Chapter 19 - Sign

1.8K 66 22
                                    

Someone’s POV


“Nasaan si Camarri?” Marahas kong tanong sa isa sa mga tauhan ni Camarri. Dali-dali akong napasugod dito sa Zamaria sa napag-alamang balita.


Yumuko muna ang tauhan bago nagsalita ”Kasalukuyan pong wala dito si Pinunong Camarri, pinuno. Ang sabi niya po ay matagal siyang mawawala.”


“Saan siya nagpunta at sino ang kasama niya?” Kailangan kong malaman kung nasaan ang babaeng iyon. Kailangan kong malaman ang kanilang kinaroroonan.


 “Ipagpaumanhin niyo po pero hindi ko po alam, pinuno. Wala na po siyang ibang sinabing impormasyon, maliban sa matagal nga siyang mawawala.” Magalang nitong tugon.


“Tonto! Sa oras na dumating siya dito ay ipagbigay-alam mo kaagad sa akin! Maliwanag?” Habilin ko sa kanya.



“Masusunod po mahal na pinuno.” Yumukod uli ito at umalis na.


Marahas akong napabuga ng hangin at napahilot sa aking noo.


Huwag na huwag mo akong kakantihin Camarri kung ayaw mong magsisi sa huli.


Nakaplano na ang lahat. Ang magtatangkang humarang sa plano ko ay . . . kamatayan ang haharapin.



-----------

Danna’s POV



“Saan ka pupunta, Danna?” Kapagkuwa’y tanong ng aking ama ng makita akong naghahanda ng umalis.


“Sa eskwelahan, papa. May proyekto po kaming gagawin.” Nakatungo lang ako. Ayoko siyang harapin.


“Maari ko bang malaman kung sino ang mga kasama mo sa proyektong iyong sinasabi?” Napa-angat ako ng kaunti at nakita ko na nakataas na ang isang kilay nito.



“M – mga kaklase ko lang po.” May pakiramdam akong alam niyang may kaugnayan si Gabriel sa proyektong sinasabi ko. “Aalis na po ako papa.” Akmang lalabas na ako ng pintuan ng magsalita ito.


“Ikamusta mo ako sa iyong ‘kaklase’, Danna. Sabihin mong pinanabikan ko siyang makita – uli.” Wika nito na may nakakalokong ngiti sa labi.



Hindi na lamang ako umimik pa at nagmadaling umalis na may pangamba sa aking dibdib.


Papaano niya nalaman?


--------



“Hi classmate!” Nakangiting bati sa akin ng isang bampira. Kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan niya ay Nicholas Jean. Nahihiyang nginitian ko lang siya.


“Kilala mo na ba ako? Ahh! Alam ko na, magpapakilala na lang ako sayo!” Wika pa nito na parang bata at pumunta na sa may platform sa harapan malapit sa blackboard. Nagpose pa ito maya-maya’y . . .

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon