Selos or Nahh?

3.5K 121 1
                                    

Marty's POV

I'm on my way going sa aming dorm. Nasa daan ako at nakita ko na agad si Arn na papasok ng dorm kaya nagmadali rin ako kasi gusto ko siyang ayain na kumain sa labas para sa hapunan.

"Arn, sabay tayong kumain sa labas?" tanong ko.

"Ikaw nalang tawagin mo si Matt at kayo na kumain sa labas." sabi niya.

"Ha?" sabi ko.

"Bingi ka noh? Ayokong kumain."sabi niya.

"Di wag. Andami mong satsat ayaw mo naman pala." sabi ko tsaka nagpalit at lumabas na ng dorm para kumain.

Palabas na ako ng school ngayon kasi pupunta ako sa kinainan namin ni Arn last time.

"Bakit kaya ansungit niya ngayon? Baka may topak yun."sabi ko.

--

Ilang lakarin lang ay naka abot din ako sa aking paroroonan. Sa isang table ay nakita ko si Matt na kumakain kaya nagtanong ako kung okay lang umupo sa tabi niya.

"Matt? pwedeng maki share?"tanong ko.

"Syempre naman, go."sabi niya.

Nag-order na ako ng makakain tsaka umupo na rin.

"Uhmm. Marty, diba naglalari ka ng volleyball?"tanong sa akin ni Matt.

"Ahh. Oo, varsity ako sa aming school."sabi ko.

"Ah ano posisyon mo dun?" tanong niya.

"Uhm, nag try ako maging spiker pero di ko kaya kaya...... -  di ko natapos kasi may nagtanong.

"Pwedeng maki upo dito?"tanong ng pamilyar na lalaki.

Pagkatingin ko ay nakita ko si Arn. 

"Ahh. oo naman."sabi ko.

Agad namang umupo si Arn tsaka nagpatuloy kami sa pag uusap ni Matt. 

"Kaya ayun Matt, ngayon libero ako."sabi ko kay MAtt.

"Diba mahirap maging libero kasi ikaw lahat taga salo ng bola?"tanong ni Matt.

"Oo, naman. Masakit nga pag sinalo mo ang spike ehh."sabi ko.


--

Arn's POV

Hinabol ko si Marty para kumain ng hapunan pero napaka bilis niya kasing maglakad kay di ko na siya naabutan pa. 

Sa resto na kinainan namin nung last time ay nakita ko siya. Kasama niya si Matt. Parang nag-uusap sila kaya tinanong ko kung pwede bang maki-upo. Pero pagka upo ko ay parang hangin lang ako kasi nag uusap sila at ako? Waalang kumikibo sa akin. O.P. ako dito ehh.

"Uhmm. Hoy!" sigaw ko.

"Oh?" sabi ng dorm mate ko.

"Ano nga pala pangalan mo. Dorm mate tayo pero di ko parin alam pangalan mo."sabi ko.

"Ah Marty nga."sabi niya.

 "Ähh. Marty, nag-order ka na ba?" tanong ko.

"oo, kanina pa siya  nag order nunjg hindi kapa dumating."sabat ni Matt.

"Bakit? Ikaw ba kausap ko? Wala kabang friend dyan?"sabi ko.

"Baka nakakalimutan mo."sabi ni Matt.

"Siguro."sabi ko.

"Hay! Hanggang dito ba mag-aaway pa kayo?"sabat ni Marty.

"Hetong si Matt kasi. Hindi siya kinakausap ko."sabi ko.

"Alam nyo . Ang babata ng mga isip nyo. Kumain nalang tayo kasi andito na order natin."sabi ni Marty.

Kinuha namin ang mga order tsaka kumain narin.

--

Marty's POV

Pagkatapos namin kumain ay sabay kaming bumalik ng dorm. Sa daan ay nasalubong ni Arn ang kaibigan niya na basketball player daw.

"Transferee ka diba?"tanong ng lalaki sakin.

"Oo, bakit?"sabi ko.

"Wala, just asking."sabi nya.

Pagkatapos nila Arn mag-usap ay agad kaming umalis.

--

Nakarating narin kami sa aming dorm nag paalam na rin si Matt kasi medyo malayo pa ang dorm niya. Pumasok na ako tsaka naligo.

"Arn, bakit parang hindi kayo magkasundo ni Matt alam nyo kanina parang bata kayo. Hay, dapat maging mature na kayo kasi ang tatanda nyo na."sabi ko kay Arn habang kinukuha ang damit ko.

"Siya naman ang nag umpisa eh."sabi niya.

"Kahit na, sana di mo nalang pinansin." sabi ko.

"Kung wala lang talaga akong utang don." sabi ni Arn.

"Ütang?" tanong ko.

 "Oo, utang sa budget namin. 30,000 kasi ang kailangan ng team namin at 10,000 lang ang nasa files kaya kailangan kong makabawi kasi hindi ako naka attend ng meeting nung nag aayos ng mga budget sa bawat team."sabi niya.

"Eh, kasalanan mo naman pla eh. Kung nag attend ka di sana wala kang pino problema dyan."sabi ko habang papasok ng C.R.

"Oo, na nga kasalanan ko na."sabi niya.

Öh di tapos ang usapan."sabi ko.

--

Natapos ako sa pagkaligo tsaka lumabas ng C.R. Nakita ko agad si Arn na tulog na tulog.

"Älam mo, gwapo ka kaso yang ugali mo napaka bansot. Ewan ko ba kung bakit ka ganyan? Kung hindi kalang siguro bakulaw. Crush na kita."sabi ko habang tulog siya.

Pumunta na ako sa aking kama at tsaka humiga na. Kinuha ko ang picture ni mama sa aking wallet. 

"Ma, kamusta kana? Miss na miss na kita. Sana okay kalang kasi ako okay lang dito. Wag kang magpapagutom ha. Mahal na mahal kita. Kahit malayo ka ikaw pa rin ang iniisip ko kasi para sayo lahat ng ito."huling sabi ko tsaka natulog na ako. Naalala ko kasi na bukas meron kaming training sa volleyball at merong try-outs para sa mga bagong gustong sumali ng team.

--

Someone's POV

"Pre, alam mo. Parang bakla yang si Marty. Masaya siguro pag subukan ko siya." sabi ko.

"I heard na volleyball player siya ahh?"sabi ng kausap.

"I know, kaya siya scholar ng school. I like him. I hope pagbigyan niya ako."sabi ko.

"So anong gagawin mo?" tanong niya.

"Simply, I'll tell him. Gugustuhin niya rin naman."sabi ko.

"What if, ayaw niya. At hindi siya tulad ng sa ina akala mo?" tanong niya.

"Hindi pwede. You know me.Hmm. Pag gusto may paraan, pag ayaw meron ding paraan."sabi ko.

--



Madam <3


My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon