Lil Saint's POV
Dalawang linggo. Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong..simula ng.. Napabuntong-hininga na lamang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya ang bagay na iyon sa Zamaria.
"Lil Saint.." Napalingon ako sa pintuan ng aking silid, nakita kong nakatayo roon si Samantha. "Maari ka bang makausap?" Nag-aalinlangan niyang tanong sa akin. Nginitian ko siya bago tinapik ang espasyo sa tabi ko, tumalima naman siya agad at tumabi sa akin.
"Pasensya ka na sa nagawa ko sa iyo noon." Hinging paumanhin ni Samantha sa akin. Nakatanaw siya sa labas ng aking bintana. "Hindi ko alam na hahantong ang lahat sa ganito, kung alam ko lang sana.." May paghihinayang sa tinig niya.
"Ganyan talaga ang buhay Sam, parang pinaglalaruan lang tayo ng pagkakataon." Hindi ko mapigilan ang hindi masaktan sa naging tugon ko kay Sam.
"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin, alam kong patungkol kay Camarri ang tanong niyang iyon.
"Heto, lumalaban pa rin. Kailangan eh, para sa kaibigan ko. Ikaw?" Balik-tanong ko sa kanya,
"Unti-unti ko ng natatanggap ang mga nangyari. Hindi ko lang mapigilan minsan na...alam mo na." Tugon ni Samantha na may mapait na ngiti sa kanyang labi.
"May ibang nagmamahal sa iyo, Sam. Sana wag mong tuluyang isara ang puso mo sa panibagong pag-ibig." Sabi ko sa kanya.
"Alam ko." Ani Samantha na may lihim na ngiti sa kanyang labi. "Aalis na muna ako para makapagpahinga ka. Pinapatawagan pala ni Zymyr sina Julie at Nicholas. Mabuti pa ang dalawang 'yon." Napapailing na wika ni Samantha saka tumayo.
"Hindi rin biro ang pinagdaanan ng dalawang 'yon. Hindi ko inakalang binago ni Julie si Nicholas."
"Tama ka. O siya, aalis na ako para makapagpahinga ka na." Paalam ni Samantha at tuluyan ng lumabas sa aking silid.
---
Camarri's POV
Hindi ako magsasawang tingnan siya kahit sa malayuan. Kung maari ko lang sanang sabihin sa kanya ang lahat.
Minsan gusto ko na lang tumakbo at umalis sa lugar na ito, ang ilayo siya sa lahat ng kaguluhang ito at maglaho na lang na parang bula, ngunit hindi maari.
Tiningnan ko ulit ang bintana at nagtaka dahil nawala bigla si Lil Saint doon. Lumapit pa ako ng bahagya para masuyod ko ang kabuuan ng kanyang silid mula sa kinaroroonan ko.
"Camarri.." Narinig ko ang boses niya mula sa aking likuran. Hindi ko siya nilingon, hindi ko siya kayang tingnan.
"Bakit? Bakit mo nagawa ang bagay na iyon?" Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit sa kinatatayuan ko.
BINABASA MO ANG
Aeternus: Eternal Love #Wattys2014
VampireNagising si Hannah na walang kahit na anong maalala. Ang tanging alam niya ay may gustong pumatay sa kanya. “Mamamatay ka na.” Sambit ng tinig sa kanyang isipan, ngunit bago pa man nito maisagawa ang plano’y may dalawang nilalang na nagligtas sa kan...