Arn's POV
Isang taon na ang lumipas nung huli kaming nagkita at huli kong niyakap ang pianka mamahal ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na iniwan niya ako. Isang taon na rin kasing hindi ko nakikita, walang balita at nawala siya. Ewan kung buhay pa siya, patay o baka talagang iniwan na niya talaga ako.
"Pare? Di kaba talaga mag get into relationship?" tanong ng kaibigan ko.
"Ewan?" sagot ko lang.
"Isang taon na ang lumipas. Wala na yun. Di na siguro babalik yun kasi pag buhay yun. hahanap at hahanap ng paraan yun para bumalik sayo. Baka masaya na yun sa iba eh." sabi niya.
Nang init ang katawan ko. Nasuntok ko yung kaibigan ko dahil sa mga sinasabi niya. Guilty ako. OO. dahil baka totoo ang sinabi niya at baka wala na ngang babalik na Marty sa akin?
"Gago ka pala. Kung ayaw mo ng mga sinabi ko di wag!" sabi ng kaibigan ko.
"Wala kayong pakialam." sigaw ko tapos tumakbo palayo.
Lagi lang ako nakatulala sa hangin. Iniisip kung nasaan na si Marty kasi napakasakit marinig na iniwan na niya ako. Bumabalik at sumasagi sa isip ko ang sinabi ng kaibigan ko pero ayokong mawalan ng pag asa dahil may pangako si Marty sa akin na hinding hindi niya ako iiwan. Na ako at ako pa rin ang iibigin niya.
--
Pumunta ako sa isang bar kinagabihan kasi gusto kong makapaglabas ng sama ng loob. Umupo ako sa isang table na kung saan makapag-isa ako. Uminom ako ng uminom.
"Samahan na kita?" tanong ng isang babae.
"Kaya ko. Okay lang ako." sabi ko.
"Talaga? Eh lasing na lasing kana ata sa itsura mong yan." sabi niya.
"Umalis kana! Kaya ko to!...." huling sabi ko.
--
Andrea's POV
Nakita ko si Arn. Ang pianak crush ko nung highschool kami. Pero ang pagkaka alam ko ay may jowa itong bakla. Pero nag hiwalay rin dinig ko.
"Chance ko na ito." sabi ko tsaka nilapitan si Arn.
Sasabyan kopa sana siya pero lasing na lasing na siya at natumba pa sa kinauupuan nito. Kay dinala ko siya sa hotel na kung saan ako nakatira.
Inayos ko si Arn kasi nagsusuka, dala ng kanyang pagkalasing.
"Nasaan ako! Uuwi ako! Marty!" sigaw ni Arn.
"Matulog kana. sige na..." sabi ko kay Arn habang binibihisan ko siya.
"Marty?" sabi nya.
"Hindi ako si Marty." sabi ko.
Aalis na sana ako nung biglang hinila ako ni Arn tsak hinalikan. Umayaw ako nung una pero si Arn na kasi yun. Ayoko ng umarte.
-----------
Arn's POV
Nagising ako kinaumagahan sa isang kwarto na hindi ko kilala. Nakita ko ang isnag babae na nakladampi at natutulog sa dibidib ko kay kinuha ko ito tsaka nilagay ang ulo sa unan.
"Shit." sabi ko tsaka dali daling umalis sa hotel na yun.
"Ano bang ginawa ko?" sabi ko.
Umuwi na ako para makaligo kasi hindi ko maisip na may nangyari sa amin ng babaeng yun. Mahal ko pa si Marty, ayoko pa siyang palitan.
--
After kong magbihis ay pumunta muna ako sa bahay ng tita ni Marty.
"Tita?" sabi ko nung makita ko si tita na nagdidilig.
"Anak? Oh. Kamusta kana?" tanong ni tita.
"Oaky lang po. Heto namimiss ko parin si Marty. Sana makita ko siya at sana mahal niya pa rin ako." sabi ko.
"Anak mahal ka ni Marty. Siguro buhay pa siya kasi wala pa rin akong balitang alam na wala na siya. Ang gawin lng natin ay ang mag dasal para sa proteksyon at kaayusan ni Marty kung nasaan man siya ngayon dapat wag tayong mawalan ng pag asa kasi hindi natin alam ang mga pangyayari sa mga sumusunod na araw." sabi ni tita.
"Opo tita." sabi ko lng.
"Kumain kana ba?" tanong ni tita.
"Ay opo." sabi ko.
"Teka pasok ka muna paghahanda kita." sabi ni tita.
"Ay okay lng po." sabi ko.
"Ay. pumasok kana. Ano kaba." sabi ni tita.
Puamsok na ako kasi di rin naman ako makapag ayaw kay tita kasi sabi niya pamilya na rin daw niya ako. Kaya pumasok nalang kao at kinain ang inalok sa akin na pagkain.
Habnag nakaupo ako ay nakita ko ang picture ni Marty sa isang photo album. Nakita ko kung gaano ka masayahin at mapagmahal si Marty sa pamilya niya. Bumabalik na naman sa isip ko si MArty at ang mga masasayang araw na kasama ko pa siya. Mukhang iiyak na nga ako nun eh.
Pero nilalakasan ko ang loob ko para kay tita.
Ilang minuto ang lumipas ay nag ring ang telepono....
*Riiiiiinnngggg........Riiiiiinnnnngggg.....
"Tita! May tumatawag sa telepono."sigaw ko.
"Sandali lang.. Sagutin mo muna." sabi ni tita.
"Ay wag na po. KAyo na po ang sumagot" sabi ko.
"Sandali....." sabi ni tita tsaka dinampot ang telepono.
Tinitignan ko si tita habang kinakausap ang tao sa telepono pero bigla akong nagtaka kasi nanlalaki ang mata ni tita tsaka tumingin siya sa akin,......
"Tita? Sino po yan? anong sabi?" tanong ko kay tita.......
"Si Marty. Si Marty Arn!" sigaw ni tita.....
"Ano po?" sabi ko.
"Na a.....................................
To be continued............
MADAM <3
BINABASA MO ANG
My Mr. Swimmer
RomanceHindi lahat ng mga gay ngayon ay nagkakalove life yung iba nahuhulog lang at naiiwan. Ang bida dito ay hindi halatang virginia at napadpad sa isang school for the boys na eskwelahan paano kaya nya ma kekeri ang sangkatutak na mga boys at paano nga b...