Zephyrus POV
"Mag-iingat ka." Hawak-hawak ni Samantha ang kamay ko ng sabihin niya iyon.
"Hintayin mo lang ako rito. Babalik ako agad." Sabi ko sa kanya bago halikan ang kanyang noo. Walang kasiguraduhan ang misyon ko ngayong gabi.
Hindi ko alam kung magiging matagumpay ang misyong ibinigay ni Alexandros sa amin, ayaw kong isama si Sam. Masyado ng delikado at ayaw ko siyang madamay kung sakali mang magkaroon ng aberya sa lakad ko.
"Zeph . ." Tawag ni Sam ng nasa pinto na ako palabas ng kwarto namin. "Bumalik ka kaagad." Sambit ni Sam na tinanguan ko lang.
Lumabas na ako ng silid, mahigit kalahating oras ang magiging paglalakbay ko sa gubat.
----------
Sa parang malapit sa eskwelahan . .
Nang nasa gubat na ako ngayon. Pinakiramdaman ko muna ang aking paligid, ng masiguro kong nag-iisa lamang ako at walang nagmamanman, agad kong sinundan ang daang sinabi ni Danna sa amin.
Malapit na akong makarating sa lugar na sinabi ni Danna sa amin ni Sam.
Walang naging aberya sa pagpunta ko rito maliban sa tatlong taong-lobo na nakasagupa ko kanina malapit sa eskwelahan.
Dahan-dahan akong lumapit, ikinukubli ang sarili sa kadiliman, sa mga halaman na nakapalibot sa parang.
Naaaninag ko ang mga anino ng higit kumulang limampung lobo. Napakunot-noo ako sa dami ng bilang nila. Napansin ko naman na may tatlong anino na anyong tao.
Sila na ba ang tinutukoy ni Danna na mga bampira?
Lumapit pa ako para matingnan ng mabuti kung sino ang nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng itinakda.
Nang husto na akong makalapit ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita kung sino ang kausap ni Ibrahim - ang punong-bantay ng mga taong lobo.
"Kailangan na nating kumilos, Ibrahim. Kailangan na nating makuha ang itinakda." Pahayag ng bampira sa pinuno ng mga taong-lobo.
"Isang buwan mula ngayon, kaibigan. Ang pagsasanib ng araw at ng buwan ang siyang magiging hudyat para sa ating inaasam-asam na digmaan." Narinig kong wika ni Ibrahim sa bampira.
"Ang dugo niya Ibrahim. Ang dugo ng itinakda." Nakakaloko ang ngiting namumutawi sa labi ng bampira.
Digmaan? Ang pagsasanib ng araw at ng buwan?
Hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong napaatras palayo,
Paanong . . pero . .
Hindi ko namalayan na naapakan ko pala ang isang sanga na lumikha ng ingay na kumuha ng atensyon ng mga taong-lobo at ng dalawang bampira.
Agad akong tumakbo palayo. Kailangan nilang malaman kung sino ang traydor, kung sino ang may pakana sa lahat ng ito. Nahihinuha ko na kung ano ang pakay nila kay Hannah. Kailangan kong masabi agad ito kay Alexandros.
Malapit na ako sa eskwelahan, tumatakbo pa rin ako ng mabilis. Sana lang ay hindi nila ako maabutan.
"Aalis ka na agad?" Napahinto ako sa pagtakbo ng mapansin na nasa harapan ko na siya.
Si . .
"Nagsisimula pa lang kami." Nangilabot ako sa klase ng ngiti niya. Hindi ko akalain na sa lahat ng maaring trumaydor ay siya pa . .
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampirosNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...