Chapter 12 - Close to you

2.2K 89 30
                                    

Hannah’s POV

Pagkatapos ng pagguhit ni Alexandros ay tahimik na naman siyang tumanaw sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit pero palagay ko may kinalaman sa kanyang buhay ang kanyang iginuhit.

Do you know how it feels to be alone, Hannah?” Bigla na lang tanong sa akin ni Alexandros.

Napalingon ako sa gawi niya. Tiningnan ko ang kanyang mga mata upang malaman ko kung anong emosyong nakapaloob doon ngunit wala akong nakita. Nakatanaw lang ito sa malayo.

Nevermind. Don’t answer it.” Agad din namang bawi ni Alexandros sa kanyang tanong.

Napatingin na lang din ako sa magandanang tanawin na nasa aking harapan.“Alam ko ang pakiramdam na iyon, Alexandros. Lalo na ngayon na wala akong maalala sa aking nakaraan. Puro katanungan ang nasa aking isip. Minsan nga sa pagtulog ko ay nangangamba ako na baka paggising ko sa umaga ay wala na naman akong maalala. Ni hindi ko nga alam kung may pamilya pa ba ako o wala na. Para akong isinilang muli.” Mahabang sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko ang kanyang paglingon sa akin pero wala itong sinasabi. Lumingon na lamang din ako sa kanya upang salubungin ang kanyang mga mata. Muli ay nagkatitigan kami. Sa unang pagkakataon ay may emosyon akong nakita doon. Pag-aalala. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa akin.

You still don’t know everything, Hannah. I have to go.” Wika niya sa akin at bigla na lamang itong tumayo at mabilis na umalis.

Gusto ko sana itong sundan ng tingin ngunit sobrang bilis nitong nawala na parang bula.

What are you doing here, Hannah?” Napalingon ako sa aking kanan at nakita ko si Gabriel. “Don’t you know that this part of the school is restricted?” Muling tanong niya sa akin. May nahihimigan akong galit mula sa kanyang tinig.

I . . I didn’t know, Gabriel. I’m sorry.” Hinging paumanhin ko sa kanya. Alam kong nag-aalala siya sa akin.

Mabilis itong nakalapit sa akin at sa aking pagkagulat ay niyakap niya ako. Isang mahigpit na yakap. Hindi ako nakagalaw dala ng aking pagkabigla.

Gusto kong magalit sa iyo ngunit hindi ko magawa.” Maya-maya’y wika ni Gabriel habang ako’y yakap pa rin niya. “I’m still here, Hannah. I’m just here. Kahit iyon man sana ay huwag mong kalimutan.

Ito ang pangalawang beses na niyakap ako ni Gabriel mula ng araw na nailigtas nila ako ni Lil Saint at Isaac. Bigla akong nakaramdam ng pagka-miss sa kanyang ginawa.

Bakit napaka-pamilyar sa akin ng kanyang mga yakap?

Hindi na ako umimik pa at hinayaan siyang yakapin ako. Ilang saglit lang at pinakawalan na niya ako mula sa kanyang yakap. Nakatingin lamang siya sa akin at ako din sa kanya.

Let’s go.” Ani Gabriel at tumango na lang ako. Gaya ng inaasahan ay mabilis din itong nakalayo katulad ni Alexandros.

Napabuntung hininga na lamang ako.

Sino ka nga bang talaga, Gabriel?

-------

Gabriel’s POV

Pagkatapos ng aking klase ay agad kong hinanap ang aking mga kaibigan. Nakita ko naman agad sa Lil Saint at Nicholas sa aming tambayan ngunit wala si Hannah. Tinanong ko sila kung nasaan si Hannah at sinabi nga nila na may pinuntahan daw ito para sa kanyang proyekto sa sining.

Bakit ninyo siya pinabayaang mag-isa?” Hindi ko maiwasang mag-alala. Kahit na ang paaralang ito na protektado ng konseho ay hindi ligtas para kay Hannah.

Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon