A Day With Him

2.5K 97 1
                                    


Marty's POV

Maag na tsaka gumising na ako para maghanda sa klase. Hindi ko na inisip ang nangyari kahapon kasi hindi naman ako nasaktan. Nakilala ko ang lalaki kasi siya pala ang sekretarya ni Matt. iniisip ko rin ang mga sinabi niya kahapon pero habang nagsisipilyo ako ay...

"Marty? Punta tayong mall?" yaya pa ni Arn.

"May pasok tayo ngayon ahh?"sabi ko naman.

"Bukas na, mag enjoy muna tayo kasi para mawala yang takot mo. Sige ka isusumbong ko sa admin tsaka kay dean ang mga nangyari at nang madamay si Matt tapos ma eexpel sila tsaka....- hindi ko na siya pinatapos na tsaka sumang-ayon na rin ako kasi ayoko ng gulo.

"Tara na, maghanda kana."sabi ni Arn.

"Saan tayo dadaan eh hindi tayo pwedeng makalabas ng main gate kasi school hours?"tanong ko.

"Ako pa ba?"sabi niya.

"Siguraduhin mo."sabi ko.

--

Heto kami dumadaan sa masukal na daan sa likod ng dorm. Marami pang mga matataas na damo, hindi rin kami agad agad makikita kasi naka camouflage kaming dalawa, damit niya ang ginamit ko. Parang army kami, na naka couple shirt. Kinuha ni Arn ang kamay ko habang tumatakbo paalis ng school, habang tumatakbo kami ay parang nag so-slow motion ang lahat na parang nasa TV novela na tumatakbo ang dalawang couple, pero kami parang ako lang ang nakaramdam kasi ang landi ko rin. LOL, wala kang paki. 

Nakalabas kami ng buhay sa mga damong mas mataas pa sa tao. 

"Oh? okay kalang?"sabi niya. Habang nililinisan ang damit ko.

Natahimik ako sa mga ginagawa ni Arn, awkward kasi that moment. Parang gusto kong uminom ng asido tsaka magsplit sa gitna ng railways ng tren. Char lang!

"Uy!" sigaw niya.

"Ah? tara na!" sabi ko lang.

Agad kaming sumakay ng taxi, sosyalin kasi ang lalaking to, hindi makakahinga pag walang aircon. 

" Sana nag jeep nalang tayo." bulong ko.

"Bakit? Ikaw ba magbabayad? Tumahimik ka nalang jan, wag kanag magreklamo pa. Hindi ka maganda tsaka hindi ka chixx kaya wag kang pa VIP." sabi niya na kina irita ko.

" Manong, dito lang po ako!" sigaw ko.

Bababa pa sana ako pero...

" Sige ang daling magsabi ng... -- " Oo na" sabi ko tsaka bumalik na...

-music plays: Hanap hanap-

  Nakilala kita sa 'di ko inaasahang pagkakakataon
Nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahon
Tila agad akong nahulog nang hindi napapansin
Pero tadhana ko'y mukhang 'di tayo pagtatagpuin  

 Habang tumitingin ako sa mga bintana ay kinikilig pa rin ako sa nangyayari ngayon kasi naman ang sweet ni Arn, Baby Arn. Malandi lang!

Chorus agad:

  Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parap-pap
Na kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap

--

Nung nakarating kami ay agad akong tumakbo sa cotton candy, paborito ko kasi yun ehh.

" Hoy, Marty. Kumalma ka naman." sabi ni Arn.

"Bibili lang ako ng cotton candy. Over!" sabi ko.

"Basta, wag kang lumayo. Baka mawala ka ipa aannounce ko talaga! I love my pets kaya!" sabi niya.

"Tang*na mo." sabi ko.

--

Naglibot kami sa BiBo. Naglaro kami doon sa mga games, tsaka nagkulitan. Actually nag-enjoy talaga ako kasi first time ko to at kasama ko pa si Arn na kaaway ko nung enrollment tsaka first day pero naging kaibigan din naman kami.

--

Lumabas kami ng Bibo.

"Kain tayo!" yaya ni Arn.

"Saan?" tanong ko.

"Basta, sumama ka nalang" sabi ni Arn.

Sumunod na rin ako...

---

Pumasok kami sa isang sosyaling restaurant tsaka nag order kami ng mga sosyaling mga pagkain. Nung nakita ko ang presyo napa nganga ako kasi monthly allowance ko palang isang dish na.

" Hoy, sigurado kang dito tayo kakain?" sabi ko kay Arn.

"Oo, mag order kana jan! Wag kang maarte!" sabi niya.

"K!" sabi ko lang.

After kong mag order ay nagtanong ako kay Arn.

"Bakit ka mabait Arn?" tanong ko.

"Bakit, masama ba?" sarkastiko niyang sabi.

"Wala, kasi akala ko demonyo ka yun pala may pusong mamon ka rin." sabi ko.

"Tahimik nga,pumipili ako!" sigaw niya.

"Yan kana naman ehh." sabi ko.

"Pala, pagkatapos natin dito pumunta tayo sa cellphones ha." sabi niya.

"Bakit? bibili ka ng bagong phone?" tanong ko.

"Hindi, bibilhan kita. Tignan mo yang phone mo, parang luma pa kesa sa ngipin ng lolo ko." sabi ni Arn.

"Paki mo? Okay pa naman to ahh"sabi ko.

"Basta, Arte mo!"sabi niya.

--

Ilang paghihintay lang ay dumating narin ang pagkain na inorder namin. Kumain na rin kami kasi gutom na gutom na kami..

--

After dun, pumunta kami sa cellphone.

Binasa ko ang nasa taas "Apple?" prutas? Niloloko ako neto ha.

"Hoy?Anong apple akala ko cellphone?!"sabi ko.

"Tanga ka!"sigaw niya.

Pumunta kami sa isang table at nakita ko ang mga phones. 

"Wooooooohhh?"mangha kong sabi.

"Miss, pwede kong tignan to?"sabi ni Arn habang dinuduro ang phone na nasa taas.

"Ah, Iphone 6 sir?"sabi ng babae.

"Yes. I'll pay it now."sabi ni Arn.

"Kinuha ko ang black na color para same tayo!"sabi ni Arn sabay dukot ng phone niya.

"Ang mahal nun Arn!"sabi ko pa.

"Ikaw ba magbabayad!"sigaw niya.

Natahimik nalang ako tsaka tinanggap yung phone.

--

Umuwi na rin kami agad kasi mag hahapon na nakarating na nga kami ng school mga around 5:30 pm.

"Salamat Arn ha.."sabi ko sakanya.

"Oo, hmm.."sabi niya.

Nakarating na rin kami ng dorm tsaka pumasok na rin.

"Mag-ayos kana dyan tsaka matulog alam kong pagod ka."sabi ni Arn.

"Oo, ikaw rin."sabi ko lang.

--

Pagkatapos ng pag-aayos ko ay agad na rin akong humiga tsaka inisip ang mga pangyayari na nangyari ngayon. Napangiti nalang ako tsaka natulog na...

--



Madam <3

Kung napansin niyo lagi siyang natutulog at the end of the story it's because para ang mga mangyayari on the next day is continuous lang. :)


My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon