Chapter 4 - Suspicion

3.5K 117 26
                                    

Hannah’s POV

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nagising ako sa pakiramdam na para bang may nagmamamasid sa akin. At hindi nga ako nagkamali, sa pagdilat ko ay si Gabriel agad ang aking nasilayan na nakatayo sa may bandang paanan ng aking kama.

I felt conscious. Agad-agad akong napaupo sa aking kama at hinablot ang aking kumot.

What is he doing here?

To my surprise, a lopsided smile formed on his lips “Nakalimutan mo na rin bang ako ang naatasang magbantay sa’yo habang wala pa si Lil Saint?” He said sarcastically.

Mukhang nabasa na naman niya kung ano ang nasa aking isipan.

I was confused on the way he said those words. Para bang may dobleng kahulugan iyon. “H-hindi naman sa ganoon. Hindi ko naman siguro ugaling makalimutan ang isang bagay sa pagtulog lang diba?” I was defending myself at the same time asking him.

Ilang saglit muna niya akong tinitigan bago nagsalita. “Of course not. Mabuti san-tajaghdg athjd” May iba pa siyang sinabi ngunit hindi ko na ito narinig pa.

Wala pa rin ba si Lil Saint?” Kung nandito pa rin si Gabriel sa bahay namin ay iisa lamang ang ibig sabihin 'non, wala pa si Lil Saint.

Matagal siyang natapos sa pinuntahan niya kaya nagpasya na lamang siyang huwag umuwi rito bagkus ay dumiretso na sa paaralan.” Mahabang paliwanag sa akin ni Gabriel.

Kung dumiretso siya ng paaralan, ibig sabihin ba 'non ay hindi siya naligo at nagpalit ng damit?

Tumawa si Gabriel “Huwag kang mag-alala, kahit ilang dekada pa kaming hindi maligo ay hindi kami mangangamoy katulad ng nangyayari sa karaniwang mga tao. Iba ang body temperature namin.” He paused but then continued “But rest assured na nakaligo na iyon at nakapagpalit ng damit. Knowing her, alam kong malinis iyon sa katawan.

Sa uri ng pagkukwento niya ay para bang napakatagal na nilang magkakilalang dalawa.

Kung wala ka ng ibang tanong ay maiiwan na kita rito.” Wika ni Gabriel. Umiling na lang ako pagkatapos ay umalis na siya sa aking silid.

Ang dami ko pa sanang gustong itanong kay Gabriel ngunit ako ay nahihiya pa rin sa kanya. Tumayo na rin ako at nagsimulang maghanda.

Gabriel . . . Sino ka bang talaga? Sino ka sa buhay ko?

----

Gabriel’s POV

Pinagmamasadan ko lamang siya habang mahimbing siyang natutulog. Sa mga nakalipas na taon ay hindi pa rin siya nagbago, ang likot-likot pa rin niyang matulog. Muntik pa nga siyang mahulog, mabuti na lang at naagapan ko siya kung hindi ay baka sa sahig ang bagsak niya.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon