Chapter 8 -The Plan

2.3K 95 21
                                    

Julie’s POV

Nyx, Erebus, ihanda niyo na ang sarili niyo.” Pagpa-paalala ko sa kanila. Ngayon na namin gagawin ang planong naiisip ko.

Agad namang tumalima ang dalawa at lumabas ng silid upang magbihis ng kanilang kasuotan.

Kasama ko ngayon sina Zephyrus, Samantha, Erebus at Nyx. Hindi ko na isinali si Alexandros sa aking plano sapagkat nangangamba ako na baka hindi niya ito sang ayunan. May malaking posibilidad na iyon nga ang gawin nito sa plano ko dahil na rin sa maaaring malagay sa peligro ang buhay ng “itinakda”.

Julie, sigurado ka na ba sa pinaplano mo?” Maya-maya’y tanong sa akin ni Samantha na nakaupo sa kama at katabi si Zephyrus.

Oo nga Julie. Medyo delikado tayo dito eh. Pag nalaman ito ni Alexandros ay tiyak kong magagalit iyon.” Segunda naman ni Zephyrus.

 Tinapunan ko muna sila ng isang matalim na tingin at nagsalita, “Kung hindi nyo gusto ang plano ko ay wala na akong magagawa doon. Maaari kayong sumunod, maaari din namang hindi. Wala akong karapatang pilitin kayo na sumama sa pinaplano ko, nasa sa inyo na yun.

Tumahimik na lamang ang dalawa. Nararamdaman kong may pag-aalinlangan sila sa gagawin ko kay Hannah dahil na rin sa matinding takot nila kay Alexandros. Hindi lingid sa aking kaalaman na sa aming anim ay si Alexandros ang pinakamalakas. Matatalo at matatalo niya ang kahit sinuman sa amin – kahit na pagsasama-samahin pa kaming lima.

Naramdaman ko ang muling pagbubukas ng pinto at pumasok sina Erebus at Nyx na ngayon ay nakabihis na.

Pareng Julie, ready na kami.” Ani Erebus. Ito ay nakasuot ng itim na damit at pantalon. Naka maskara din ito na mata lang ang nakikita kaya mahirap itong makilala maliban na lamang kung magsasalita. Naka-contact lens din si Erebus upang matago ang pagiging bampira.

Katulad ni Erebus ay ganoon din ang gayak ni Nyx.

Kung gayon at humayo na kayo para maagang matapos ang plano natin” Tumango ang mga ito at sa isang iglap ay agad na itong naka alis.

Tinignan ko ulit ang magkasintahang nasa aking kiliran. “Nakapag-desisyon na ba kayo? Sasama na ba kayo sa amin? ” Tanong ko sa kanila.

Napabuntung hininga naman si Zephyrus. “May magagawa pa ba kami eh mukhang pinlano mo na itong mabuti?

I just smirked. What he said was true, this is well planned already.  “As I’ve said, it’s still up to you guys if you’ll gonna help me or not.

Tumayo na ang mga ito na sa wari ko ay maghahanda na rin para sa magiging papel nila sa plano ko.

Okay fine, I surrender. We’ll come and help you out.” Ani Samantha at tinignan si Zephyrus. Tumango lamang ang lalaki na ang ibig sabihin ay payag na rin ito.

Pero kapag ito nakarating sa kaalaman ni Alexandros ay huwag na huwag mong sasabihin na hindi ka namin pinagsabihan. Kilala mo si Alexandros, Julie. Kilalang-kilala mo siya.” May himig pananakot na wika pa rin ni Samantha.

I smiled in triumph. “Don’t worry. Ako at ako lang ang mananagot kay Alexandros kung sakali man. Hindi ko kayo idadamay dito.” Paniniyak ko.

Pagkaraanng  ilang sandali ay nagpaalam na rin ang mga ito. “Aalis na kami.” Sabi ni Zephyrus.

O sige. Basta huwag niyong kakalimutan na hintayin muna ang aking hudyat bago kayo gumawa ng aksyon.” Paalala ko sa kanila.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon