ng ganyan kasi kung hindi mo alam pumanaw na ang ina ko. Sa ganyang kalagayan noon parang magpapakamatay na ako kaya wag mo akong pagsabihan ng ganyan. Tara na!" sabi ko.

Sa mga sinabi ko parang hangin lang rin naman ako kasi hindi nakinig si Marty sa akin.

"Sige, kung ayaw mo sasama ako!"sabi ko.

"Wag na umalis kana."sabi ni Marty.

"Kung hindi ka aalis hindi rin ako!"sigaw ko.

Natahimik nalang si Marty. Ilang saglit lang ay umalis na ang bus papuntang Bulacan.

Nakikita ko si Marty na umiiyak sa gilid. Sinisipon na siya sa kaka iyak.

" Tumahan kana Marty, Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo." sabi ko.

" bakit ba?" sabi niya.

Hindi na ako nakipagtalo pa. tumahimik nalang ako kasi galit parin siya at nalulungkot ayokong maging worst ang pakiramdam niya.

--

Ilang oras na rin ang lumipas at tumahan na si Marty.

"Arn?" tanong ni Marty sa akin habang nasa biyahe.

"oh?" sabi ko.

"Bakit mo ako sinundan?" sabi ni Marty.

"Basta, nag-aalala yung tita mo sayo. Tama na yan, matulog kana." sabi ko.

Natulog na rin si Marty kasi parang pagod na rin siya.

Nung naramdaman kong himbing na siya ay kinuha ko ang ulo niya at nilagay sa baga ko kasi nabubunggo ang ulo niya sa pader.


--


Madam <3


My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon