CACTUS

2.2K 77 1
                                    


Marty's POV

Ginising ako ni Arn ng maaga kasi sabi niya gusto niyang mag-usap kami bago pumasok ng room namin. Tsaka gusto niyang walang masayang na oras at sandali sa buhay niya. Ang arte naman ng lalakeng yun.

Nandito kami ni Arn sa hallway, naglalandian. Char! 

"Babe, can I kiss you?" tanong ni Arn.

"Pilitin mo muna ako."sabi ko habang pabebe.

"Pabebe ka talaga, sige na."sabi pa niya.

"Di wag."sabi ko.

Umaarte ako kasi parang gusto ko ang awra ng pagiging pabebe. 

--

Ilang minuto nalang ay mag fu-first period na ng klase. Kaya sinusulit na namin ni Arn.

"Babe, ilang minuto nalang papasok na tayo ha."sabi ko.

"Wag na tayong pumasok dito nalang tayo. Ayokong mawalay sayo babe."sabi pa ni Arn.

"Ano kaba? Akala mo kung saan naman tayo pupunta eh papasok lang naman."sabi ko pa.

"Sige. Basta ang kiss ko mamay."sabi niya.

"Hahhaha. Sige"sabi ko.

--

Pumasok narin kami ng  First Period pagkatapos ng limang minuto.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Matt sa room. Nakaupo ng tahimik tsaka parang wala sa mundo yung isipan niya. Kaya umupo agad ako sa tabi nya tsaka kinausap ko siya agad.

"Matt? Bakit parang bitbit mo ang buong mundo jan?" tanong ko.

"Okay kalang? Pasensya ka na ha."sabi niya sa akin.

"Hays. Oo, ano kaba? Nandun naman si Arn para ipaglaban ako eh." sabi ko.

"Buti naman. Sorry talaga." sabi niya.

"Ayshhh. Oo na."sabi ko lang.

--

After ng klase namin ay pumunta muna ako sa volleyball practice namin. Isang araw kasi akong nag absent doon.

--

Arn's POV

Masaya akong pumasok sa room namin kasi na iinspire ako. Masaya ako kasi naamin ko rin ang nararamdaman ko at tinanggap rin ni Marty.

"Oh? Abot langit yung ngiti mo Arn ha. Naka score ka siguro ah no?" tanong ng kaibigan ko.

"Sobra pa dun."sabi ko lang habang nakangiti.

"Sexy siguro nun pre. tsaka -- "Tahimik ka nga!" singit ko agad.

"okay!"sabi niya.

--

Tumakbo ako palabas ng room kasi bibili ako ng ireregalo ko kay Marty. Wala lang, gusto ko lang kasing bumili para sa kanya.

Pumunta ako sa isang flower shop at pumili ng bulaklak. Namili ako, pero parang pare parehos lang lahat gusto ko yung unique kasi. Sa isang banda nakita ko ang cactus na may bulaklak. Kinuha ko ito at nagandahan ako dito kasi parang pagmamahalan namin ni Marty na unique tsaka parang kakaiba kasi si Marty at siya yung hindi ko kayang lokohin.

Binili ko ito agad. Umalis ako ng Flower shop. Hindi na ako pumasok sa iba kong klase kasi tinatamad na akong pumasok. Pumunta ako ng gym kasi baka nandun si Marty. may praktis sila siguro kaya gusto ko siyang bisitahin.

--

Pagdating ko ng gym ay agad kong nakita si Marty. Napaka cute talaga ni Marty...

"Swerte ko."bulong ko lang.

Tinignan ko ang cactus na dala dala ko. 

*Boogshh.... Ahh!* sigaw ng lalake. nakita ko si Marty na nakaupo na. Natamaan ata ng bola.

Lumapit agad ako tsaka tinulungan si Marty.

"Ano kaba! Di ka nag-iingat!"sigaw ko sa lalake na naka tama kay Marty.

"Hey. Wala kang dapat na sisihin it's part of the game. Libero si Marty kay....-"Coach, alam ko pero sana hinay hinay lang hindi lahat ay kayang saluhin ni Marty...."sabi ko agad.

"Arn, okay lang ako."sabi ni Marty.

"ayshh. Gamutin natin yan mamaya."sabi ko.

Naghintay ulit ako sa gilid.

--

Pagkatapos ng praktis ni Marty ay agad kaming pumunta ng dorm namin.

Binigyan ko siya agad ng cold compress kasi natamaan siya kanina sa bandang ulo. 

"Hayss, mag-ingat ka. Ayokong nakikita kang nasasaktan ha."sabi ko.

"oo na. okay lang ako kanina babe kaya don't worry."sabi niya sa akin.

Kinilig ako agada tsaka ngumiti.

"Pala, may binili ako sayo babe."sabi ko tsaka kuha ng cactus sa paper bag.

"Cactus?"tanong ni Marty.

"oo, kasi gusto ko yung unique tulad ng pag-ibig natin. Sana alagaan mo ito Marty. tanda ito ng pagmamahalan natin. Pag nasira yung pot it means we're over. Pero alam ko naman na you won't let that happen diba babe?"sabi ko.

"oo, naman. Mahal na mahal kita Arn. Basta wag na wag mo akong lolokohin at sasaktan."sabi niya.

"Naman babe. PRomis ko sayo."sabi ko.

"Pinky swear?"sabi niya.

"No, kissing swear!"sabi ko tsaka kinulit ko agad si Marty.

--

Matt's POV

Nandito ako sa dorm namin. Nakahiga na at matutulog na san pero biglang pumasok si AMrty sa isipan ko tsaka napaisip ako. Hindi ko alam pero parang gusto ko si Marty. Yung tipong alam kong hindi ako bading pero parang nagbabago lahat pag nakikita ko siya.Gusto kong umamin kay Marty pero bakit parang naduduwag ako? Natotorpe. Hindi ko alam kung bakit nahulog ako sakanya? Pero ang alam ko lang ay gusto ko si Marty. Sususbukan ko bukas umamin sakanya, para mawala na itong tinatago ko.

--


My Mr. SwimmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon