Untitled

2K 81 1
                                    


MARTY's POV

Pumapasok sa isip ko lagi si Arn. Hindi ko malimutan ang mga nangyari. napag-isip isip ko rin na baka tama nga ako noon pa man, na hindi at walang isang lalake na magmamahal sa akin. Heto ako ngayon papapsok ng classroom, kasama ko si Matt. Alam kong wala ako sa modo para makipag usap pero tina try ko parin na kausapin si Matt para di siya mapagkamalang tanga.

"Nagawa mo yung sa Philo? Yung reflection no. 4?" tanong ni Matt.

"Mamaya ko na siguro gawin." sabi ko lang.

"Ahh.. hmmm, teka may praktis ka mamaya?" tanong niya ulit.

"Siguro." sabi ko.

"Gusto mong sumama? Kain tayo mamaya pagkatapos ng praktis mo ha." sabi niya.

"tignan ko lang Matt." sabi ko.

"Ah. kakain tayo." sabi ni Matt.

Papasok na sana ako ng room nung mahagilap ng mata ko si Arn na nasa labas ng room nila tsaka tumitingin sa akin. Tinignan ko rin siya. Akma sana siyang lalapit pero nauna na akong pumasok. Hindi ko kasi kayang makita at makausap pa siya. 

"Tara na. Upo na tayo" sabi ni Matt.

Nakita ko si Arn na umupo sa labas ng room namin, inaantay ata akong lunmabas. Sinusulyap ko siya kasi baka ano nang pinanggagawa niya. 

"Problem ni Arn? Sino inaantay niya?" bulong ng lalaki sa tabi ko.

"Ewan, baka si sir? Bulakbol naman kasi." sabi pa ng isa.

Hindi ko na siya pinansin pa tsaka nakinig na lang ako sa prof namin.

--

Arn's POV

Narito ako ngayon sa labas ng room nila Marty, inaantay ko siyang lumabas kasi gusto ko siyang makausap hindi ko naman ginusto ang mga nangyari. Gusto ko lang sanang malaman niya na mahal ko siya at hindi ko kailanman kayang gawin yun sakanya. Tumitingin lang ako sakanya tsaka nakikita ko siyang ngumingiti, pumasok sa isip ko na sana ako pa ang dahilan ng mga ngiti niya. At sana bigyan pa niya ako ng isa pang pagkakataon na ipakita at ipadama sakanya na mahal ko siya.

-

Isang oras ang lumipas akmang lalabas na sana si Marty tsaka nakita ko siyang tumakbo. Hinabol ko siya hanggang makarating kami si isang tagong lugar.

"Marty, makinig ka." sabi ko.

"Ano pang pakikinggan ko? Yung paano moko niloko? O yung paano ako naging tanga sayo? Haaaaa! Sabihin mo!" sigaw ni Marty sa akin.

"Marty, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko diba? Hindi ko kayang gawin yun sayo Marty. Kung may pinagsisihan lang ako yun ay ang sinaktan kita." sabi ko.

"Pero ano? Nasaktan mona ako at tama na yung isa Arn, tama na yun. Tama na yun para masabi ko na nagpakatanga ako sa isang gagong katulad mo! Tama ng ako, walang lalaking makakapagpakita at makapagdarama sa akin na importante ako!" sabi niya.

"Hindi ganun Marty. Since naging tayo, I promised that I'll never leave and make you feel uncomfortable diba? Hindi ko alam mga pinaggagawa ko noon, I'm drunk! And I'm so sorry for that!" sabi ko.

"O? tapos kana? Kasi baka gusto mo na ring tapusin to?" sabi niya.

"End what?" tanong ko.

"Tayo" sabi niya.

"No Marty, Nagamamakaawa ako just give me one chance, only one chance, Marty" sabi ko.

"Ayoko na Arn. Tigil na." sabi niya.

"Please" sabi ko habang akmang yayakapin ko siya.

"Wag! Wag kang lalapit!"sigaw ni Marty

"Bitiwan mo siya Arn" sabat agad ni Matt.

"tara na Marty...."sabi ni Matt tsaka sumama na si Marty sakanya.

Tumalikod pa si Matt saba sabi "Just give him time, okay?" tsaka umalis na rin.

--

Matt's POV

Nakita ko lahat nmg nangyari at pinag-usapan nila Marty at Arn kasi sinundan ko silang dalawa.

Hahayaan ko na sana silang dalawa kaso nakita ko si Marty na umiiyak na kaya kinuha ko na siya tsaka pinalayo kay Arn. Ayoko sanang mangialam pero nag aalala lang ako kay Marty.

Nandito kami ngayon sa kung saan ko sana siya dadalhin at papakainin. Hindi ko muna siya kinakausap kasi alam kong gulong gulo pa siya sa mga nangyayari sa kanya. Nakikita ko siyang umiiyak, pero hinahayaan ko lang kasi baka yun lang ang paraan para maibsan ang dinadala niya. Wala kaming imik na kumakain kasi malalim ang iniisip niya at ayokong sirain yun.

--

Ilang minuto lang ay nagsalita si Marty..

"Bakit?" tanong niya.

"Bakit ang ano?" tanong ko.

"Bakit ganon? Ako yung mas nasasaktan? Kahit alam kong kasalanan niya? Bakit, lagi kong iniisip si Arn, bakit? ako lang lagi?" tanong ni Marty,

"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Kumain ka nalang diyan tsaka uuwi na tayo para makapagpahinga kana. Di ka nga naman nakapagpraktis eh." sabi ko.

"Sige na, alis na tayo." sabi ni Marty.

"hindi mo panga nauubos yang pagkain mo eh." sabi ko.

"Hayaan mona nawala na gana ko." sabi niya.

--

Pagkatapos nun ay umuwi na kami ni Marty tsaka pinag ayos kon siya tsaka pinagpahinga. 

Nung natutulog na siya ay lumapit ako...

"Namamaga na naman yang mga mata mo, maawa ka naman sa sarili mo. Mahalin mo rin minsan, magtira ka naman." sabi ko.

--

Arn's POV

Pagkatapos nung nangyari kanina ay bumalik na ako ng dorm tsaka di na muna pumasok. Gusto ko paring magkausap kami ng maayos ni Marty. Tsaka gusto ko sanang mahalin pa niya ako ulit. Naisip ko rin na baka kailangan ko lang siyang bigyan ng oras para sa sarili niya at makapag-isip rin  siya.


Madam <3

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon