Worst; Cry out

2.1K 86 1
                                    


Marty's POV

Nandito ako ngayon sa room nag aantay ng oras na matapos ang unang period ng klase. Masaya ako ngayon kasi pinagluto ako ni Arn ng ulam kaninang umaga. Hindi ko nga alam bakit nakangiti ako yung parang baliw lang.

"Uy, kanina kapa jan nakingiti." sabi ni Matt.

"Hay. Wala lang. Kain tayo mamaya ha." sabi ko sakanya.

"Osige, libre moko?"sabi ni Matt.

"hays. Niyaya kita kaya KKB tayo"sabi ko.

"Minsan ngalang manglibre ehh." sabi ni Matt.

"Hays....."- ako.

*Riiiiiinggggggg*

"Labas na pala! Tara na!"sabi ko.

Lumabas kami ni Matt para pumunta ng Canteen para kumain na. Pumila ako sa bilihan tsaka bumili ng mga makakain. Nahagip ng mga mata ko si Arn. Lumapit siya bigla sakin at kinuha ang isang black sambo na nasa isang kamay ko.

"Salamat babe. Binilhan mo pa talaga ako. I love you."sabi niya.

"Anong bili ka jan? Kay Matt to. Libre ko sakanya. Kasi namimi--" 

Hindi ko natapos ang sinabi ko kasi binalik ni Arn ang black sambo sakin tsaka umalis na siya.

"Hoy!" sigaw ko.

Hindi ko na siya nakita pa kasi nagmamadali siyang umalis.

"Hindi ko talaga maintindihan yun."bulong ko.

--

Umupo agad ako sa bench na nasa labas ng Canteen namin. Binigay ko agad ang black sambo kay Matt. Libre ko sakanya kasi paborito nya yun.

"Marty, Salamat dito ha?" sabi ni Matt.

"Oo, ikaw pa."sabi ko lang.

"Nga pala nakita ko si Arn. Bakit parang wala sa mood yun? Nag-away kayo?" tanong ni Matt.

"Hayaan mona yun."sabi ko lang.

--

Ilang minuto lang aya agad na kaming pumasok ng room namin kasi meron pa kaming pasok.

--

Arn's POV

Naiinis talaga ako kasi binilhan ni Marty si Matt ng pagkain pero ako hindi nya ako binilhan. Ako naman yung boyfriend niya.

"Kainis!"sigaw ko.

"Oh? Bakit pre?" tanong ni Shaun. Kaibigan ko.

"Wala naiinis lang talaga ako. May mga taong inuuna pa ang iba kesa sa akin."sabi ko.

"Hays.. Teka. Pupunta kami ngayon sa Club. babalik rin kami mamayang mga 6. Gusto mong sumama? Chill lang doon at tsaka konting party." Paanyaya ni Shaun.

"Hmm.. pero baka matagalan tayo?"tanong ko.

"6 nga tayo uuwi. Tsaka para mawala yang init ng ulo mo."sabi ni Shaun. 

"Oo nga. Matagal na rin akong di nakapunta dun."sabi ko.

Pumunta kami agad ng mga kaibigan ko dun sa Club. Lagi kaming nandun pag may problema kami kasi nakakapag enjoy tsaka party kami. Hindi ko muna inisip si Marty kasi ayokong magalit kaya binaling ko muna ang isip ko sa pag eenjoy sa Club.

--

Marty's POV

2:00 na sa hapon. Mga 2:30 ay pumunta na ako ng gym para mag ensayo.

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon