Chapter 41 - Lil Saint

1.5K 57 12
                                    

Third Person POV

Zamaria

"Nicholai.." Tawag ni Ilias sa kanyang kaibigan. Kasalukuyan silang nasa loob ng isang silid sa abandonang gusali malapit sa Drakus, doon nila napiling mag-usap para walang gumambala sa kanila.

"Matagal na panahon na nating inilihim ang buong katotohanan, Ilias. Panahon na sigurong malaman niya ang tungkol sa kanyang tunay na katauhan." Payo ni Nicholai sa kaibigan. Nahulog sa malalim na pag-iisip si Ilias. Oras na nga sigurong mabunyag ang buong katotohanan. Sana lang matanggap ni Lil Saint ang mga ipagtatapat niya rito.

"Marahil ay tama ka nga. Kakatwa at ngayon ko pa talaga ipagtatapat ang lahat-lahat sa kanya, isang digmaan ang kinakaharap natin. Kung nakabalik lang sana ako ng mas maaga." May panghihinayang sa boses ni Ilias ng sabihin iyon.

Napalingon si Nicholai sa kanyang kaibigan at tinapik ang balikat nito. "Wala ng panahon para sa paghihinayang o pagsisisi, Ilias. Sulitin mo na lang ang kung ano mang oras na meron ka ngayon. Walang kasiguraduhan ang bukas na darating." Napatango na lamang si Ilias at tiningnan ang papalayong kaibigan. 

Oras na nga sigurong ibunyag ang buong katotohanan. Ito na siguro ang takdang panahon para kausapin niya si Lil Saint.

----

"Alis! Alis! Wag nga kayong maglambingan sa harap ko." Pagmamaktol ni Lil Saint kina Nicholas at Julie na masayang naghaharutan sa loob ng silid ni Erebus sa palasyo ng Drakus. Ang ibang bampira kasi ay nasa palasyo ng Drakus nanatili.

"Inggit ka la-Aray!" Daing ni Nicholas nang batukan ito ni Julie. "Bakit ba?" Tanong pa nito kay Julie na pinandilatan lang si Nicholas.

"Siyanga pala, Lil Saint. Nasabi sa akin ni Pinunong Demetri na nakabalik na raw si Ilias." Wika ni Julie na nakapagpa-angat ng ulo ni Lil Saint. 

Napaawang ang labi ni Lil Saint sa sinabi ni Julie. Si Ilias? Ang bampirang laging wala, nakabalik na?

Dali-dali siyang napabalikwas ng bangon at tumakbo palabas ng silid. Ilang taon na ba silang hindi nagkita ni Ilias? Labinlima? Dalawampu't lima?

"Oh! Hinay-hinay lang sa pagtakbo." Sigaw ni Danna na kasalukuyang kasama si Gabriel, nasa hardin sila ng palasyo. "Saan ba ang punta mo?" Dagdag na tanong ng taong-lobo.

"Nakita ba ninyo si Pinunong  Ilias?" Masaya ngunit kinakabahang tanong ni Lil Saint. Paano kung bigla na namang naglaho ang tagapaglikha niya? Mahilig pa naman iyong mawala na parang bula.

"Kasama ni Pinunong Nicholai, nasa abandonadong gusali yata." Napalingon si Lil Saint sa nagsalita. Si Nyx pala yon, kasama sina Alexandros at Erebus. Mag-eensayo yata sila para sa darating na digmaan.

"Salamat." Pasasalamat ni Lil Saint at tinakbo ang ang daan patungo sa abandonadong gusali na puno ng kaba. Ilang metro na lang siya mula sa gusal nang mapansin niya ang papalapit na si Pinunong Nicholai. Ngumiti ang dalaga bago yumuko. "Magandang araw, pinunong Nicholai. Nakita po ba ninyo si Pinunong Ilias?" Tanong agad ng dalaga sa orihinal na bampirang kaharap.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon