( Note: Dahil nalilito pa rin ang iba, kaklaruhin ko lang po. Babae po si Lil Saint. Hahahaha ;) serry nemen!)
Hannah's POV
"Lil Saint, kwentuhan mo nga ako tungkol sa lahi ninyo." nasa bahay na kami at kasalukuyang nanunuod ng palabas sa telebisyon nang bigla kong maisip iyon.
Bigla ko na namang naalala ang lalaki kanina sa classroom. Parang bola ng apoy ang mga mata niya nung titigan niya ako kanina, sobrang pula ng mga mata niya, sobrang putla ng balat niya. Hindi nakaligtas sa akin ang panaka-nakang pagtitig niya sa akin kanina.
"Parang 'di ka naman nakikinig." naputol ang aking pag-iisip ng sinabi iyon ni Lil Saint sa akin. Hindi ko namalayan na naglalakbay na pala ang isipan ko habang nagsasalita ang babae.
"Pasensya na, may naisip lang ako. Sige na, kwentuhan mo na ako. Makikinig na ako promise." pumwesto na ako ng maayos at handa ng makinig sa mga sasabihin ng bampirang kaharap ko.
"Saan ba ako magsisimula?" pinitik-pitik pa ni Lil Saint ang kamay sa ere habang nag-iisip kung saan sisimulan ang pagkukwento niya.
"Saan kayo nagsimula?" tanong ko sa kanya. Iyon rin ang bumabagabag sa akin. Saan ba nagsimula ang lahi ng mga bampira?
"Hindi ko rin alam, Hannah. Ang alam ko, sampung bampira ang pinagmulan ng kasalukuyang henerasyon ng mga bampira ngayon. Kung itatanong mo kung bakit naging bampira ang sampung 'yon, hindi rin nila alam. Misteryo rin para sa amin ang aming pinagmulan." sabi ni Lil Saint na ngayon ay nakadungaw na sa bintana. Halata ang pagka-asiwa niya sa pinag-uusapan namin.
"Buhay pa ba ang sampung iyon?" tanong ko sa kanya, biglang napukaw ang interes ko sa lahi ng babae.
"Walo na lang sila Hannah, namatay na 'yong dalawa. Ang anim, sila ang itinuturing naming mga Supremo. Sila ang Konseho, ang nagpapanatili ng kaayusan sa aming lahi." sabi ni Lil Saint at bahagya akong nilingon, may munting ngiti sa kanyang labi.
"Nasaan ang natitirang dalawang bampira?" puno na ng kuryosidad na tanong ko.
"Ang isa, hindi na namin alam kung nasaan na ngayon, pagala-gala lang kasi 'yon. 'Yong isa naman...si Demetri, wala na rin kaming balita." sabi ni Lil Saint at lumapit sa akin. Hindi pa rin talaga ako sanay sa mabilis na galaw niya, para itong nagsasayaw sa hangin.
"Paano mo malalaman kung patay na ang isa sa kanila? Magiging abo rin ba sila?" tanong ko kay Lil Saint na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Walang palatandaan kung paano malalaman ang pagkasawi ng isang orihinal na bampira, Hannah. Sana nga ay mayroong paraan para malaman iyon, pero wala." Tumayo na naman si Lil Saint at naglakad papuntang kusina, pakiramdam ko'y iniiwasan niya ang naturang usapin kaya siya lumayo. Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang tasa ng mainit na tsokolate at binigay sa akin, napansin siguro niya ang panlalamig ko.
"Ano pa ba ang gusto mong itanong?" umupo ulit si Lil Saint sa tabi ko at masuyo akong nginitian.
"Bakit luntian ang kulay ng mga mata ni Gabriel?" naisip kong itanong bigla. Isa rin iyon sa mga ipinagtataka ko. Halos lahat ng bampirang nakita ko sa araw na ito'y kulay pula ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampireNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...