Marty's POV
Lumipas ang maraming araw tsaka natapos na rin ang libing ni mama. Heto ako ngayon, umuupo sa harap ng huling hantungan ni mama.
"Malapit nang gumabi." sabi ni Arn.
"Hays. Oo, nga eh.. Kailangan ko na atang magpaalam ma, tandaan mo ma. Mahal na mahal kita gagawin ko lahat, mapasaya kalang kahit hindi na tayo magkakasama." sabi ko.
Agad kaming umalis ni Arn para mag ayos ng bahay. Kasi balak kong bumalik ng paaralan. Kung ma eexpel ako okay lamng kasi desisiyon ko naman yon . Tsaka si ate at kuya wala muna akong balak na makipag ayos sa kanila kasi masama parin ang loob ko sa kanila.
--
Matt's POV
Ilang araw nang absent si Marty . May mga teachers na nagsasabi na pa eexpel nlang daw siya. Tsaka pati rin si Arn. Thursday ngayon sa school at 4 days na silang absent. I hope na sana sa lunes nandito na sila.
Lagi kong tinitignan ang dorm nila pero naka lock tsaka walang tao roon. Nag aalala ako kasi matalik ko nang kaibigan si Marty.
--
Marty's POV
Habang sumasakay kami ni Arn sa bus papuntang Maynila ay pumasok sa isip ko kung bakit nya ako tinutulungan.
"Arn, Salamat sa pagsama mo ha.. Pero bakit mo ginagawa to?" tanong ko sa kanya.
"Kasi nag aalala si Tita mo sayo tsaka sinabi ko sakanya na pauuwiin kita ng safe, okay?"sabi nya.
"Okay."sabi ko tsaka tumingin nalang sa bintana.
--
Nung nakarating kami ng Maynila ay agad akong umuwi sa bahay ni Tita.
"Tita?"sabi ko habang nakita ko siya na nakaupo sa sala.
"Marty! hay nakung bata ka!, saan kaba pumunta?! Umuwi ka talaga?"sabi ni tita.
"Oo, kasi gusto kong makita si mama sa huling sandali nya."sabi ko.
"Sino yang kasama mo?" tanong ni tita. Sabay duro kay Arn.
"Ah, ako nga pala si Arn, yung tumawag na kaibigan ni Marty."sabat ni Arn.
"Ay, mabuti naman at nandyan ka para samahan si Marty."sabi ni tita.
"Kumain muna kayo."sabi ni tita.
"Wag na po gagabihin na po ako pupunta na po ako ng dorm para makapag pahinga na."sabi ni Arn.
"Wag na, dito ka nalang magpalipas ng gabi. Ayokong may mangyari sayo tsaka pasalamat ko na rin sayo sa pagdadala mo kay Marty dito ng ligtas." sabi ni Tita.
Hindi na nakapag ayaw si Arn kay tita.
"Dun ka muna sa kwarto ni Marty, okay lang ba Marty?"sabi ni tita.
"Ahh, oo naman."sagot ko lang.
--
Matapos kaming kumain ay agad akong pumasok ng kwarto para mag-ayos samantalang si Arn ay naiwan kasi kumakain pa siya.
--
Arn' POV
Pumasok si Marty sa kwarto niya. Nag usap muna kami ng tita nya.
"Anak, salamt talaga sa pagdadala dito sa pamangkin ko ha."sabi ng tita ni Marty.
" Oo naman po."sabi ko.
"Nag-aalala kasi ako sakanya. Alam mo kasi siya lang ang naiwan kay mama niya kaya alam kong masakit sakanya na namatay na si mama niya. Tsaka yung mga kapatid niya nagsi pamilya na at iniwan ang mama nila."sabi niya.
"Oo nga eh, nagkasagutan sila ng kapatid nila doon."sabi ko.
"Hindi naman ganung bata si Marty pero siguro nadala lang siya sa galit nya kasi siya lang ang naiwan para sa mama niya tapos bumalik lang yung mga kapatid niya nung namatay na yung mama nila."sabi ng tita ni Marty.
"Ganun po ba?"sabi ko.
"Oo, tsaka wala na masyadong sumusoporta dun kaya kinuha ko tsaka pinag paaral sa paaralan ninyo."sabi niya.
Natahimik ako kasi napaka lungkot ng buhay ni Marty pero napaka tigas at pursigido siya.
--
Pumasok na ako pagkatapos kong kumain, nag-ayos na rin.
"Arn, heto pala yung damit mo, kunin mo lang dyan ha. Tapos na rin kasi akong mag-ayos kaya ikaw na muna bahal sa sarili mo at aayusin ko pa ang tulugan."sabi ni Marty.
"Oh sige."sabi ko tsaka kinuha ko na rin at nag banyo na...
--
Pagkatapos kong magbanyo ay nakita ko si Marty na antutulog na. Lumapit na rin ako sa inayos niyang higaan ko tsaka humimlay.
Nakita ko ang mukha ni Marty, ang mata niyang kinain na ng eye bags kasi sa sobrang iyak nya noong nasa probinsya pa siya. Nakita ko rin kung paano siya magalit.
kinuha ko ang buhok niya na nakadampi sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero nagawa kong lumapit sakanya tsaka hinalikan ang noo niya. Hindi naman ako bakla pero bakit may gusto akong sabihin sakanya pero di ko lang masabi. Sa mga oras na ito gusto kong yumakap kay Marty, hindi ko naman masabi na baka naaawa lang ako pero kasi iba talaga.
Natulog akong kaharap siya....
"Goodnight Marty, nandito lang ako lagi para sayo."sabi ko....
--
Madam<3
Sorry sa late na update guys, so busy sa aming Intramurals at ASSAA meet <3 Tsaka maraming gawain. Babawi here <3 Mwa!
BINABASA MO ANG
My Mr. Swimmer
RomanceHindi lahat ng mga gay ngayon ay nagkakalove life yung iba nahuhulog lang at naiiwan. Ang bida dito ay hindi halatang virginia at napadpad sa isang school for the boys na eskwelahan paano kaya nya ma kekeri ang sangkatutak na mga boys at paano nga b...