Chapter 2 - *Meeting them

5K 128 55
                                    

Hannah's POV

Isang gabi na naman ang matulin na nagdaan. Ilang araw na ang lumipas buhat nang masagip nila ako mula sa kamay ni Aurelius, ngunit hindi pa rin mapanatag ang aking kalooban.

 Para bang parating may nakaambang panganib na magaganap.

Walang kasiguraduhan. Puno ng agam-agam. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam.

Mabuti naman at gising ka na.” Naputol ang aking muni-muni dahil sa tinig ni Lil Saint. Ang babaeng bampira lang ang parati kong nakakausap sa lugar na pinagdalhan sa akin, at ngayon nga'y kasalukuyan akong naninirahan sa kanyang bahay. Marami na siyang nai-kwento sa akin tungkol sa nakaraan ko, subalit ni-isa dun ay wala akong maalala.

Lahat ng mga nasa paligid ko ay pamilyar sa akin ngunit hindi ko matandaan ang mga ito. Noong una'y tumanggi akong tumira kasama ng mga kalahi niya, ngunit napagtanto ko ring wala na akong ibang mapupuntahan. Maayos din naman ang pakikitungo ng lahat sa akin, hindi ko man sila kilala'y panatag ang loob ko na kasama sila.

Siyanga pala, ito ang unang araw ng pasukan kaya dapat ay maghanda ka na.” Ani Lil Saint habang naglalagay ng mga damit sa aking tokador. Sa aking hinuha ay mga uniporme iyon at ilang mga gamit pang-skwela.

A-anong taon na ako ngayong pasukan?” Tanong ko sa kanya at tumayo na rin upang maghanda.

Nasa huling taon ka na ng highschool sa pagkakaalam namin. Magkaklase tayo kaya sabay na rin tayong papasok.” Sagot naman niya sa akin. “Maiwan na kita rito at ako’y maghahanda na rin.” At tuluyan na rin siyang lumabas sa aking silid.

Wala na rin naman akong magagawa kaya ako’y nag-ayos na rin para pumasok sa eskwela.

--------

 Sa pagpasok sa paaralan ay kasa-kasama ko sina Isaac at Lil Saint. Palagay ko’y hindi ako pwedeng lumayo na walang kasama ni-isa man sa kanilang dalawa.

Para nila akong pino-protektahan sa 'di ko malamang kadahilanan.

Habang naglalakad ay napansin ko ang ilang mga estudyanteng pasulyap-sulyap sa aming direksyon.  Hindi ko mawari kung bakit nila ako tinitingnan na para bang kilala na nila ako gayong ito ang unang beses na pumasok ako sa eskwelahang ito.

Huwag mo na lang silang pansinin.” Ani Lil Saint nang maramdaman niyang bumagal ang aking paglalakad dahil sa aking pagmamasid.

Tiningnan ko lang siya gayunpama’y nakisabay na rin ako sa kanila. Makalipas ang ilang pasikot-sikot ay tumigil na rin kami sa isang silid.

Nandito na tayo.” Wika ni Isaac.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon