Chapter 9 - Flows in you

2.4K 107 36
                                    

Shoutout: One of my many fav chapters here. Dedicated to you. Seeeeeeennnn. F*****s mode: ON HAHAHAHAHAHAHHA

Hannah's POV



"How are you?" Tanong ni Gabriel sa akin.

"Fine." Maikling sagot ko sa kanya. Kakauwi lang namin ni Lil Saint ng bahay galing sa ospital.

"Kung tungkol sa-" Pinutol ko ang sasabihin sana ni Gabriel at tinungo ang salamin sa aking silid.

"Alam ko na nabangga ako ng kotseng iyon Gabriel. Nasagasaan ako ng araw na iyon pero bakit wala.." Tiningnan ko ang sarili sa salaman, ininspeksyon ang sarili bago dinugtungan ang sasabihin ko, "wala akong pinsalang natamo." Kunot-noo kong pahayag kay Gabriel.

"Hannah.." Lalapit na sana si Gabriel sa akin pero pinigil ko siya. Nginitian ko siya ng bahagya kahit puno ng tanong ang isip ko. Kinuha ko ang bag sa kama ko at tiningnan siya.

Ewan ko pero pakiramdam ko ay may alam siya tungkol sa akin, pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa akin. Maging ang mga doktor ay nagulat sa bilis ng paggaling ko, walang bali o dislocation man lang. Napailing na lang ako sa itinatakbo ng isipan ko.

"Papasok na ako sa klase. Maiwan na kita." Paalam ko sa kanya. May importante raw silang lakad ni Lil Saint kaya hindi makakapasok ang dalawa. Si Isaac at Nicholas lang ang makakasama ko sa araw na ito.



-----------------

Pagkarating na pagkarating ko sa paaralan ay hinanap ko agad siya, si Alexandros. Si Isaac ang kasabay ko sa pagpaso. Si Nicholas naman ay nauna na sa pagpasok dahil kasama nito si Brianna, ang kanang kamay ni Nicholai.

"Hannahbeee, helloooooooo??" Pagpapapansin sa akin ni Nicholas, paano kasi ay kanina pa ako walang imik. Panakaw kong tinitingnan nag umpukan nina Alexandros at ng mga kaibigan niya, kasalukuyan kaming nasa canteen.

"Wala lang ako sa mood Nicholas." Nakangiting pahayag ko sa aking kaibigan para hindi siya mag-alala sa akin at sundan ako saan man ako magpunta.

Napansin ko na tumayo si Alexandros mula sa umpukan at lumabas ng canteen. Nagpaalam ako kay Nicholas na pupunta lang ng banyo. Agad kong hinabol so Alexandros, likod na lang niya ang nakita ko ng lumabas ako sa canteen. Papunta sa stadium ang tinatahak niyang daan.

"Hey.." Tawag ko sa kanya ng sa wakas ay masundan ko siya malapit sa stadium, malapit sa bukana ng kagubatan.

"What are you doing here?!" Gilalas na tanong ni Alexandros sa akin. Gusto ko lang talagang magpasalamat sa kanya pero para yatang wala siya sa mood.

"Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo noong-" Sabi ko sa kanya pero pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"You're welcome. Get out of here, NOW!" Sigaw niya sa akin. Napansin ko na wala sa akin ang atensyon niya, nagpalinga-linga ito sa paligid, nakikiramdam.


"Bakit-" Magtatanong sana ako kung ano ang nangyayari sa kanya ng bigla siyang lumapit sa akin, hinarap ulit ni Alexandros ang kakahuyan habang hawak-hawak ako sa may likod niya na para bang pinoprotektahan niya ako.

"Sh*t." Mura ni Alexandros, hindi ko alam kung bakit siya nagkaganoon kaya tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya.


Aeternus: Eternal Love #Wattys2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon