Something New

1.9K 81 1
                                    

Marty's POV

Umuwi ako ngayon sa bahay ni Tita at dahil sabado ngayon gusto ko munang magpahinga sa nakakapagod na mga araw na lumipas. Pagkarating ko ng bahay ay agad akong natulog, di na ako kumain pa kahit naghanda si Tita, gusto ko lang kasi maubos ang mga problema na kinikimkim ko.

** 1 Message received **

 Binuksan ko ang mensahe. "Marty, magpahinga ka ng mabuti dyan sa bahay ng tita mo. See you on Sunday. I hope magiging matiwasay ang pag stay mo jan." galing kay Matt.

Di nalang ako nag reply kasi ayokong humaba pa ang usapan.

Samantala, binuksan ko ang gallery ng phone ko.

Nakita ko ang mga litrato namin ni Arn, ayokong umiyak habang tinitignan lahat.

"Tanga, magpapahinga ka ng isip hindi yung sasaktan mopa." bulong ko.

Pinatay ko ang phone tsaka natulog na.

--

Tita of Marty's POV

Dumating si Marty mga 9:00 na ng umaga, nakita ko at niyaya ko siyang kumain pero tinanggihan niya ako bagkus pumasok siya sa kwarto niya tsaka nagpahinga.

*dingdoong*

"May tao ata sa labas, teka." sabi ko tsaka lumabas na ako para tignan kung sino ang nag doorbell sa labas.

Nakita ko ang isang lalake, lalake na tumulong sa akin noon para mahanap si Marty.

"Anak, pasok ka." sabi ko tsaka pinapasok na ang bata.

"Ba't ka naparito?" tanong ko.

"Nandito po ba si Marty?" tanong niya.

"Kanina pa dumating pero tulog na ata. Bakit ?" sabi ko.

"kasi, nag-away kami nun. Gusto ko sanang iabot itong cactus. Paki display dito para kahit papano ay maalala niya ako." sabi niya.

"Bakit ba kayo nag-away?" tanong ko agad.

"Kasi, nasira ko ata ang trust niya sa akin. Tsaka hindi ko naman sinadya yung nangyari, siguro nasaktan ko lang talaga siya ng sobra. I'm sorry." sabi niya.

"Wag ka sa akin mag sorry, alam mo anak, si Marty ay isang sensitibong bata, madali lang masira yung tiwala niya sa isang tao, once na nasira mona yun mahihirapan kana talaga. Kinikimkim niya talaga yun pero tutulungan kita na magka ayos kayo. Malungkot siguro yun." sabi ko.

"Salamat talaga tita. I hope na maibabalik na namin ang dating kami." sabi niya.

"Oh? Kumain kana ba? Gusto mo bang kumain kahit papano?" sabi ko.

"Wag na po tita, sige po salamat talaga." sabi niya.

"Sige, ilalagay ko yang cactus sa mesa para makita niya agad." sabi ko.

"Sige." sabi ng bata tsaka umalis na rin agad.

--

Matt's POV

Nandito ako ngayon sa council room kahit na sabado ngayon ay bumalik pa rin ako kasi marami pang gagawin tsaka malapit na rin kasi ang Sports Meet sa school.

"Pres? Kamusta na si Marty? Makakalaro pa kaya yun?" tanong ng secretary ko.

"Oo naman, malakas yun. Mapalabas man o loob, kayang kaya nya yun." sabi ko lang.

Pagkatapos sa council room ay pumunta ako ng 7/11 para bumili ng ice cream na cheese flavor paborito kasi yun ni Marty, bumili ako ng isa para pagbalik nya ay magiging masaya siya tsaka sana makakatulong ang pag-uwi nya sa bahay ng tita niya.

Dinala ko ang binili ko sa dorm, tsaka nilagay ko ito sa ref para hindi masira. rereserba ko kasi to para kay Marty.

--

Marty's POV

"Sorry na Marty" sabi ni Arn.

"Alam mo nasaktan mona ako Arn, Tama na please." sabi ko.

"Please" sabi ni Arn tsaka hahalikan pa sana ako nung.......

****ALALLALALALAALRRRRRRRMMM***

3:48 pm

Nakita ko ang cellphone ko na nag alarm na. Pinatay ko ang alarm tsaka lumabas ng kwarto para kumuha ng makakakain. pagkalabas ko sa kwarto ay tumambad sa akin ang cactus na nasa mesa sa sala ng bahay.

" Sino naglagay nyan?" tanong ko agad.

" Ako anak, maganda kasi eh, unique lang tsaka parang kakaiba sa ibang mga pang display dito sa bahay." sabi ni tita.

Dahil sa sinabi ni tita ay naaalala ko agad si Arn kasi yun talaga ang sinabi namin sa isa't-isa nung binili nya sa akin ang cactus.

"Ahh. Ganun po ba?" sabi ko lang.

" Kain kana?" tanong ni tita.

" sige." sabi ko.

Bumaba na nga ako tsaka naghanda ng makakain sa mesa.

"Marty? May problema ka ba?" tanong ni tita.

"Wala....--" hmm, wag monang itago" sabi agad ni tita.

"Kasi po tita, nasira ng kaibigan ko yung tiwala ko. Alam mo naman tita na yun ang mas nakakasakit sa akin diba?" sabi ko.

"oo, pero try mo kayang tignan ang mas malalim na rason sa likod nito. Marty, alam kong hindi ka ganyan, wag kang maging self-centered na tao, alam kong matalino ka. Try mom kahit konti, makinig sa mga nasa paligid mo? Pag may napatunayan ka, dun ka mag judge." sabi ni tita.

Di na ako nakakibo sa sinabi ni tita, ang nasa isip ko lang talaga ay si Arn dahil alam kong kahit kailan hindi ko siya pinakinggan, pero masakit pa rin eh. 

Hinawakan ni tita yung kamay ko tsaka nagsabi " Anak, sana makatulong ako sayo, wag sanang masira ang buhay mo ng dahil lang sa pagiging selfish mo sa lahat ng tao. Bigyan mo rin sila ng pagkakataon." sabi ni tita.

Ngumiti lang ako kay tita tsaka nagpatuloy sa pagkain...

--

Arn's POV

Nakakamiss si Marty.... Yung tawanan naming dalawa tsaka yung mga araw na kami pa at parang kami lang ang tao sa mundo. Sana maibabalik pa ang mga araw. Sana ma realize na rin niya na makinig sa akin...

Tinignan ko ang mga pictures namin sa cellphone ko at habang nakikita ko ito ay parang gusto kong umiyak. At doon, doon ko na rin tinapos ang araw ko, yung matulog na rin ako...

--

Madam <3

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon