Chapter 33 - Safe

1.7K 59 18
                                    

THIRD PERSON'S POV

Drakus

"E-ehem.."

Agad na iminulat ni Hannah ang kanyang mga mata ng marinig ang pagtikhim ni Alexandros at nakita itong nakatunghay sa kanya.

"Gumising ka na." Wika nito ng di humihiwalay ng tingin kay Hannah..

Ipinikit ulit ni Hannah ang kanyang mga mata, "Inaantok pa ako, Alexandros. Napuyat ako sa kwentuhan namin kagabi ni Erebus." Angal ni Hannah sa binata.

"Pero kailangan ko ng lumabas ng silid." pang-iistorbo ni Alexandros sa muling pagtulog ni Hannah.

"Umalis ka na. Mamaya na ako gigising." Tugon ng dalaga kay Alexadros habang pikit ang mga mata.

"Hindi ako makatayo. Nakayakap ka pa sa akin." Wika ng lalake na nakapagpamulat ng mga mata ni Hannah. Di nga ito nagbibiro, nakapulupot lang naman ang mga braso ni Hannah payakap sa beywang ni Alexandros.

Agad na inalis ni Hannah ang kanyang braso at napabalikwas ng bangon. "Ah..Ahmm.. Sige, maliligo muna ako." Sambit niya at dali-daling tinungo ang banyo sa silid ni Alexandros.

Agad na hinarap ni Hannah ang salamin at tiningnan ang repleksyon doon.

Nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Wika niya sa sarili.

Hindi tuloy niya maiwasang alalahanin ang nangyari noong nakaraan araw sa pagitan nila ni Alexandros.

--

"Bakit mo nga ako dinala rito? Malamang hinahanap na ako nina Isaac ngayon, Alexandros! Tsaka kasama mo rin yong bampirang dumukot sa akin dati. Ano bang ibig sabihin ng lahat ng ito?" Pasigaw na tanong ni Hannah kay Alexandros matapos umalis nina Erebus sa silid ni Alexandros.

Nahilot ni Alexandros ng wala sa oras ang sentido nito bago sagutin si Hannah, "First, it's my mission to bring you here. Sa simula pa lang iyon na ang layon namin, Hannah. Iyon ang dahilan kung bakit nag-aral uli kami. Si Aurelius naman, siya ang naatasan noon ni Papa na tuklasin ang buong pagkatao mo." Paliwanag ni Alexandros kay Hannah.

"At dinala mo ako dito para doon?" puno ng hinanakit na sambit ni Hannah kay Alexandros.

"Oo." Sagot ni Alexandros bago iniwas ang tingin kay Hannah.

"Wala ka palang ipinagkaiba sa kanya." Puno ng pang-aakusang wika ng dalaga bago tinalikuran ang lalake.

"I..I would never hurt you, Hannah." Sambit ni Alexandros na ngayon ay nasa likuran na ni Hannah at pinigil ito sa tangkang pag-alis.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon