I love you, Goodbye

1.6K 58 5
                                    

Marty's POV 

Ilang buwan na rin ang lumipas. Bukas ay graduation na namin. Wala rin naman akong masyadong gagawin kasi gusto ko lng matulog buong araw. May naganap na naman kasi kagabi na hindi ko inaasahan.

"Babe, gising na." si Arn.

"Ayoko pa." sagot ko.

Hinila ako ni Arn para tumayo....

"Araaaaaay!" sigaw ko.

"Oh ? bakit?" tanong ni Arn.

"Nagtanong kapa! Yung ginawa mo kagabi sa akin?!" sabi ko.

"Hahahahahahahah!" tawang tawa na reaksyon ni Arn.

"Ewan. Matutulog na lang ako!"  sigaw ko.

"Teka  diyan ka lang wag kang aalis may bibilhin lang ako para mawala yang sakit. Hindi ko naman alam na masasaktan ka di sana....... di ko na sinagad." sabi niya.

"Babatuhin talaga kita! Alis kana!" sigaw ko.

"oo na!" sabi niya.

"Biweset talaga yan. Kung di ko lang siya mahal ewan na kung ano nang nagawa ko." sabi ko.

ARN's POV

Heto ako palabas ng dorm pupunta muna ako sa pharmacy para bumili ng gamot pampawala ng sakit ni Marty. Ang cute niya talaga, tapos habang kayakap ko siya kagabi parang ayoko nang matapos ang gabing yun kasi alam ko sa mga susunod na araw ay kukunin na siya ng kuya niya.

"Manang? Pabili po ng mefenamic." sabi ko.

"Ilan?" tanong niya.

"Lima po." sabi ko.

Habang hinihintay ko ang binibili ko ay pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kagabi. Hindi talaga mawawala sa isip ko kasi yun ang gabi na bumuo kami ng anak este pagmamahal kasi wala siyang matres pero kahit ganun siya mahal ko parin siya at hinding hindi ko siya kailanman makakalimutan.

"Kuya! kuya! kuyaaa???" sigaw ni manang habang naiinip na kakatawag.

"Ay! Sorry po. May iniisip lang. Heto po bayad." sabi ko tsaka umalis na.

Bumalik na ako agad sa dorm pero nasalubong ko ang mga kaibigan ko habang dala-dala ang toga.

"Uy! Kinuha nyo na toga nyo?" tanong ko sakanila.

"OO. bakit? Ito sayo oh." sabi ng isa kong kaibigan.

"Hahahah! salamat!" sabi ko at pagakakuha ko ng toga ay agad nahulog ang gamot na binili ko para kay Marty.

"Uy? Mefenamic? sabi ni Steb isa kong kaibigan.

"OO. masakit yung paa ko eh." sabi ko.

"Palusot! Painkillers yan eh! Bibigay mo sa asawa mo ano? Ikaw ha! Marunong kana ha??" sabi ni steb sabay tawa ng mga kaibigan ko.

"Ugok niyo! Uuntugin ko yung mga ulo niyo eh! Alis na!" sigaw ko.

"HAHAHAHAHAHAH!" tawa nila habang umaalis.

"Walang kwenta talaga!" sigaw ko tsaka bumalik na sa dorm.

Pumasok na ako ng dorm tsaka nakita ko si Marty na mahimbing na natutulog. Nilapitan ko ito tsaka dinampi ang mga bibig niya at hahalikan ko na sana siya nung biglang.....

"HAHALIK KA? YUNG GAMOT KO??" sabi niya.

"Babe! Ginulat mo naman ako." sabi ko.

"Amin na nga yang gamot. Ang sakit na kasi." sabi niya tsaka ininom ang gamot.

My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon