Lost

1.6K 61 7
                                    


ARN's POV

"Tita?" tanong ko agad.

"Buhay si Marty anak." sabi ni tita na kinagulat ko saka naramdaman ko na nabuhayan na ako ng loob.

Masaya ako na lumapit kay tita para makausap si Marty pero.

"Nabunggo yung ulo ni Marty, nasa ospital siya. Sabi ng doktor baka magkaka amnesia siya." sabi ni tita na kinalungkot ko at kinabahan agad ako kasi baka makalimutan na ako ni Marty.

"What? Kailangan nating bisitahin si Marty tita." sabi ko agad.

"Magpahinga ka muna anak. Bukas nalang natin puntahan si Marty para makapagpahinga siya tsaka yung utak niya." sabi ni tita.

"Sige po. Uuwi na muna ako para makapag empake na para ako na ang mag-aalaga at ibubuhos ko lahat ng oras ko sa pag-aalaga kay Marty." sabi ko tsaka umalis na.

"Sige! Mag ingat ka!" sigaw ni tita pagkalabas ko.

Tinawagan ko ang driver sa bahay namin para sunduin ako kasi doon ang lahat ng gamit ko kasi simula nung nag college ako ay di na ako nag dorm pa. 

Pagkarating ko ng bahay ay agad akong nag empake, inayos ang mga dadalhin para makapunta na ako ng ospital kung nasaan man si Marty dinala. Hindi na sa akin importante ang mga amnesia na yan ang mahalaga ay buhay si Marty at makakapiling pa niya ako. Magsisimula ulit ako para maalala niya ako at ang memories na meron kami. Hinding hindi ako magbabago at maiinip para sa kanya.

--

Kinabukasan ay bumyahe na kami ni tita papuntang ospital na pinagdalhan kay Marty. Pagkapasok ko ng Room ay nakita ko agad ang natutulog kong mahal.

Halos lumuha na ako kasi hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman nung nakita ko siya. Kasi nasasaktan ako na masaya na kinakabahan sa maaring kinahihinatnan ng pagka disgrasya niya pero matibay ang loob ko na itaguyod ang kung ano man ang meron kami ni Marty.

Nilapitan ko siya tsaka kinausap.

"Babe? Kamusta kana? Halos isang taon kanang hindi nagpaparamdam. Ang daya mo. Ang daya daya mo. 12 months kitang hinintay. Nag cecelebrate ako mag isa sa tuwing monthsary natin. Dinidiligan ko ang cactus na binigay mo sakin. Pinapanaginip kita kahit naka bukas ang mata ko. Sana di mo ako makalimutan kasi yun ang pinakasakit. Pero kahit makalimutan mo ako hindi ako mapapagod na ipaala-ala sayo na mahal kita at ako ang lalaking naghihintay sayo nung nadisgrasya ka." sabi ko habang umiiyak at hawak hawak ang kamay ni Marty.

"Sino ka?" dinig kong sabi ni Marty.

"Ahh. Ako si Arn. Babe." sabi ko.

"Babe? Hindi kita kilala. Bitiwan mo ang kamay ko." sabi niya.

"Ako ang boyfriend mo. Pinangako natin sa isa't-isa na hindi....

"Pero hindi kita kilala! Nurse! May ibang tao na nakapasok sa kwarto ko!" sigaw ni Marty.

Pumasok ang kuya ni Marty tsaka si tita dahil nadinig nila ang pagsigaw niya.

"Arn. Iwan mo muna si Marty." sabi ng kuya niya.

"Sige na anak. Bigyan mo muna ng oras si Marty." sabi pa ni tita.

Umalis na muna ako kasi sa mga oras na yun grabeng sakit ang aking naramdaman.

"Marty, babe. Maghihintay ako at tutulungan kitang maibalik ang memorya mo." sabi ko tsaka umalis at lumabas.

--

Marty's POV

May lalaking pumasok sa kwarto ko at umiiyak hindi ko alam kung sino siya pero bakit parang pamilyar siya at nakita ko na siya. 

Pinaalis muna siya ni Kuya kasama ang babaeng kasama niya. Sa tingin ko wala namang nagbago sa akin. Hindi ko lang talaga kilala ang mga taong nakasalamuha ko sa kwarto. Pagkatapos ng disgrasya ay hindi ko na kasi alam kung anong nangyari nagising nalang ako sa ospital kasama si kuya.

--

Matt's POV

College year ay napakahirap. Maraming ipapasa at kailangang gawin pero nakakaahon din kasi kinakaya. Habang ako'y gumagawa ng school works ay nakita ko sa gallery ang picture ni Marty habang nag vovolleyball kasi minsan ko na rin siyang naging crush. OO, lalaki ako at hindi ako bakal pero hindi naman kasalanang ma attract sa same sex mo lalo na pag sa kanya mo na kita ang hindi mo makita sa opposite sex mo. No one is allowed para i rule ka. Unless he/she has the authority to do so.

"Nasaan na kaya siya?" tanong ko. 

Kaya nag scan scan ako ng mga numbers doon at nakita ko ang number ni Arn.

Arn? - tanong ko sa text.

Oh? Anong problema? - reply niya.

Kasama kayo ni Marty?- tanong ko ulit.

No, something happened. Naaksidente siya at nandito kami sa ospital. - reply ni Arn na kinagulat ko.

What? Pupuntahan ko kayo diyan.- reply ko tsaka nag-ayos na.

--

Pumunta ako sa ospital na sinabi ni Arn kung nasaan si Marty. Nag aalala rin kasi ako sa kanya.

Pagkarating ko ay nakita ko si Arn sa labas ng room ni Marty.

"Arn." sabi ko.

"Nadisgrasya si Marty at nagka amnesia siya." sabi ni Arn.

"What? For sure di ka niya naalala kasi mostly ang mga taong importante sa buhay ng pasyente na may amnesia ay siyang nakakalimutan. Pero ma co-cope up rin yan just remind him of the things na naging simboilo ng pagsasamahn ninyo. Just be neutral lng sa mga bagay na yun." sabi ko.

"I'll take care of it." sabi ni Arn.

"I'll help you, brother." sabi ko.

--

Nilapitan ako ni Arn tsaka niyakap ng mahigpit. Ramdam ko sa yakap na yun ang lungkot at pagkadismaya sa nangyari kay Marty......


--

Madam <3


My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon