Chapter 11 - Demetri

2.5K 95 40
                                    

Third Person's POV






"Demetri . . . Ipangako mong hindi mo pababayaan ang anak natin." Patuloy na pagsasalita niya kahit naghihingalo na siya.





"Pangako mahal ko . . . Huwag kang sumuko." Ang lalaki naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin.





Patuloy pa rin siya sa pagtakbo habang pasan niya ang babae, hindi alam kung saan pupunta. Bawat lagusan ay may nakaharang na bantay kundi man ay mga patibong. Ang tanging alam niya lamang ay kailangan niyang iligtas ang asawa at ang sarili niya.





Ngunit alam din niyang wala siyang mahahanap na gamot doon - ang katas ng itim na rosas - na tuwing kabilugan ng buwan lamang sumisibol sa lugar na iyon.





"Sandra, bear with me please. Malapit na tayo sa lagusan. Makakatakas na tayo"





Nakatingin lamang sa kanya ang babae, para bang kinakabisa nito ang bawat parte ng kanyang mukha. Nakikita niya ang paghihirap na dinaranas nito, may mga luha na rin itong lumalandas sa maganda nitong mukha.





Hindi na niya ito kayang gawing bampira dahil bukod sa kapapanganak pa lang nito ay ayaw din mismo ng babae.





"Naalala mo pa ba . . ang una nating pagkikita?" saglit pa itong huminto para huminga ay umubo "Ang sungit-sungit mo sa akin noon . . . ngunit kahit ganoon ay ikaw pa rin ang palaging nagliligtas sa akin." Nakangiting wika nito sa kanya.






Tumango-tango na lang siya, ayaw niyang humaba ang kanilang pag-uusap dahil nahihirapan na itong huminga. "Please stop talking for a while, Love. Just rest first, this will be over soon." Sumunod naman ito sa kanya.






"Nandito sila!! Mga kawal!" Napalingon siya sa sumigaw. Nakita niya ang mga paparating na mga kawal.





"Demetri!!! Wala ka nang lalabasan pa kaya ang mabuti pa ay sumuko ka na!" Sigaw ng isa sa mga naging kasamahan niya noon sa konseho - si Zymyr, ang pinuno ng hukbong sandatahan ng mga bampira.





Hindi siya tumigil bagkus ay mas binilisan pa niya ang kanyang pagtakbo. Ilang mga kawal pa ang pilit niyang nilabanan pero sa huli ay nagapi pa rin siya dahil na rin sa dami ng mga ito at panghihina ng katawan niya. Wala siyang nagawa ng kunin ng mga kawal si Sandra mula sa kanya.





"Huwag, pakiusap . . Huwag ninyong sasaktan si Sandra . . ."





"Demetri, alam mo ang kaparusahan ng batas na sinuway mo." Ani Zymyr. "Pasensya ka na ngunit ito ang naging desisyon ng konseho. Kailangan namin kayong patayin lahat - maging ang magiging anak mo - para na rin sa kaligtasan ng ating lahi."






"Ako na lang . . huwag ang pamilya ko. Parang awa mo na . . " Patuloy na pakiusap niya kay Zymyr.






Si Sandra ay hinang-hina na. Ito'y marahil na rin sa sobrang hirap na nararanasan nito ng mga sandaling iyon.






"Mahal na mahal kita Demetri . . . Tandaan mo iyan .. ." She said breathlessly. Unti-unti ang paglatay ng sakit sa buong katawan nito mula sa itinurok na pang-iniksyon ng isa sa mga kawal. Ngumiti muna ito sa kanya bago tuluyang pumikit ang mga mata.







"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!" Gusto man niyang manlaban ay maski siya ay tinurukan din ng lason.






"Iwanan niyo na sila diyan. Tayo na!" Utos ni Zymyr at tumakbo na palayo. Agad namang tumalima ang hukbo nito at sumunod na rin.






Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon