Marty's POV
Nagising ako sa pagkakauga ng bus habang nasa byahe. Nung binuksan ko ang mga mata ko aya agad kong nasilayan ang mukha ni Arn habang nasa byahe. Parang nag play sa isip ko ang Dive ni Ed Sheeran.
Maybe I came on too strong
Maybe I waited too long
Maybe I played my cards wrong
Oh just a little bit wrong
Baby I apologise for it
I could fall or I could fly
Here in your aeroplane
And I could live, I could die
Hanging on the words you say
I've been known to give my all
And jumping in harder than
10,000 rocks on the lakeHabang ang mga lyrics ng kanta ay aking naaalala napangiti ako kasi nandito si arn sa tabi ko. Sa mga oras na nangangailangan ako ng makakasama at makakausap. Hindi niya ko iniwan. Hindi siya nagdalawang isip na samahan ako papuntang probinsya.
So don't call me baby
Unless you mean it
And don't tell me you need me
If you don't believe it
So let me know the truth
Before I dive right into you
--Ilang oras na lang at makakrating na ata kami sa probinsya.
"Gising kna"sabi ni Arn.
"Oo. Kanina pa."sabi ko.
"Pinagmasdan mo naman ang kagwapuhan ko no?"sabi niya.
"Kahit kailan talaga?"sabi ko.
"Ikaw naman. Gusto lang kitang pangitiin kasi parang mahuhulog na yang mata mo."sabi ni Arn.
"Pakialam mo ba?"sabi ko.
Tumagilid ako at nakita ko ang lugar.
"Nandito na tayo."sabi ko.
--
Agad kaming bumaba ni Arn tsaka sumakay ng Tricycle kasi namanmalapit lang dito ang bahay namin.
Pagkababa namin ni Arn ay nakita ko ang bahay namin. Nandoon ang mga Kapatid ko. Pumasok kami ni Arn.
"Marty? Bunso?"sabi ni Ate.
Tumingin rin si Kuya sa akin pero di ko sila pinansin kasi galit na galit na ako. Gusto kong sumigaw gusto kong sampalin silang dalawa pero hindi ko magawa dahil ayokong masira ang burol ni Nanay.
Lumapit lang ako sa kabaong tsaka tinitigan si Nanay na nakahimlay.
"Nay, sorry dahil iniwan kita, sorry dahil wala akong nagawa di sana nabuhay kapa. Sana..."umiyak ako sa kabaong ni nanay. Naramdaman kong yumakap si Ate sa akin.
"Bitiwan mo ako. Sino ka?"sabi ko.
"Marty, si Ate Cheska mo ito."sabi ni ate.
"Haaa?! Ate kita? Akala ko wala na kaming pamilya ni Nanay. Matapos nyo kaming iwan. Tignan niyo kung anong nangyari!" sigaw ko.
"Wag na wag kang maging bastos Marty, hindi ka pinalaki ni Nanay ng ganyan!"sabi ni Kuya.
"Ako pa ang may kasalanan ngayon? Bakit ganyan kayo, Haaa!? Bakit ganyan kayo sa amin? Kinalimutan nyo kami ha?!!! Bakit!"sabi ko habang umiiyak.
Lumapit si Kuya sa akin, susuntukin nya sana ako pero sumigaw ako.
"Ano? Sasaktan mo ako? sige patayin mo na ako, total ayoko nang mabuhay!" sigaw ko.
"Tama na Karlo!"sigaw ni Ate.
Umalis na lang ako tsaka lumabas ng bahay.
--
Umupo ako sa isang kubo na ginawa ni mama noon para sa aming tatlong magkakapatid. Doon, umiyak ako ng umiyak.
"Marty, tahan na." sabi ni Arn habang hinahaplos ang likuran ko.
"bakit ganon sila?" tanong ko habang umiiyak.
"Wag mo nang intindihin yon Marty, sa tingin mo ba gusto ng nanay mo na nagkakaganito kayong magkakapatid?"sabi ni Arn.
--
Pagkagabi ay pumasok ako sa kwarto ni Mama. Dinala ko dun si Arn para makapagpahinga na rin siya. Umupo kami sa kama kung saan palagi kong katabi si nanay. Binuksan ko ang drawer ni nanay tsaka nakita ko ang diary niya.
...
Binasa ko ang mga araw na sinusulat ni nanay. Naiiyak ako kasi nabasa ko yung nakasulat sa diary niya noong June 9, 2017.
"Medyo nakaklungkot ang araw na ito kasi pumunta ang anak ko sa Maynila para makipagsapalaran. Hinayaan ko lang siya kasi sa tingin ko doon siya masaya, Sana wag siyang pabayaan ng panginoon kasi mahal na mahal ko siya." Ang sulat na sumuntok sa akin at nagpatulo ng mga luha ko.
June 13,2017
"May pasok na ata si Marty ngayon, Sana okay lang ang anak ko. Sana inaaalagaan siya ng kapatid ko. Sana tulungan kami ng panginoon na maging matiwasay ang buhay namin at kunin na niya ang iniinda kong sakit." ang nakasulat sa diary ni mama.
--
Hindi ko na nakayanan pang basahin lahat ng naksulat doon kasi lalo akong nasasaktan sa nababasa ko.
Nagpahingfa lang muna ako kasi pag lumabas ako makikita ko lang ang mukha ng mga kapatid ko. Ang mga makakapal nilang mukha.
"Magpahinga kana Arn."sabi ko.
"Ikaw ata jan ang kailangang magpahinga eh. Tignan mo ang mga mata mo."sabi ni Arn.
Di na ako nagsalita natulog nalang ako kasi nauubos na ang lahat ng lakas ko.....
--
Arn's POV
Natulog na si Marty ngayon. Mabuti na yung ganito kasi kanina nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Nakikita ko kung paano si Marty nagalit kanina habang kaharap niya ang mga kapatid niya. Nakita ko rin kanina na susuntukin siya ng kapatid niya. Lalapit san ako para saluhin ang suntok pero sumabat rin si Marty at natigilan ang lahat.
Mas mabuti na tong natutulog siya kesa iniisip ang sakit at lungkot na iniinda niya.
--
Madam <3
BINABASA MO ANG
My Mr. Swimmer
RomanceHindi lahat ng mga gay ngayon ay nagkakalove life yung iba nahuhulog lang at naiiwan. Ang bida dito ay hindi halatang virginia at napadpad sa isang school for the boys na eskwelahan paano kaya nya ma kekeri ang sangkatutak na mga boys at paano nga b...